CHAPTER 24

16.6K 845 287
                                    


-

Nasa byahe na pala kami ngayon patungong resort. Pastilan, sana sumabay nalang ako sa sasakyan nila Nanay. Tatlong sasakyan gamit namin ngayon, Sa isang sasakyan ay si Kris kasama mga asawa niya, sa isa naman ay si Jovanne kasama si Nanay tapos si Ian- nakalabas na kasi galing mental ay hospital pala kaya isinama na lang din siya, tapos syempre ako ay nasa sasakyan na kasama ang apat.

Si Emilie ang nagmamaneho, nasa passenger's seat naman ang EX niya na parang wala sa mood dahil bakit daw kailangan siya sa pwesto na 'yun? Sinabi ko naman sa kanila na ako nalang mag drive o hindi kaya ay sa tabi ni Emilie pero hindi pumayag si Ines at Aza, kaya nandito ako ngayon sa backseat kasama sila at talagang pinagitnaan pa nila akong dalawa.

"Are we still far away?" Naiinip na tanong ni Amour sa kanyang katabi.

"It hasn't even been 10 minutes since we left, are you really in a hurry? What do you want me to do? Ang paliparin ang sasakyan?" Sagot sa kanya ni Emilie.

Kanina pa 'yan silang dalawa panay batuhan ng mga salita pero hindi ako nakikialam lalo na at hindi pa kami bati ni Amour, panay bato ng mga sarkastikong salita si Amour at binabalik naman ng double nong isa.

"Can we make a quick stop at the convenience store? I need to buy some sanitary pads." Salita ni Aza kay Emilie.

"Okay,"

"Masakit pa rin ba puson mo, baby? Ako nalang ang bababa para bumili." Sabi ko sa kanya at mas makabubuti kung magpahinga na lang siya kaysa kumilos pa.

"Is that okay with you?" Nag-aalala pa siya sa kalagayan na ganyan.

"Oo, ako na." Sagot ko at matamis siyang nginitian.

"We'll wait here." Sabi ni Emilie at bigla ipinarada ang sasakyan.

Binigay ni Aza sa akin ang wallet niya kaya agad ko 'yun kinuha at bumaba ng sasakyan saka dali-daling pumasok sa convenience store, kakapasok ko pa lang pero may boses na sumunod sa akin- paglingon ko ay nakita ko si Ines.

"Bakit sumunod ka? May kailangan ka rin bang bilhin?" Tanong ko sa kanya pero binigyan lang ako ng isang kibit-balikat at nauna.

"Nakalimutan ko itanong kung anong brand-" babalik sana ako sa sasakyan pero sinabihan ako ni Ines na alam niya kung ano ang gamit ni Aza dahil sinabihan siya na sundan ako.

Sunod nang sunod lang ako sa kanya, naghahanap din ng pwede makain habang nasa byahe nang bigla niya inabot sa akin ang cellphone niya. Nagtaka ako kasi para saan at binigay niya?

"Ano gagawin ko?" Tanong ko sa kanya.

"I want to take a picture with you now that no one's around." Sabi niya sa akin kaya mabilis akong tumingin sa paligid. Walang tao pero may tao akong nakikita sa labas.

"Okay, sige."

"Take a picture while kissing me." Nanlalaki ang mga mata kong nilingon siya, seryoso? Gusto niya halikan ko siya? Dito mismo?

"Hon," malambing niyang sambit. Napalunok ako sa ginawa niyang triangle method at ngumiti ng pagkatamis. Mabilis kong inilapit ang mukha sa kanya at agad niya naman sinalubong ang labi ko kasabay ang pagkuha ko ng litrato.

Mabilis lang at humiwalay din ako kaagad bago pa man may makakita sa aming dalawa. Tiningnan ko ang nakuha kong litrato at napangiti. "Maganda, save mo." Sabi ko at ibinalik ang cellphone sa kanya.

"Ano gagawin mo d'yan?" Sunod kong tanong pagkatapos kumuha ng piattos.

"I will send it to the group chat I created earlier." Sagot niya at itinago ang kanyang labi sa likod ng kanyang phone.

ᴘᴏʟʏᴀᴍᴏʀʏ (ꜱꜱ) : ꜰᴏᴜʀ ᴡɪᴠᴇꜱ | ʀʜᴇᴀ ᴡʀᴇɴ ᴀᴍʙʀᴏꜱɪᴏ (ɪɴᴛᴇʀꜱᴇx) Where stories live. Discover now