Chapter 18

422 22 2
                                    

Audrey's POV

"Doc si Carlo na po next patient niyo" sabi ni Mary

"Sige papasukin mo na"

"Good morning po Doc A" bati ni Carlo

"Magandang umaga po Doc" bati naman ni Mrs. Cruz

"Good morning po maupo po kayo" bati ko naman sa kanila

Halata naman sa mukha ni Carlo na mabuti na ang kaniyang kalagayan, bumalik na ang sigla ng bata. Kung dati ay nababalutan ito ng sakit, kaba at pag-aalala ngayon naman ay maaliwalas na ang mukha nito.

"Kamusta Carlo?" tanong ko

"Mabuti naman po Doc sobrang ok ko na po ngayon wala na pong masakit Doc" nakangiting sabi niya

"Bumalik na siya sa pagiging masayahin Doc A, nakakapaglaro na ulit siya sa mga kaibigan niya tapos hindi na rin pasaway nakukuha na siya sa isang sabi lang kapag pinagbabawalan"

"Mama naman" tila nahihiyang sabi ni Carlo

"Mukhang malaking tulong nga iyong operation, based naman sa records ok naman na kalagayan mo Carlo basta ingat na lang sa pagkain ha lalo na wala ka ng gallbladder"

"Opo Doc, thank you po ulit Doc"

"Naku wala iyon ginawa ko lang naman po ang trabaho ko"

"Sobrang laking tulong Doc, pagkatapos nga nito ay bibisita kami kay Mr.Santos upang magpasalamat din" sabi ni Mrs.Cruz

"Sige po matutuwa din po si Mr.Santos kapag nalaman na ok na si Carlo"

"Thank you po ulit Doc, dahil po sa inyo gusto ko na din po maging Doctor paglaki ko"

"Talaga?"

"Opo Doc idol ko kayo"

Napangiti naman kaming dalawa ni Mrs.Cruz sa sinabi ni Carlo.

"Kayangkaya mo iyan basta magaral ka ng mabuti and maging mabait kay Mama mo"

"Yes po Doc"

"Sige Doc mauuna na kami at madami ka pang pasyente sa labas, tara na anak. Maraming salamat po ulit"

"Salamat din po Mrs.Cruz and Carlo magiingat po kayo"

Naging abala ang aking umaga sa pagcheckup ng mga patients ko. Saktong 12pm natapos naman na kami ni Mary.

"Doc A bukas may 2 operations kang nakabook isa sa umaga then isa sa hapon" banggit ni Mary pagkapasok

"Ok updated na calendar ko"

"Tara na kain na tayo ng lunch" pagaaya niya

"Sige, andoon na ba sila sa caf?"

"Papunta na din daw"

"Tara na"

Naglakad na nga kami ni Mary papuntang caf.

"Nakabalik na ba sila Madz?" biglang tanong niya

"Alam ko ngayong araw balik nila since hanggang kahapon iyong training nila"

"So ibig sabihin ba niyan Doc A doon ka matutulog mamayang gabi?"

Sinamaan ko siya ng tingin

"Bakit hindi ba? Siyempre namiss niyo isa'tisa, ok lang naman Doc A"

"Mary wala pang nangyayari samin ni Madz parang masyado pang maaga wala pa nga kaming isang buwang magjowa"

"Ay wala pa ba kala ko naman meron na"

"Hay ewan ko sa iyo basta natutulog lang talaga ako sa unit niya"

Safe Haven (MIKHAIAH)Where stories live. Discover now