CHAPTER 18

15.4K 809 242
                                    

-

I dash through the field, surrounded by towering trees, the dim lighting of the sky allowing only glimpses of my surroundings. All I know is that I'm surrounded by vast greenery all around, the looming shadows of trees and towering plants casting an ominous aura in the pitch black night.

Pilit kong tinatakasan ang mga taong humahabol sa akin, nakahanap ako ng pagkakataon makatakas kanina. Hindi natuloy ang laban dahil nagpanggap akong nahimatay, dinala nila ako sa isang resting area at doon nakakita ng pagkakataon upang makatakas dahil sa may tumulong sa akin— isang kaibigan na hanggang ngayon nanatili sa arena.

In a state of panic, I look around for a place to hide. My mind is racing, trying to find somewhere amidst the tall grass, as it's still difficult for me to run fast with my injured ankle. The sound of heavy footsteps and bright flashlights getting closer fills in my ears, making the situation more urgent and more dangerous.

I spot a massive tree with what seems like a cave-like hollow inside. I quickly crawl towards its trunk, hiding myself inside it, hoping it's big enough to conceal me from the approaching search party.

“Saan tumakbo si Red?!” Narinig ko ang malakas na sigaw ni Erwin, siya ang nagpahirap sa akin at handler ko sa arena.

“Mga gonggong! Hanapin ninyo!” Malakas niyang sigaw sa mga kasamahan na kanina pa ako hinahabol.

Gi-atay nalang jud ni, paano kapag nahuli nila ako ulit? Nalilito ako, hindi mawala sa isipan kung bakit nila ako ibinalik sa arena kung matagal na akong bayad sa utang ng aking ama? Isa pa, maayos ang nakasulat sa kontrata na malaya na ako sa kanila.

Inikot ko paningin sa paligid, medyo malamig ang simoy ng hangin, ang narinig ko lamang ay ang daluyong ng dahon sa puno. Nag-aalala ako sa sarili ko, makatakas kaya ako ng ligtas dito ngayong gabi? Paano kung sila ay naghihintay sa unahan? Mahirap makatakas kung makaharap ko sila, lalo na't hindi ako makatakbo ng mabilis dahil sa aking paa.

Gumapang ako dahan-dahan palabas mula sa kublihan ko. Patuloy gumapang nang tahimik at maingat. Nagdarasal habang nagpapatuloy sa paggalaw, umaasa na hindi na sila babalik. Matagal akong gumapang hanggang sa may makita akong ilaw at isang kalsada.

Sa wakas, tumayo ako at nagmamadaling umalis mula sa makapal at madilim na kagubatan, hindi ko alam kung ligtas na ako mula sa mga taong humahabol sa akin matapos ang mahaba at nakakapagod na taguan. Malaki ang problema ko pero malaki ang pasasalamat ko sa panginoon at hindi ako pinabayaan.

Narinig ko ang mga boses na nagsisigawan sa loob ng kagubatan, hindi ako nag aksaya ng oras at nagmamadaling nilisan ang lugar— kahit masakit ang paa ay tumakbo talaga ako makalayo lang ng tuluyan sa kanila. Walang ilaw, walang poste kahit isa man lang at tanging liwanag lang ng buwan ang nagbibigay sa akin ng ilaw sa madilim na kalsada.

Ilang oras na akong naglalakad, pagod na pagod, uhaw na uhaw at gutom na gutom na ako masyado— nanghihina at masakit ang mga paa, pakiramdam ko dalawang oras na akong naglalakad pero kahit isa ay wala ako nakitang bahay man lang.

Sa hindi kalayuan natanaw ko ang isang ilaw, nagmumula sa malaking poste. May nakita na rin akong mga kotseng dumaan kaya sa tingin ko ito na ang main road. Lumingon ako sa aking likuran, kinakabahan dahil baka ako ay nasundan.

Halos wala na akong malunok na laway dahil sa sobrang dry nitong lalamunan ko. Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa tuluyan kong narating ang main road. Naglakad pa ako sa unahan, malayo mula sa kanto na nilabasan ko.

“Pisting yawa, gutom.” Maktol ko sa sarili at naghihintay may dumaan ngunit pag minamalas ka nga naman, walang sasakyan!

“Panuway, kulira, yawa, animal, gi-atay, unta ma-platan mong tanan og ligid!” Sigaw ko sa mahaba, madilim, at walang laman na kalsada. Sana sumabog lahat ng gulong ninyo mga yawa!

ᴘᴏʟʏᴀᴍᴏʀʏ (ꜱꜱ) : ꜰᴏᴜʀ ᴡɪᴠᴇꜱ | ʀʜᴇᴀ ᴡʀᴇɴ ᴀᴍʙʀᴏꜱɪᴏ (ɪɴᴛᴇʀꜱᴇx) Where stories live. Discover now