CHAPTER 30 - EXTREME 🫦

84K 1.2K 831
                                        


A/N : Hello! Half of this chapter contains SPG (Strictly Parental Guidance) content. I just want to remind you that this chapter is not as light as the previous ones. If you're not comfortable with a 5-some scene, it's better to skip the bed scene, okay? I've already given you a heads-up, so to anyone who might leave comments that could ruin my mood, apologies in advance, but you'll be saying hello to my block list.

I also want to wish you all a Happy New Year! A new year means new readers, and I'd like to give a special shoutout to my loyal readers who stuck with me despite my long hiatus. I hope you continue to enjoy every chapter I release and that you'll like the direction the story is heading. I'm deeply grateful to all of you, especially those who take the time to read and provide feedback. Your support inspires me to keep writing.

Cheers to another year of storytelling and shared experiences! Thank you, and I hope you all have an amazing year ahead!


-

Nasa classroom kami, at parang palengke ang paligid. Nagpaplano kami para sa booth namin sa nalalapit na festival week. Ako? Tahimik lang sa sulok, nag dodoodle ng random na triangles sa notebook ko.

"Wag sana akong madamay. Please lang, Lord. Ayoko ng responsibilidad." Bulong ko.

"Sino na ba ang in-charge sa booth? Kailangan natin ng maayos magplano." Tanong ng isa sa mga kaklase ko.

"Oo nga! Dapat responsible at hindi magpabaya!" Sunod na sabi ng isa pang lalaki, ayaw ko na sila pangalanan at hindi naman sila mahalaga, basta ay mga kaklase ko.

Biglang narinig ko ang pangalan ko.

"Si Rhea na lang! Madiskarte naman yan!" Biglang napatingala ako sa kanila, halos mahulog ang hawak kong ballpen. Ano daw?! Sino? Ako? Bakit?! Yawa jud, mag gubot man jud ning tanan karon.

"Ha?! Bakit ako? Ayoko ng mga ganyan! Maghanap kayo ng iba!" Ang dami ko pa kailangan unahin tapos bibigyan nila ako ng responsibilidad.

"Eh ikaw lang ang maayos mag-organize!" Boses ng babae, tangena pala nila eh.

"Tsaka ikaw ang pinakamadaling kausap." Salita ni Vinalyn, sapakin ko kaya siya d'yan?

"Madaling kausap? Wow, yan ba 'yung tawag sa pagiging tahimik ko habang nagdoodoodle? Dapat pala sumisigaw din ako." Napabuntong-hininga na lang ako.

Lahat sila ay tumingin sa akin, nanahimik at parang kinokonsensya ako ng mga animal. "Fine. Ano bang choice ko?" Ito na naman tayo. Lagi na lang ako ang nahuhuli sa bitag ng 'majority vote' na yan.

Habang nagpaplano kami ng booth, akala ko tapos na ang gulo. Pero biglang may ibang topic na binuksan ang mga kaklase ko.

"Next na agenda- Sino ang Ms. Criminology natin? Kailangan natin ng panlaban." Ngumisi ako, malamang hindi na ako kasali d'yan, pag sasapakin ko sila kapag binoto nila ako, ako na nga mag o-organize ng booth.

"Si Rhea na lang! Bagay sa kanya, maganda at matalino!"

Napahinto ako sa pagsusulat ng listahan ng gamit sa booth dahil muli kong narinig ang aking pangalan. Tumingin ako sa kanila ng may halong kaba at inis. Napalingon ako sa kanila, ano daw?! Ako? Hindi, huwag na!

𝙿𝙾𝙻𝚈𝙰𝙼𝙾𝚁𝚈 (𝚂𝚂) : 𝙵𝙾𝚄𝚁 𝚆𝙸𝚅𝙴𝚂 | 𝚁𝙷𝙴𝙰 (𝙸𝙽𝚃𝙴𝚁𝚂𝙴𝚇)Where stories live. Discover now