CHAPTER 12

15.4K 756 173
                                    


*

Finally may sapat na oras na rin ako para sa sarili. Kakatapos ko lang mag exercise at ngayon nagpapahinga, nandito nga pala ako sa gym at ilang araw na ako walang exercise dahil sa sobrang busy ng buhay ko at alam nyo ang dahilan tungkol jan. Buong araw akong natulog at pag gising mga bandang 4pm ay dumiretso ako rito sa gym. Kung nagtataka kayo sa nangyari kahapon ay tuluyan akong ikinasal kay Amour at witness pa jan ang kanyang ina. Itinaas ko ang kaliwang kamay at tinignan ang tatlong singsing na nakasuot sa aking magkasunod na mga daliri.

"Totoo nga talaga at hindi panaginip ang lahat." Sabi ko sa sarili bago kinuha ang tumbler upang uminom ng tubig.

Agad ko hinanap ang kanyang numero sa aking contacts at tinawagan. May bagong phone na ako ulit, binilhan ako ni Amour kahapon ng latest. Kagabi ko pa sana balak itanong kay Bea pero hindi ko nagawa, wala na sana akong balak pansinin ang tungkol don ngunit pinapatay ako ng curiosity ko.

"Hello?"

"Bea, si Rhea to." Tawag ko.

"Bagong numero mo?"

"Ou."

"Bakit ka napatawag?" Tanong niya.

"May itatanong lang sana ako tungkol kay Amour, diba sabi mo sa akin kahapon na sabihin ko ang totoo tungkol sa usapan namin ng kanyang ina? Originally, wala talaga ako balak aminin sa kanya kung hindi mo inamin sa akin ang totoo. Ano lang, gusto ko malaman anong nangyari sa amin pagkatapos niya malaman ang tungkol sa deal namin ng kanyang ina?" Mahaba kong paliwanag at tanong. Naghintay ako sa kanyan sagot ngunit biglang tumahimik sa kabilang linya hanggang sa narinig ko ang kanyang buntong hininga.

"Bea, sabihin mo na? Wala akong gagawin at gusto ko lang talaga malaman." Pakiusap ko sa kanya.

"Nagalit siya dahil sa panloloko mo. Nalaman niya pinakasalan mo lang siya dahil sa pera at hindi dahil sa may nararamdaman ka sa kanya. Sinumpa ka, kinamuhian, ginawa lahat para matapon ka sa rehas... ang totoo niyan, nakulong ka ng mahigit isang taon." Nanlamig ako at halos nahirapan lumunok sa nalaman.

"P-Pero sabi mo ikinasal ako sa kanya?" Tanong ko.

"Yes. I'm sorry Rhea, pero hanggang dito lang kaya ko ipaalam sayo. Dahil sa ginawa kong pakikiaalam ay may nagbago na sa hinaharap." Nalilito na ako kay Bea, paano niya malalaman ang tungkol sa pagbabago? Ano? Like kaya niya ulit bumalik sa future? Time traveler?

"S-Sige, salamat sa payo mo at malaking tulong na yun sa akin." Sabi ko at pinatay ang tawag. Napatulala nalang talaga ako matapos malaman ang totoo. Kinikilabutan parin ako sa sinabi ni Bea na si Amour ang naging dahilan at nakulong ako ng mahigit isang taon.

"Kaya Rhea, habang maaga pa ay dapat ipaalam mo na sa kanila na tatlo silang asawa mo." Napasinghap ako ay tumihaya kasunog ang pag extend ng mga braso at binti.

Biglang bumukas ang entrance ng gym at pumasok ang babaeng hindi ko inaasahan. Nataranta ako nang magtagpo ang aming mga mata, mabilis akong bumangon at iniligpit ang mga gamit matapos maalala ang sinabing isa rin siya sa apat kong asawa. Mukhang hindi niya ako nakilala dahil sa mabilis kong naitago ang mukha, salamat naman.

Paalis na sana ako nang biglang tumunog ang phone. Anong dahilan at tumatawag si baby Azalea ko?

"Baby ko?" Malambing kong sagot.

"Rhea, where are you?"

"Nasa gym, pauwi pa lang ako para mag ready sa work." Sagot ko at narinig ang kanyang pag buntong hininga.

"Did you forget that we have dinner plans tonight? I clearly told you yesterday to make yourself available for this evening." Natampal ko ang noo at mahinang kinaltukan ang sarili. May trabaho ako sa club at sabi hindi ako pwede umabsent ngayon dahil aabsent si Bea!

ᴘᴏʟʏᴀᴍᴏʀʏ (ꜱꜱ) : ꜰᴏᴜʀ ᴡɪᴠᴇꜱ | ʀʜᴇᴀ ᴡʀᴇɴ ᴀᴍʙʀᴏꜱɪᴏ (ɪɴᴛᴇʀꜱᴇx) Where stories live. Discover now