Audrey's POV
"Good afternoon Doc A" bati ng next patient ko
"Good afternoon din po Mr. and Mrs. Garcia, maupo po kayo"
Umupo naman silang magasawa sa tapat ko. Nireview ko iyong patient record sa computer ko.
"Kamusta po kayo ngayon Mr.Garcia?"
"Ok na ok ako Doc sobrang gaan ng pakiramdam ko" nakangiting sabi nito
Three weeks ago naoperahan ko si Mr.Garcia tinanggal iyong liver niya dahil sobrang delikado na nga nito. Mabuti na lang at nagkaroon din agad ng donor kaya naliver transplant din siya agad.
"Mabuti po kung ganoon, based po dito sa ultrasound niyo wala naman pong complications."
"Maraming salamat po talaga Doc for saving my husband" sabi ni Mrs.Garcia, napahawak pa nga ito sa kamay ko
"Naku wala po iyon ginagawa ko lang po iyong trabaho ko, basta Mr.Garcia ingat na po ah second liver niyo na iyan"
"Oo naman Doc A, healthy living na ko ngayon. Ay Doc may ibibigay nga po pala kami sa iyo simpleng pasasalamat lang"
"Ano po iyon?"
Pinatong naman nila iyong paper bag sa table ko.
"Coffee at Tea po Doc, alam ko po hindi kayo tumatanggap ng mga regalo sa patients niyo pero simple lang naman po ito. Fresh po ito sa farm namin kaya sana po tanggapin niyo Doc ishare niyo na lang po sa iba niyong staff"
Sinilip ko nga ang laman nito at may dalawang malaking jar na may laman na coffee bean at tea leaves.
"Sige po isheshare ko na lang po ito sa kanila. Thank you po"
"Ayun buti na lang Doc tinanggap mo. Doc sayang talaga wala kaming anak na lalake kung hindi sana irereto na lang namin sa iyo" sabi ni Mrs.Garcia
"Hon ano ba nakakahiya kay Doc"
Natawa naman ako sa kanila.
"Wala ka pa bang nobya Doc?" tanong ni Mrs.Garcia
"Naku busy po eh" sagot ko na lang
"Doc makipagdate ka din, sayang naman ganda mo at sobrang bait mo pa swerte talaga ng magiging nobya mo"
"Naku Doc pagpasensyahan mo na tong Misis ko, tara na nga uusisain mo pa personal na buhay ni Doc madami pa siyang pasyente" tumayo na nga si Mr.Garcia
"Eto naman nagmamadali, Doc salamat talaga ah pag ano papasyal kami dito pag naubos na iyan dadalhan ka namin ulit" sabi ni Mrs.Garcia at tumayo na din
"Naku ok na po ito, maraming salamat din po sa inyo. Magiingat po kayo lagi"
"Una na kami Doc, bye"
Pagkalabas naman nila ay si Mary ang pumasok.
"Wow may ayuda?"
"Coffee at Tea" sagot ko
"Very nice, Doc 5 more patients tapos pwede na tayo magmeryenda" sabi ni Mary
"Ok sige"
"Hala ang lakas ng ulan may bagyo ata"
Napatingin naman ako sa window ng clinic ko ang lakas nga ng ulan. Hapon pa lang pero ang dilim na ng langit.
Ininom ko na muna iyong natitirang coffee ko habang naghihintay sa next patient.
After morning rounds sa mga patients namin na nakaconfine nagkaroon kami ng meeting kung saan may mga panibagong batch nga daw ng doctors at nurses ang dadating next week. Parang kailan lang kami iyong batch na bago tapos ngayon may padating na ulit.
YOU ARE READING
Safe Haven (MIKHAIAH)
RomanceLove comes in unexpected time and in unexpected way. When Doc A meets the Lieutenant, what are the chances na magwork at hindi iyong relationship nila. Handa din bang ipaglaban ni Lieutenant ang kaniyang pagibig gaya ng pakikipaglaban niya bilang is...