Chapter 4

470 19 0
                                    

Audrey's POV

Paglabas ko ng operating room bumungad sa akin si Sergeant Robles.

"Doc A kamusta po? Ok lang po ba si Lieutenant?" pagaalalang tanong nito

"Sergeant Robles ok na si Lieutenant, natanggal na iyong bala sa may tagiliran niya. Itatransfer na siya sa ICU muna for observation then pag ok na siya pwede na siya ilipat sa room."

"Doc A thank you" sabi niya at napahawak sa kamay ko

"Your welcome, mayamaya lang ilalabas na siya niyan. No need to worry palaban si Lieutenant" sabi ko at ngumiti para mapagaan man lang ang emosyon ni Sergeant

"Oo Doc iba talaga iyang si Madz"

Madz siguro ang pangalan ni Lieutenant.

"Mauuna na ko Sergeant Robles pakiantabay na lang si Lieutenant" pagpapaalam ko

"Sige po Doc A maraming salamat po ulit"

Dumaan muna ako sa ER para macheck kung ano ba kalagayan ng mga tao doon. Tahimik naman na at wala ng dumating na patients. Siguro naman pwede ng magoff duty.

Napaunatunat ako habang naglalakad papunta sa office.

Nadatnan ko naman si Shane at Mary pagpasok ng office.

"Ayan na pala si Doc A" sabi ni Mary

"Doc A tara na umuwi" sabi ni Shane

"Sure tara na" sabi ko

"May binigay pa lang palate dinner si Doc C" sabay taas ni Mary ng eco bag

"Sa quarters na lang natin kainin iyan baka hindi pa tayo makauwi pag nagstay dito eh" sabi ni Shane

"Oo nga si Stella ba?" tanong ko

"Nagtext siya sa labas na lang daw tayo magkita naglalakad na din siya" sabi ni Mary

Kinuha ko na nga ang mga gamit ko at tumayo na rin.

Parang bigat na bigat ang mga katawan namin sa sobrang pagod.

Paglabas nga namin ng hospital ay nandoon na si Stella.

"Andaming mga sasakyan tapos may pulis" sabi ni Mary

Andami kasing nakapark na sasakyan sa tapat tapos may police mobil pa.

"Iyong patient namin ni Stella si Governor siya daw inambush" panimula ni Shane

Nagsimula na kami maglakad papunta sa quarters. Dumikit naman kaming lahat kay Shane para makinig sa kwento niya.

"Oo nga buti na lang nakaligtas daplis lang iyong injury niya. Dumating daw agad iyong mga militar" dagdag ni Stella

"Tapos iyong patient namin ni Doc A si Lieutenant siya ang napuruhan" sabi ni Mary

"Nauna daw kasi nasave ni Lieutenant si Governor tapos iyong kasama naman niya na Sergeant sinubukan pang iligtas iyong mga kasama ni Gov kaso biglang lumala daw iyong palitan ng mga putok. Sumugod ulit si Lieutenant para balikan iyong kasama niya kaso ayun tinamaan siya mabuti na lang agad din dumating mga backup nila" pagtutuloy ni Shane

"Kanino mo naman nalaman iyan?" Tanong ko

"Narinig ko nagbigay ng statement si Gov kanina eh"

"Kaya pala ganoon na lang ang pagaalala ni Sergeant Robles kanina" sabi ko

"Kasi utang niya buhay niya kay Lieutenant" sabi ni Mary

"Hay buti na lang talaga nasave mo siya Doc A ang cutie pa naman non" sabi ni Shane

Safe Haven (MIKHAIAH)Where stories live. Discover now