Chapter 15

495 19 2
                                    

Madz POV

"Aira kumapit ka lang ha malapit na tayo sa ospital" sabi ko habang hawak iyong isa niyang kamay

Dahan-dahan naman siyang tumango kahit konti na lang ay pipikit na ito.

"Lieutenant Lim kayo po ba ok lang kayo?" tanong ng paramedic sa akin

"Ok lang ako si Lieutenant Santiago ang delikado ang lagay, please pakibilisan pa iyong pagdadrive" sabi ko

Sumenyas naman ito sa driver ng ambulansya.

Hindi nga naging madali ang mga nagdaang araw sa amin. Iniharap kami sa isang misyon na mapanganib, ngunit kahit delikado ito ay kailangan namin gampanan ang aming tungkulin sa bayan, ang iligtas at protektahan ang mga mamamayan nito.

Maraming nangyari habang pinipilit namin iligtas ang mga nabihag nilang biktima. Armado ang mga nakalaban namin, tila handa sila sa mga makabagong kagamitan sa paglaban. Hindi lang naman ang pagsalba sa biktima ang prayoridad namin kundi pati ang kaligtasan din ng bawat isa sa amin. Kaya naman hindi kami basta-basta lang sumugod, may mga plano kaming inaral at binago sa kalagitnaan ng laban dahil nga sa mga di inaasahang pangyayari.

Halos tatlong araw kami namalagi sa kabundukan hanggang sa mailigtas na nga namin sila. May mga nasugatan at napuruhan sa amin at maging mga biktima pero sa awa ng Diyos wala sa amin ang binawian ng buhay. Ang pinakamalalang nasugatan sa amin ay si Aira.

Pababa na kami ng bundok ng makuha na namin ang mga bihag, akala namin napatay na namin ang mga kalaban pero bigla na lang may nagpakawala ng bala. Unang natamaan ang journalist, kaya naman agad kami naging alerto para hanapin kung sino man ang taong iyon. Hanggang sa makasalubong namin sila, nagkaroon pa nga ng habulan hanggang sa matamaan ako sa braso dahil pinoprotektahan ko ang isa sa mga biktima.

Muli dapat akong matatamaan ngunit naitulak ako ni Aira kaya siya ang natamaan. Agad ko namang nabaril ang may gawa sa kaniya noon.

Gusto kong magalit dahil hindi dapat ginawa ni Aira iyon, pero wala naman na akong magawa kaya dapat na lang akong magpasalamat dahil niligtas niya ang buhay ko. Kaya naman ang tangi kong dasal ay makarating na kami sa ospital upang maoperahan na si Aira.

Tumigil na nga ang ambulansya, senyales na andito na kami.

Ibinaba na nga nila si Aira at pinasok sa emergency room, sinalubong naman kami ni Doc Shee at Stella.

"Lieutenant Lim?" gulat pang tawag ni Stella

"Doc Shee, Stella please kayo ng bahala kay Aira" sabi ko

"Oo Madz kami ng bahala, teka may tama ka din sa braso ah" sabi ni Doc Shee at tinuro iyong kaliwang braso ko

"Ok lang ako si Aira na muna asikasuhin niyo" sagot ko

"Sige patapos na din si Doc A niyan siya na gagamot sa iyo ipasok na namin si Aira"

Tumango naman ako.

Nilibot ko ang tingin sa buong paligid, nandito na iyong mga kasama namin na halos ginagamot naman na.

"Madz!" napalingon ako at nakita si Gene at JR, agad ko naman silang nilapitan.

"Kamusta si Aira?" tanong ni JR

"Ayun mabuti na lang nakaabot kami, pinipilit ko siya hindi makatulog kanina"

"Ikaw Madz ok ka lang ba patanggal mo na iyang bala sa braso mo tamo andami ng dugo oh" sabi ni Gene

"Lieutenant Lim" pagtawag ni Mary paglapit sa amin

May dala itong gamot at gasa na mukhang ipapahid sa mga sugat ng dalawa.

"Mary"

"Ok ka lang ba mukhang malalim iyang sugat mo ah dumiretso ka na sa OR sigurado patapos na operation nila Doc A para matanggal na iyan" pagaalalang sabi nito

Safe Haven (MIKHAIAH)Where stories live. Discover now