CHAPTER 4

21.5K 766 117
                                    


*

"Rhea, magkano trabaho mo ngayon?" Tanong ni Pax, kakatapos lang ng trabaho namin at ngayon naghihintay kay Bea makalabas para sabay na kaming tatlo umuwi.

"Bibilhin mo trabaho ko?" Tanong ko.

"Sira hindi! Ibig ko sabihin ilan lahat trabaho mo ngayon? Napaka-slow mo masyado kapatid." Sabay iling sa kanyang ulo at tapik nang aking balikat, naging kasalanan ko pa ngayon kamalian nya? Sinagot ko lang naman ng tama.

"Restaurant sa umaga, club sa gabi? Dalawa? tumigil muna ako sa pagbabantay sa anak ng kaibigan ko at mas kailangan ako ng kapatid ko, why?" Isang himala at nagtanong siya tungkol sa trabaho ko.

"May kapatid ka?!" Gulat sya? Mukha ba akong only child.

"Ou, kasama ko sa condo." Tagal ni Bea magbihis uy.

"Single ba yun?" Sinamaan ko ito ng tingin, binabalak nya sa kapatid ko?

"Bata pa kapatid ko, nakakadiri ka Pax,"

"Hoy! Nagtanong lang-So sino nagbabantay sa kapatid mo? Iniwan mo lang sa condo? Kawawa naman yung bata." Kung papipiliin ako mas okay na maiwan sya sa condo, may tamang pagkain at walang mananakit sa kanya kaysa nong panahong kasama pa ama namin.

"Wala yun sa condo ngayon, hula ko." Sagot ko at tumango-tango.

"Huh?"

Binalingan ko ito at ngumiti. "Baka kinidnap ulit ng crush ko." Sagot ko.

"Huh?" Yawa loading sya.

Nagtataka ako, kanina ko pa talaga napapansin pero bakit may mga tao na naglalagay ng pera-"Yawaa bataa, saan mo nakuha yang lata? Kaya pala kanina pa ako may naririnig na barya, mukha ba tayong mga pulubi ha?" Kunot noo na tanong ko kay Pax,

"Wadahek?! Bakit may lata? Uy, hindi ako naglagay nyan!" Dipensa nya sa sarili ngunit kabaliktaran naman ang kinikilos ng katawan dahil itinago ang mga barya.

"Ano? Hindi ko alam na mga pulubi kayong dalawa. Sige, ipagpatuloy nyo at uuwi ako mag-isa." Biglang boses ni Bea sa aming likuran. Mukhang hindi maganda mood nito base sa kanyang ugali ngayon at ang mga kilay nitong magkasalubong.

"Tayo na Pax," Sabi ko.

"Ngek, ayaw ko sayo no at hindi tayo talo." Kumunot ang noo ko sa naging tugon nya ngunit gets ko naman kaagad.

"Wag kang feeler, tumayo ka at aalis na tayo." Mas maganda talaga kay Kris nalang ako dumikit, at least sa isang tao lang sasakit ulo ko.

"Ay ganun ba?" Wala na akong sinabi at naglakad na lang patungo kay Bea,

Naglalakad-lakad kami nang bigla mag-aya si Pax na kung pwede dumaan muna kami ng mall dahil may bibilhin itong damit. Tumanggi ako, sinabi kong hinihintay na ako ni Lilith pero itong si Bea ay hindi ako pinakawalan at kinaladkad nilang dalawa. Buang, kanina badtrip tapos ngayon biglang na excite?

"Bea, kailangan ko na nga umuwi kasi naghihintay kapatid ko. Akala ko ba badtrip ka? Bakit pati ako kailangan mo isama?" Saway ko kay Bea at pilit inaalis ang kamay ngunit sobrang kapit nya.

"Wag ka mag-alala at kasama non si Aza, saglit lang tayo at may gusto rin akong kumpermahin." Nagsalubong ang aking mga kilay, sinabi ko ba sa kanya ang tungkol kay Lilith at Aza?

"Hays, sige pero bilisan natin ha." Wala na akong nagawa at sumabay na lang din sa kanilang dalawa.

Kanina pa ako sunod nang sunod ngunit hindi ko alam kung saan kami balak dalhin ni Bea, halos isang oras na kaming paikot-ikot sa loob ng mall pero mukhang may hinahanap talaga siya.

ᴘᴏʟʏᴀᴍᴏʀʏ (ꜱꜱ) : ꜰᴏᴜʀ ᴡɪᴠᴇꜱ | ʀʜᴇᴀ ᴡʀᴇɴ ᴀᴍʙʀᴏꜱɪᴏ (ɪɴᴛᴇʀꜱᴇx) Where stories live. Discover now