-Yawa uy, puro na pagmumura ang salubong ko sa umaga. Kulira, anong oras na at gising pa rin ako para tapusin itong review ko sa unang araw ng exam. Nakauwi na pala kami, 2am kami nakabalik ng condo at ngayon mag aalas kwatro na ng umaga. Antok na antok na ako, utang na loob at ayaw tumalab ng kape sa katawan ko wooo! Animas.
"Minatay na fingerprint at ballistics yan, nagsabay pa kayo." Ito na lang hindi ko pa na review at talagang puro majors pa. Nandito na naman tayo sa pag memorise ng types of fingerprints at parts of firearms.
Pagtingin ko sa baso ay ubos na ang pang apat na kape ko, hihimlay ako ng maaga pag ganito. Hindi tumalab ang kape sa akin at pakiramdam ko makakatulog ako ngayon kapag wala akong ginawa. Labas kaya ako para bumili ng coke? Mas nagigising kasi kaluluwa ko kung coke iinumin kaysa kape, weird.
Ako nalang mag-isa ang gising ngayon. Sa kwarto ng kapatid ko natutulog sila Amour at Emilie, yup at magkatabi silang natutulog ngayon dahil hindi gusto ni Aza may katabi sa tuwing may regla siya. Si Ines naman ay nasa likod ko, sa sofa na siya nakatulog dahil sinamahan ako mag puyat para mag review.
Kinuha ko ang wallet ni Ines na nasa gilid ng libro kong binabasa at kumuha ng 500, lalabas ako at bibili ng coke. Sinulyapan ko ito at ang himbing ng tulog ni bebelabs kaso baka magising ko siya dahil nakayakap ang mga braso niya sa aking katawan.
"Ines, saglit lang at tatayo ako." Mahinang bulong ko kasabay ang marahan na pag alis ko ng kanyang mga kamay.
"Where are you going?" Natigilan ako, naloko na at gising pala siya.
"Lalabas saglit para bumili ng coke, may dalawang subjects pa ako na kailangan tapusin." Pabulong kong salita at inalalayan ito dahil gusto bumangon.
"Hmm, goodmorning." Pastilan at mag go-goodmorning na lang ay bakit masyadong nakakaakit ng boses niya.
"Balik ka na sa pagtulog, babalik din ako kaagad at doon lang ako bibili sa ground floor." Sabi ko at balak sana siya pahigain ulit ngunit ayaw ni bebelabs, mabilis niya muling ikinulong ang katawan ko sa kanyang mga braso at ibinaon ang mukha sa leeg ko.
"I had a nightmare." Bulong niya.
"Tungkol saan?" Mamaya na lang ako lalabas at mukhang kailangan pa niya ng kasama.
"My sister. I saw my sister bleeding, unconscious and her whole body was covered in bruises, especially her face." Pansin ko ang lungkot at sakit sa kanyang boses bago ako niyakap ng mahigpit.
"Panaginip lang 'yun at hindi-"
"Yes, it was just a nightmare, but it actually happened in real life. That scene continues to haunt me at sa kamay ko mismo binawian ng buhay ang kapatid ko." Hindi ko lubos akalain na may kapatid pala siya at patay na? Akala ko ay only child lang si Ines, nataranta ako nang marinig ang kanyang mumunting hikbi.
"I miss my sister so much. I cannot accept the fact that she's gone. I promise to find the person who did that to her and get revenge." I could feel the coldness in her voice and the threat to avenge the death of her sister. Paano nangyari? Paano namatay ang kapatid niya? Sino ang may sala?
"Hindi ko alam kung ano ang dahilan ng pagkawala niya pero alam ko balang araw ay makakamtan mo rin ang hustisya para sa kanya. Nandito lang ako, tutulong kung may magagawa man ako para sayo." Malambing kong salita at hinagod ang kanyang likuran para kumalma siya kahit papaano.
Nanatili ako sa kanyang tabi hanggang sa tuluyan itong tumahan, hindi ako nagtanong tungkol sa kapatid niya at nirerespeto ko ang kanyang personal na problema. Mas maganda pa rin 'yung siya mismo ang magbahagi sa akin ng problema ng hindi pinipilit.
![](https://img.wattpad.com/cover/340264785-288-k690296.jpg)
YOU ARE READING
ᴘᴏʟʏᴀᴍᴏʀʏ (ꜱꜱ) : ꜰᴏᴜʀ ᴡɪᴠᴇꜱ | ʀʜᴇᴀ ᴡʀᴇɴ ᴀᴍʙʀᴏꜱɪᴏ (ɪɴᴛᴇʀꜱᴇx)
Genel KurguUD : WEEKDAYS