Chapter 19

47 11 0
                                    

Madz POV

"Good job everyone, pahinga na muna kayo" sambit ko sa mga kasama ko pagkababa namin ng military truck.

Kakabalik nga lang namin dito sa camp galing sa Zamboanga kung saan halos isang linggo kaming namalagi. Nakared alert kasi ang isang bayan doon kung saan sunod-sunod ang mga nawawala at natatagpuang patay kaya naman humingi na ng tulong ang mga kinauukulan doon na palawakin ang  checkpoint sa mga pwedeng daanan ng mga tao.

May pumalit ng bagong batch sa amin kaya naman nakauwi na kami ngayon, depende pa kay Colonel kung pababalikin pa kami ulit doon. Mamaya pag dumating na siya magrereport kami ni Captain sa kaniya.

Dumiretso na muna ako sa office ko dahil may mga dokumento pa akong kailangan ayusin.

"Lieutenant Lim" tawag ni Gene sabay katok sa pinto

"Pasok"

"Andito na iyong inorder mong bulaklak para kay Doc A"

"Salamat pakilapag na lang diyan sa may lamesa"

"Kala mo ikaw lang meron din ako siyempre"

"Naks talaga?"

"Siyempre papatalo ba ko sa iyo Madz" pagmamalaki niya na ikinatawa ko naman

"Oo na may balita ka ba kung nakaduty sila ngayon gusto ko sanang isurprise si Audrey eh ang alam kasi niya bukas pa ko uuwi"

"Ahh si Shane alam ko nakaduty pa may operation nga iyon ngayon kaya mamayang dinner pa kami magkikita, puntahan mo na lang kaya Madz sa ospital"

"Ok sige sabi ko nga tatapusin ko lang to baka dumating si Colonel"

"Sige puntahan ko lang si Robles good luck sa surprise mo"

"Salamat Gene"

Pagkaalis ni Gene ay pinagpatuloy ko na iyong ginagawa ko. Nang matapos ako dito ay dumaan na muna ako sa unit ko para ibaba iyong mga gamit ko at para makaligo at magpalit na din bago puntahan si Audrey.

Nagsuot na lamang ako ng brown military tactical pants at black long sleeve shirt tsaka nagbun ng buhok.

Dala nga iyong bulaklak na binili ko ay nagtungo na ko sa ospital. Inaasar pa nga ako ng mga nadadaanan ko dahil mukha daw akong aakyat ng ligaw.

Dumiretso ako sa office ni Doc A pero si Stella lamang ang naabutan ko doon.

"Lieutenant Lim ang gwapo mo naman ngayon fresh from Zamboanga ba iyan" nakangiting bati ni Stella

"Ah ganoon na nga ata, si Doc A?"

"Naks may paflowers, off duty na si Doc A half day lang siya ngayon. Kahapon kasi sobrang full sched niya"

Nakwento nga niya kagabi na sobrang pagod niya sa dami ng patients at operations na nagawa niya kaya hindi rin nagtagal paguusap namin at pinagpahinga ko na siya.

"Ah so diretso na lang pala ako sa apartment niyo"

"Yeah andoon din si Mary sabay duty ng dalawang iyon eh"

"Sige thanks Stella"

"Your welcome sige enjoy"

Halos napapatingin iyong mga taong nadadaanan ko, iyong iba kilala na ako pero iyong iba mga pasyente at bisita ata dito, siguro dahil sa hawak kong bulaklak kaya naaagaw ko ang atensyon nila.

Kumatok naman na ako ng makadating sa tapat ng unit nila.

"Hi Madz" bati ni Mary sa akin pagbukas ng pinto

"Hello Mary"

Napatingin naman siya sa dala ko at napangiti.

"Nasa taas si Doc A nasa gym, sakto paakyat na din ako doon"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: 14 hours ago ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Safe Haven (MIKHAIAH)Where stories live. Discover now