Audrey's POV
'My Lieutenant ❤️ Calling ...'
"Hi Love"
('Hello Love nandito na ko, nasaan ka ngayon? Galing akong hospital and apartment mo wala ka')
"Ohh welcome back Love, I'm outside you know working out"
('Tumakbo ka? May kasama ka ba?')
"Yes love tumakbo ako, ako lang po magisa"
('Puntahan kita saan ka ba banda?')
"Hmm hindi ko alam love saan banda to pero may sapa ako nakikita"
('Picturan mo send mo sa akin ako ng bahala')
"Ok send ko na lang sa iyo"
('Hintayin mo ko diyan ah magpahinga ka na muna')
"Sige love ingat ka"
('I love you love bibilisan ko lang')
"Ok I love you too"
End Call...
It's been a week simula noong huli kaming magkita, kakagaling niya lang sa General Santos, doon sila namalagi ng isang linggo kasama niya sina Gene at JR. Puro text at calls nga lang kami noong mga nakaraang araw, madalas sa tuwing gabi bago matulog o di kaya sa umaga bago magsimula sa work kami nakakapagusap dahil parehas kaming busy at nililimitahan naman ang paggamit ng cellphone kapag nakaduty sila.
Kaya naman mukhang sabik na sabik na siyang makita ulit ako, ganoon din naman ako sa kaniya. Hindi ko lang expect na ngayong hapon pala makakabalik na siya akala ko mamayang gabi pa.
Maaga naman natapos iyong duty ko, maliwanag pa kaya naman naisipan kong tumakbo muna wala din naman akong kasama pa sa apartment at nakaduty pa iyong tatlo.
Naisend ko na nga kay Madz iyong picture kung nasaan ako, mukhang kabisado naman niya iyong mga lugar dito kaya siguradong alam niya kung nasaan ako. Nagpahinga muna nga ako dito sa may sapa, nakakalahating oras naman na din ako sa pagtakbo at ramdam ko na ang pagod at bilis ng pagtibok ng puso ko.
Mayamaya lang biglang tumunog iyong phone ko.
Nagsend si Madz ng picture ko na nakatalikod. Kaya naman napalingon ako sa likod para hanapin siya pero wala namang tao, pinagtitripan ako nito."Love?" tawag ko
"Madz? show yourself na love alam kong nandiyan ka na" mukhang nagtatago lang naman siya sa mga puno dito
Nakarinig na nga ako ng foot steps at bumungad na nga siya sa harapan ko.
"Hello my Love" nakangiting bati niya
"Hello tatago ka pa diyan ah"
Lumapit naman na siya sa akin at agad na kinuha iyong kamay ko tsaka hinalikan ito.
YOU ARE READING
Safe Haven (MIKHAIAH)
RomanceLove comes in unexpected time and in unexpected way. When Doc A meets the Lieutenant, what are the chances na magwork at hindi iyong relationship nila. Handa din bang ipaglaban ni Lieutenant ang kaniyang pagibig gaya ng pakikipaglaban niya bilang is...