CHAPTER 19

8.7K 551 290
                                    

-

Nagising ako dahil sa mga katok na nagmumula sa labas ng aking kwarto, paglabas ko ay nakita ko si Kris, nakasuot ng makapal na sweatshirt, sombrero tulad nong sa ginagamit ng mga magsasaka at may bitbit siyang malaking balde? Kunot noo ko siyang tiningnan mula ulo hanggang paa, naka botas pa si kaibigan pastilan.

"Uy, Bakit ganyan suot mo? Para kang mag aararo, pero saan ka pupunta?" Tanong ko sa kaibigan na bigla nalang inabot sa akin ang hawak na balde.

"Tutulong ako sa palayan, umalis din ng maaga si Emilie." Sabi niya sa akin.

"Anong kinalaman nitong balde sa sinabi mo? Bakit mo binigay sa akin?" Tanong ko sa kanya.

"Ayaw mo sumama? Rhea, alam mo naman hindi sanay ang katawan ko na walang ginagawa. Sabi ni Nanay Minda may nakakain daw na palaka, gusto ko subukan." Mas lalo akong nalito sa kanyang sinabi.

"Anong gusto mo subukan? Ang paano mag-ani ng palay o ang kumuha at kumain ng palaka?" Tanong ko, medyo nag iba ang ekspresyon sa kanyang mukha kaya mahina akong natawa.

"Mag-ani at kumain ng palaka? Pero masarap ba talaga 'yun?" Tanong ni Kris.

"Sandali, sasama ako at ayaw ko maiwan dito- baka may multo." Sabi ko at naghanap ng pwede maisuot panlaban sa mainit na panahon.

"Sabi rin pala ni Nanay dumaan tayo ng hospital at ihatid ang pagkain na inihanda niya." Napalingon ako ulit sa kanya. Naunsa na, bakit kami ang inutusan e alam naman ni Nanay wala kaming alam sa lugar na to. Itong kaibigan ko nagpaka hero na naman siguro at hindi tumanggi.

"Hospital? Sino nasa hospital?" Tanong ko.

"Si Ian, hindi makalakad at sobrang baba ng potassium niya." Sagot niya kaagad. Parang okay pa naman si Ian nong nakaraan na araw, hindi naman siya mukhang kulang sa potassium.

"O sige, pakikuha nalang nang pagkain at hintayin ako sa labas, bihis lang ako saglit." Sabi ko sa kaibigan at agad naman itong sumang-ayon.

Umalis din kami kaagad ni Kris bitbit ang basket na ipinadala ni Nanay na naglalaman ng mga prutas at pagkain. Sinabi niya sa amin ang mga palatandaan kung saan matatagpuan ang hospital. May sidecar na hindi ginagamit kaya 'yun na lang sinakyan namin ni Kris, ako ang nagmamaneho at siya ang pasahero.

Medyo may kalayuan ang hospital pero hindi naman mahirap hanapin. After several minutes ay narating namin ang public hospital, akalain mo at maganda at malaki ang hospital nila rito.

Kasalukuyan naming hinahanap ang room ni Ian ngayon, ako na ang nanguna at wala akong tiwala kay Kris pagdating sa mga room numbers. Paglingon ko sa likod at kumunot ang aking noo, huminto kasi siya at lumapit sa isang pinto kaya nagmadali akong binalikan siya.

"Kris, dito 'yung room uy. Room 169, hindi 166." Tawag ko at hinila siya sa kwelyo.

Lumingon siya sa akin at bahagyang nakabukas ang bibig. "Ah, akala ko 166." Kamot batok niyang sagot.

"Buanga, partida accountant ka pero weakness mo numero." Sabi ko kasunod ang pag buntong hininga.

Ngunit pagpasok namin sa male ward ay hindi naman namin nakita si Ian, nagtanong kami ngunit walang na admit na Ian sa hospital nila.

"Rhea, ang sabi sa south? Bakit napunta tayo ng north?" Ipinikit ko ang mga mata, stress na ako sa kabobohan namin.

"Partida criminology ka, tapos wala kang sense of direction." Nagkatinginan kami at sabay bumuntong hininga.

"Ataya," sambit ko at natawa nalang sa pinaggagawa naming dalawa.

Dalawa pala hospital nila, south at north hospital kung tawagin ng mga tao rito. Kinati ko ang aking tenga, north hospital kasi ang napuntahan namin at hindi south- pinisti.

ᴘᴏʟʏᴀᴍᴏʀʏ (ꜱꜱ) : ꜰᴏᴜʀ ᴡɪᴠᴇꜱ | ʀʜᴇᴀ ᴡʀᴇɴ ᴀᴍʙʀᴏꜱɪᴏ (ɪɴᴛᴇʀꜱᴇx) Where stories live. Discover now