Madz POV
"Good morning Lieutenant Lim, pasok ka na muna hindi pa ko tapos magayos eh" bati ni Mary pagbukas niya ng pinto
"Good morning din Mary, sige hintayin na lang kita"
"Upo ka na muna magayos lang ako saglit"
Umupo naman na nga ako sa sala ng apartment nila, tumango na lang ako at pumasok na ulit si Mary sa kwarto niya.
Nandito nga ako ngayon sa apartment nila, Maaga kasing umalis si JR kaya ako na muna ang sasama kay Mary papuntang bayan para mamili ng mga kailangan dito sa hospital. Si JR kasi lagi ang kasama ni Mary or Stella kapag lumalabas, si Gene naman ang nakaduty sa camp para magbantay.
Akala ko si Mary na lang ang tao dito sa unit nila dahil 8am na din kasi baka pumasok na sila Doc A pero bigla na lang akong nakarinig ng kumakanta mula sa banyo.
"Let me be your woman
Woman, woman, woman (ayy)
I can be your woman
Woman, woman, woman
Let me be your woman
Woman, woman, woman (ayy)"Napangiti ako ng marinig ang pamilyar na boses, mukhang maganda iyong gising niya ah.
"Mary! Mary paabot naman iyong bra at panty ko naiwan ko ata sa kama ko" sigaw niya
Tila napataas ang kilay ko sa narinig ko.
"Mary! Iyong bra at panty ko pakiabot sabi ko"
Hindi ko alam kung matatawa ba ako or mahihiya kasi magugulat si Doc A pag nalaman niyang may tao pala sa sala nila.
Tumayo naman ako agad at kinatok si Mary.
"Tawag ka ata ni Doc A" sabi ko
"Ay eto pakiabot nga sa kaniya"
Tila napalunok ako ng iabot naman ni Mary iyong bra at panty na hinihingi ni Doc A.
"Ha? Bakit ako ikaw ang tinatawag" sagot ko
"Sige na Lieutenant para matapos ko na pagsuklay sa buhok ko iaabot mo lang naman"
"Mary antagal!" sigaw na naman ni Doc A
"Naku iabot mo na dali"
Kinuha naman ni Mary iyong kamay ko at pilit na inabot iyong underwear tsaka tinulak ako palabas.
Biglang bumilis iyong tibok ng puso ko, napatitig ako saglit sa hawak ko. Bakit ba kasi umakyat pa ko dito sana naghintay na lang ako sa baba. Narinig ko naman na parang bubuksan na ni Doc A iyong pinto kaya agad ako tumakbo sa may pinto at inabot sa kaniya.
Inextend ko lang iyong kamay ko para di niya makita iyong mukha ko.
"Antagal ha" sabi nito at kinuha na iyong underwear niya
Nakahinga naman ako ng maluwag at napakamot sa ulo.
Pabalik na sana ako sa sofa ng biglang bumukas ang pinto ng banyo at lumabas na si Doc A.
Nanlaki parehas iyong mga mata namin.
Nakatapis naman siya ng tuwalya habang suot naman niya iyong inabot ko since visible na iyong strap ng bra niya.
"Madz?! Anong ginagawa mo dito?" takang tanong niya
"Ah eh inabot ko iyong bra at panty mo"
"What?!" Napatingin siya sa katawan niya tapos bigla niyang niyakap sarili niya
"Bastos asan ba si Mary bakit ikaw ang nagabot" nagsimula na siyang maglakad at nilampasan ako
Sa paglalakad niya bigla naman siyang naout of balance mabuti na lang at agad ko siyang nahawakan sa bewang niya kaya hindi siya natumba, napakapit naman siya sa balikat ko.
YOU ARE READING
Safe Haven (MIKHAIAH)
RomanceLove comes in unexpected time and in unexpected way. When Doc A meets the Lieutenant, what are the chances na magwork at hindi iyong relationship nila. Handa din bang ipaglaban ni Lieutenant ang kaniyang pagibig gaya ng pakikipaglaban niya bilang is...