Audrey's POV
"Stella and Doc C, mauuna na ako ah. Kitakits na lang ulit bukas" pagpapaalam ko ng matapos na iyong seminar for today.
"Sige Doc A enjoy and ingat" sabi ni Stella
"Enjoy Doc, magiingat ka sa byahe" sabi naman ni Doc C
"I will, gala-gala muna kayo around the city since sobrang aga pa naman"
"Oo Doc aayain ko lumabas tong si Doc C mamaya"
"Mukhang no choice naman ako kundi sumama sa iyo" natatawang sagot ni Doc C
"Ingat kayo sige andiyan na si Dad sa labas"
"Bye"
Nandito nga kami sa Cebu para sa 4 days and 3 nights na seminar. Pangalawang araw na namin ngayon, saktong maaga natapos iyong event for today kaya dito ko tinaon ang pagbisita kila Dad. Tapos timing din na afternoon na ang resume ng seminar bukas kaya may time talaga ako para makabawi kay Dad.
Paglabas ko nga ng hotel ay nakita ko ng bumusina si Dad.
Sobrang lawak ng ngiti ko, pagkasakay ko sa sasakyan niya ay agad ko siyang niyakap.
"Dad finally, I missed you po"
"I missed you too anak"
Sobrang tagal kong hinintay ulit na maramdaman ang yakap ni Dad, kailangan ko to sa panahon ngayon.
Hindi ko na napigilan pang maiyak.
"Audrey umiiyak ka ba?"
Bumitaw naman na ko sa yakap at pinunasan iyong luha ko.
Naiyak na din tuloy si Dad.
"Dad sobrang tagal din kasi, tears of joy"
"I know anak, huwag ka na umiyak I love you" sabi nito at hinalikan ako sa noo
"I love you too Dad"
"Tara na hinihintay na tayo ni Blessy at Adie, excited na silang makita ka"
Sinuot ko naman na ang seatbelt at nagstart na magdrive si Dad.
"Kamusta seminar niyo anak?"
"Ok lang po Dad sobrang daming learnings at the same time kakapagod din pero masaya kasi nameet ko mga kasama ko dati sa med school."
"Good to hear that eh sa work kamusta naman?"
"Busy lagi Dad pero masaya naman mababait mga kawork ko and naging friends ko na din sila"
"Iyon naman ang importante anak atleast nageenjoy ka"
Naalala ko naman na may ibibigay pala ako kay Dad. Kinuha ko naman ito at inabot sa kaniya, saktong huminto din kami sa may stoplight.
"Dad for you"
"Wow mukhang mamahalin to ah"
"Siyempre Dad for you naman minsan na nga lang ako makapagbigay talaga ng gift"
Binuksan naman niya iyong box at bumungad na nga iyong relo na gift ko sa kaniya.
"Thank you Audrey, sobrang ganda nito bagay na bagay sa akin" nilabas na nga niya ito sa box at sinuot na
"Looks good on you Dad, may gift din ako kay Tita at Adie"
"Thank you anak we will make sure na magiging masaya ka sa pagstay sa bahay" nakangiting sabi ni Dad
"I will po" nakangiting tugon ko
Naggreen light na kaya nagpatuloy na sa pagmamaneho si Dad.
After an hour nakadating na kami sa bahay.
YOU ARE READING
Safe Haven (MIKHAIAH)
RomanceLove comes in unexpected time and in unexpected way. When Doc A meets the Lieutenant, what are the chances na magwork at hindi iyong relationship nila. Handa din bang ipaglaban ni Lieutenant ang kaniyang pagibig gaya ng pakikipaglaban niya bilang is...