CHAPTER 43

12.9K 857 367
                                    


-

Nagising ako dahil sa may bagay na kumikiliti sa aking tenga. Pagmulat ng mga mata ay nakita ko ang demonyong bata na nakatapat sa mukha ko. Ipinikit ko ulit ang mga mata ko, demonyong bata to. Umaga pa masyado at siya pa ang unang makikita ko.

Naalala ko kanina, dahil sa sobrang takot ko kay Ines ay bigla akong nawalan ng malay. Dinala niya ba ako pabalik sa bahay niya? Tiningnan ko ang suot kong damit. Bago. Binihisan niya ako? Bakit?

"Hey Satan, I know you're awake." Pangungulit ng demonyong bata, hindi ko na alam kung anong klaseng araw ito na kailangan ko siya harapin.

Inis na inis na ako, pero pinipilit ko pa ring kontrolin ang sarili ko. Hindi ko alam kung paano ko na naman haharapin ang batang ‘to na parang walang katapusang kabaliwan sa buhay ko.

"You really are a demon, huh?" Inis kong sagot, kahit tinatago ko pa ang pagkabahala ko sa sarili ko. Hindi ko na kayang magpatuloy ng ganito, pero hindi ko rin siya kayang iwasan.

Bumangon ako, ngunit muntik akong masuka nang bigla niya akong niyakap ng sakal sa leeg. Napahinto ako, para bang pinigilan niya ang hininga ko.

"Satan, it took you so long to wake up." Malakas na sabi ng batang nakadikit sa akin.

Habang hawak ang leeg ko, kinailangan kong magpigil. Alam ko, wala akong magagawa kundi tiisin ang bawat segundo. Ang sakit sa leeg, pero ang mas masakit ay kailangan kong kontrolin ang sarili ko.

"I’ll give you five seconds to let go." Babala ko sa kanya.

Mabilis kong inalis ang kamay niya at inalsa siya, tinapon sa kama, at hindi na nagdalawang-isip na kumaripas ng takbo palabas ng kwarto. Bumaba ako diretso ng hagdan, hinanap ang sapatos ko at sinuot ng mabilis. Kung wala pa si Ines, kailangan ko nang umalis. Pero mabilis na nakasunod ang demonyong bata at ngayon nakasakay na sa likod ng leeg ko.

"Gotcha ehehe."

“Fuck!” Mura ko. Habang pinipilit ko siyang tanggalin, naramdaman ko na naman ang kakulangan sa paghinga. Paano kaya siya aalis?

“Demon, let go! Y-You're killing me.” Saway ko at marahang tinapik ang kanyang mga braso.

"Wen," sabay kaming napalingon sa likuran, at nakita ko na nandiyan na ang ina niya.

Si Ines.

Imbes na magpakita ng kahit anong reaksyon ay hindi ko maiwasang mapatigil at mapansin siya. Damn it, bakit ngayon pa? Ang sakit sa ulo. Pero si Ines, tahimik lang siyang nakatingin sa akin at kay Wen. Tatakas pa ba ako? Hindi ko na nga matakasan ang batang ‘to, paano pa kaya si Ines?

"Mommy, I caught Satan! She was trying to escape!" Sumbong ng demonyong bata at mas humigpit pa ang kapit niya sa leeg ko.

"L-Let go." Hindi na ako makahinga. Konti na lang talaga, malalagutan na ako ng hininga. Ganito ba ako mamamatay? Sa kamay ng isang demonyong bata?

“Why are you trying to escape?  I don't intend to do anything to you.” Tanong ni Ines, walang bahid ng emosyon habang pinapanood lang kung paano ako sakalin ng anak niya gamit ang mga binti at kamay nito.

Napapikit ako ng mariin. Wala daw siyang balak? Pero kagabi pinaulanan niya ako ng bala. Oo, baka hindi ako mapahamak sa kanya… pero baka sa anak niya.

"Ines," sinubukan kong magsalita kahit hirap na akong huminga.

"Wen, come here." Para akong nabuhay muli sa mundo ng biglang kumalas ang bata at tumalon palayo, mabilis na tumakbo papunta sa ina niya.

Huminga ako nang malalim, halos sumagad sa baga ko ang hangin. Naubo ako nang malakas, tiningnan ko silang dalawa nang masama. Kung ganito ang makakalaban ko araw-araw, sana pala hindi na lang ako nangakong magbabago.

ᴘᴏʟʏᴀᴍᴏʀʏ (ꜱꜱ) : ꜰᴏᴜʀ ᴡɪᴠᴇꜱ | ʀʜᴇᴀ ᴡʀᴇɴ ᴀᴍʙʀᴏꜱɪᴏ (ɪɴᴛᴇʀꜱᴇx) Where stories live. Discover now