Audrey's POV
Pagmulat ng aking mga mata iyong mukha niyang malaanghel ang bumungad sa akin.
Iyong makapal niyang kilay, matangos na ilong, mapupulang labi at makinis na mukha. Ang attractive talaga ng babaeng to, kaya nahulog tuloy ako sa kaniya.
Tila sariwa pa ang nangyari kagabi, sinong mag-aakala na isang pag-ibig pala ang mabubuo matapos ang mga nangyari.
Napatingin naman ako sa kaliwang braso niya na tinanggalan ko ng bala kagabi. Sana lang talaga iyon na ang huling pagkakataon na mapupunta kami ulit sa ganoong sitwasyon, ayoko na muling makita siyang nasasaktan.
Napakahimbing pa rin ng tulog niya kahit na ilang minuto ko na siyang pinagmamasdan. Naisipan ko namang bumangon na dahil may mga pasok pa kami. Kailangan ko ng magluto ng makakain namin.
Dahan-dahan ko namang tinanggal iyong kamay niyang nakayakap sa akin at bumangon na sa kama.
Pagkatapos maghilamos ay nagtungo na ko sa kusina ng unit niya upang tumingin kung ano ang pwedeng maihanda para sa umagahan. Mabuti na lang at may mga stock naman siya kaya nilabas ko na ito at nagsimula na ngang magluto.
Mayamaya lang ay nakita ko na siyang lumabas ng kwarto.
"Good morning love" nakangiti niyang bati napasandal naman siya sa pinto habang nakacross arms pa
"Good morning din, pinakialaman ko na iyong kusina mo love ha" sabi ko
"Sure no problem hmm maghilamos lang ako" sabi niya at naglakad na papuntang cr.
"Sige luto na din to ilagay ko na sa mesa"
"Ang sarap naman niyan love thank you sa pagluto" niyakap naman niya ko at hinalikan sa noo"Your welcome love kain na tayo"
Tumango naman siya, naupo na nga kami at nagsimulang kumain.
"Kamusta pakiramdam mo masakit ba braso mo?" tanong ko
"Medyo lang love pero kaya naman mas masakit pa din iyong feelings ko noong tinulak mo ko pagkatapos kita ikiss noong birthday mo" natatawang sabi niya
"Baliw ka talaga"
"Sa iyo lang naman ako mababaliw Audrey Queen" kinindatan pa nga ako
"Ok I know, by the way iyong kagabi about your bad dream do you want to talk about it?"
Naalala ko kasi bigla na lang akong nagising kagabi akala ko kung ano iyong naririnig ko, iyon pala si Madz pala iyon mukhang masama iyong panaginip niya.
Umiling siya "Panaginip lang iyon love wala iyon and thank you kasi kasama kita" seryosong sabi niya
Baka naalala lang niya iyong nangyari sa kanila noong nasa mission sila, hindi rin biro ang pinagdaanan nila doon kaya sariwa pa talaga sa kaniyang isipan kaya hanggang pati sa pagtulog binabagabag siya nito.
YOU ARE READING
Safe Haven (MIKHAIAH)
RomanceLove comes in unexpected time and in unexpected way. When Doc A meets the Lieutenant, what are the chances na magwork at hindi iyong relationship nila. Handa din bang ipaglaban ni Lieutenant ang kaniyang pagibig gaya ng pakikipaglaban niya bilang is...