-Lutang ang aking isipan, hindi lubos makapaniwala sa naging usapan naming dalawa ni Ines. Ang lakas pa rin ng tibok ng puso ko at parang mag-iisang oras na akong ganito. Pagkatapos ng confrontation namin sa isa't-isa ay bigla akong nahiya, nahihiya ako na hindi ko alam kung ano o kung paano kikilos kay Ines. I mean, oo, sinabi niyang hayaan ko siyang mahalin niya ako bilang Red, pero hindi ba niya naisip na first time ko ito?
“Hey! Satan!” Nagising ako sa malalim na pag-iisip dahil sa pagtawag nitong anak ko— anak ni Rhea to be exact. Hindi naman ako ang nagputok sa kanya.
“What?” Tanong ko.
"You're not Mama. I mean, you are, but at the same time, you're not. Okay? Do you get what I'm saying?" Bahagyang umuwang ang aking bibig, parang kanina lang inangkin niya ako bilang mama niya tapos ngayon biglang nagbago isip niya?
“Alam mo ang tungkol sa akin?” Tanong ko sa kanya.
"Of course! You're my evil Mama who left us and never came back. So until I forgive you, you'll remain Satan in my eyes." I look at her in disbelief at ilang segundo natawa ng mahina, magulo siya kausap.
Papunta pala kami ngayon sa mall para doon kakain, doon lang kasi may makikitang restaurant at mukhang hindi nga alam nitong demonyong bata na ito kung ano ang salitang karenderya. Ako ang nagmamaneho habang nasa backseat silang mag-ina, nagsalubong ang mga mata namin ni Ines pagtingin ko sa rearview mirror pero mabilis ko rin itong iniwasan.
Gosh, my heart.
"Okay then, you’ll remain a little demon child." Balik ko bilang ganti.
“Hmp!” Reaksyon niya at pinalobo ang mga pisngi.
Pagpasok namin ng mall ay konti lang ang mga tao, bagong bukas lang kasi pero kahit naman hindi bagong bukas ay sa tingin ko hindi rin gano’n karaming tao ang dadagsa kasi nga nasa isang maliit lang kami na town. Excited ang batang tumatakbo sa unahan namin, muntik akong mapatalon nang biglang hawakan ni Ines ang kamay ko at ngumiti.
Hindi ko pinakita ang kaba at nagpatay malisya lang sa ginawa niya, pero ang puso ko ay parang nagwawala na sa sobrang lakas ng pintig nito.
"Are you okay? Your face is turning red." Tanong niya kaya mas lalong nag init ang aking mukha.
“Your hand.” Sabi ko nang hindi siya tinitingnan. Naramdaman ko ang mahigpit niyang kapit at mahinang tawa.
"What's wrong with my hand? Not used to holding hands? I thought Fleur was your girlfriend?" Napalingon ako sa kanya ng wala sa oras at magkasalubong ang mga kilay kong nakipagtitigan sa kanya.
“Excuse me? Fleur and I?” Tanong ko.
"Yes, she said before that you were her girlfriend. Not Rhea, but Red." Sagot niya. Huminga ako ng malalim at pinisil ang kanyang kamay.
"N-No, I don’t have a girlfriend, and there’s nothing between us. Fleur is my stepsister, and they only made it seem that way to test if you were truly serious about Rhea." Mahinang paliwanag ko habang nakatakip ang isang palad sa aking labi.
"Can you stop making it seem like you're someone else? You and Rhea are the same person, so don’t treat yourself as if you're different." Seryoso siyang nakatitig sa akin, at sa unang pagkakataon, hindi ko nagawang umiwas. Hindi ko alam kung bakit, pero parang tumigil ang oras. Ito ang unang beses na tumibok ng ganito kabilis ang puso ko.
“Y-Yeah, alright— sure.” Sabi ko at ginamit ang isang kamay bilang pamaypay.
"So? You really had no relationship with Fleur? That means… I’m your very first girlfriend as Red?" Tumaas ang kilay niya, may bahid ng kasiguraduhan sa boses niya at parang alam na ang sagot pero gusto niya lang akong marinig na umamin. Napalunok ako, hindi agad nakasagot. Bakit parang ako pa ang kinakabahan?!

YOU ARE READING
ᴘᴏʟʏᴀᴍᴏʀʏ (ꜱꜱ) : ꜰᴏᴜʀ ᴡɪᴠᴇꜱ | ʀʜᴇᴀ ᴡʀᴇɴ ᴀᴍʙʀᴏꜱɪᴏ (ɪɴᴛᴇʀꜱᴇx)
Tiểu Thuyết ChungUD : WEEKDAYS