Audrey's POV
Nakakarelax talaga iyong dagat at sunset. Nawala lahat iyong pagod ko from duty at sa byahe.
Ang sarap sa pandinig ng tunog ng alon mapapapikit ka talaga sabay ngiti para mas mafeel talaga ang Elyu.
"Tignan mo tong si Doc A ano kaya iniisip at ngumingiti pa." bulong ni Mary kay Shane
"Baka nagbati na sila ni Justin" sagot naman ni Shane
"Hmm mukha nga parang kagabi lang lq ano"
Minulat ko ang aking mga mata at tinignan ang dalawang madaldal na katabi ko.
"Mary, Shee ano ba kakadating lang natin dito sa Elyu hindi ba pwede magrelax?"
"Pwede naman Doc A hmm, so ano bati na nga kayo ni Justin?" tanong ni Shane at tinaasan ako ng kilay
Tumango na lang ako at binaling ulit iyong tingin sa dagat.
"Marupok yarn" natatawang sabi ni Mary
"Shut up girls, nagsorry naman iyong tao besides ayoko ng mastress pa"
Si Justin boyfriend ko, he's an architect. Kasama ko dapat siya dito sa Elyu kaso kagabi lang din niya sinabi na di pala niya ko masasamahan dahil may biglaang meeting siya sa client. Mabuti na lang last minute nahatak ko tong dalawang babaeng kasama ko sakto lang din day-off din nila.
Si Mary ang bestfriend ko since elementary sobrang tagal na namin magkakilala kaya parang magkapatid na din kami. Nurse naman siya sa hospital na pinapasukan ko. Habang si Shane naman naging kaklase ko sa med school tapos sabay kami naginternship same hospital din tapos hanggang sa maging doctor na kami same hospital din haha. Ewan ko ba sa kaniya ayaw mahiwalay sa akin. Parehas kaming general surgeon at madalas naaassign sa ER. Sobrang himala lang na pinayagan kami sabay magoff ngayon.
"Hala ang cute naman ng mga nagsesurfing parang gusto ko din itry" sabi ni Shane
"Para namang marunong ka lumangoy Doc Shee" natatawang sabi ni Mary
"Hay kainis naman makapagtampisaw na lang tara na nga doon Mary, Auds"
"Dito na lang muna ako girls" sabi ko
"Sure ka Doc A?" tanong ni Mary na ngayon ay nakatayo na sila ni Shane
Tumango ako
"Sige sunod ka mamaya ha" sabi ni Shane
"Yes I will"
Nagsimula na silang lumakad palayo sa akin.
Nilabas ko naman ang phone ko para makapagselfie at may maiupload naman sa IG plus para magpapansin na din kay Justin.
After scrolling my phone tinuon ko na lang ulit iyong tingin sa may dagat.
Nakita ko namang enjoy nagtatampisaw sila Shane at Mary. Napatingin ako sa mga taong nagsesurfing then one person caught my attention.
YOU ARE READING
Safe Haven (MIKHAIAH)
RomanceLove comes in unexpected time and in unexpected way. When Doc A meets the Lieutenant, what are the chances na magwork at hindi iyong relationship nila. Handa din bang ipaglaban ni Lieutenant ang kaniyang pagibig gaya ng pakikipaglaban niya bilang is...