Chapter 5

117 8 0
                                    

Madz POV

Matapos ang isang linggo muli ko ng naisuot iyong uniform ko. Pagkadischarge ko sa hospital pinagrest pa din ako nila Captain at Colonel. Lagi lang akong nakastay sa quarters namin tapos paminsanminsan pumupunta sa office para gumawa ng report pero hindi ako pinapalabas.

Magaan naman na sa pakiramdam pero nasa paghilom pa din iyong sugat ko, kaya iyong mga task ko ngayon ay usually dito lang din sa paligid hindi na muna ako pinapadala sa labas.

Ngayong araw sinabihan ako ni Colonel na pupunta daw kami kay Governor, nais daw niya akong makausap. Tinanong ko nga kay Colonel kung para saan ngunit ang sabi niya mas ok na daw na si Gov na ang magsabi sa akin pagdating doon.

Habang naghihintay kay Colonel since nasa meeting pa siya, naisipan ko munang tumambay sa veranda ng office namin. Hindi pa nakasikat ang araw pero maliwanag na.

'6:00AM' pagkatingin ko sa relo ko

Tahimik pa ang paligid at tanging tunog ng ibon ang maririnig.

Mula sa aking pagkakatayo ay matatanaw ang buong paligid iyong hospital, quarter building at iyong main gate.

Kinuha ko ang binoculars na nakasabit sa leeg ko at sumilip dito. Minsan gawain ko to lalo na pag nagpapalipas ng oras bukod sa lagi ko tong ginagawa pag nasa mission kami. Malaking tulong kasi ito lalo na at makikita ng malapitan ang nasa malayo.

Nang ilipat ko pakanan iyong hawak ko, nagulat ako sa nakita ko.

Si Doc A na naglalakad, nakapangworkout attire siya suot ang sports bra at legging pants tapos may cap.

Lumapit ako para mas malapit na anggulo ko siya makita.

Bigla siyang huminto sa paglalakad at tinaas iyong phone niya tapos bigla siyang ngumuso.

Hindi ko namalayan na napangiti na pala ako. Ang ganda niya.

May kausap ba siya or nagpipicture lang siya

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

May kausap ba siya or nagpipicture lang siya.

Hindi ko naman naiwasan mapatingin sa buong katawan niya. Bumagay sa kaniya ang suot niya dahil sa fit niyang katawan.

"Lim!" may biglang tumapik sa balikat ko dahilan para maibaba ko iyong binoculars na hawak ko

Paglingon ko si JR pala.

"Sino iyong tinitignan mo diyan ah" akma niyang kukunin iyong binoculars ko pero pinigilan ko ito

"Wala" sabi ko

"Asus parang may tinitignan ka eh"

"Wala ka na doon"

"Sige sabi mo, nga pala hinahanap ka na ni Colonel tapos na meeting nila"

"Ganoon ba siya lang naman hinihintay ko, sige puntahan ko na siya"

"Ok na ba sugat mo tol? Kaya mo na ba?" may pagaalalang tanong nito

Safe Haven (MIKHAIAH)Where stories live. Discover now