Chapter 7

420 19 2
                                    

Audrey's POV

"Doc A gising na"

Pagmulat ko ng mata bumungad sa akin si Stella na may nakapalupot na towel sa ulo, nakaligo na pala siya.

Kinusot ko ang aking mga mata at umupo sa kama.

"Anong oras na ba?" tanong ko habang naguunat-unat pa

"4am na Doc, 5am call time natin diba"

Napatango na lang ako at tumayo na.

"Ano oras ka ba nakauwi kagabi? Hindi na kita nahintay antok na antok na talaga ako"

"Naghanap ng signal sa labas birthday kasi ni Dad tinawagan ko"

"Ah kaya pala mahirap nga signal dito"

"Kaya nga eh osya maliligo na ko gising na ba sila Mary?"

"Si Doc Shee kanina nakasalubong ko, if may tao sa banyo pwede mo naman gamitin iyong sa baba"

"Ok sige labas na muna ako"

Saktong 4:45am natapos kaming lahat magayos. Hinatid naman kami ni Mang Isko papunta sa covered court dahil doon ang meeting place namin at nandoon din iyong truck na sasakyan namin.

"Doc A"

Biglang tumabi sa akin si Mary habang naglalakad.

"Yes" sagot ko

"Sino kasama mo kagabi? Si Lieutenant ba?"

Pinanlakihan ko ng mata.

"Asus nakita ko kaya kayo sa bintana"

"Ha?"

"Naghahanap din kasi akong signal kagabi, tapos nakita ko kayo pero ako lang naman don't worry di ko naman chinika sa kanila"

"It's not what you think, bigla lang kami nagkita. Lumabas ako kagabi para maghanap ng signal tapos di ko namalayan nakadating na ako sa covered court. Birthday kasi ni Dad kahapon kaya need ko tawagan then andoon din si Madz"

"Wow first name basis na kayo?"

"Mary ano ba"

"Ok sorry ay ayun na pala si Madz oh good morning naman ang lawak ng ngiti pagkakita pa lang sa iyo"

Nandito na nga kami sa covered court, napatingin naman ako sa tinutukoy ni Mary at nakita ko nga si Madz na nakatayo sa tabi ng truck kasama sina Sergeant Apuli at Robles.

Binalik ko naman ang ngiti na binigay niya ng magtama ang mga mata namin.

"Sergeant Robles pakicheck naman kung andito na silang lahat" utos ni Madz

Dumating na din ang iba naming mga kasama. Nilabas naman ni Robles iyong listahan niya at sinuri kung andito na ba lahat ng nasa listahan.

"Lieutenant Lim confirm na nandito na po ang lahat" sabi ni Robles

"Magandang umaga sa inyong lahat, maari na po kayong sumakay sa truck ingat lang po sa pagakyat nandito naman po kami upang alalayan kayo." sabi ni Madz

Dalawang military truck ang service namin ngayon papunta sa next destination namin.

"Good morning Doc" bati ni Madz nang ako na ang pasakay sa truck agad naman niya inoffer iyong isa niyang kamay upang alalayan ako dahil medyo mataas iyong truck

"Good morning din Madz, thank you"

Nakangiti naman siyang tumango.

"Bakit noong ikaw na Doc A biglang si Lieutenant ang umalalay noong sa amin si Sergeant Robles" sabi ni Shane pagkaupo ko

Safe Haven (MIKHAIAH)Where stories live. Discover now