-Starting from this chapter, Rhea will have moments with each of her spouses. I’m not sure how many chapters each will get, it all depends on where my mind takes me. So, for those wondering if the story is nearing its end, not yet! It looks like there’s still a long way to go.
_________________
5 YEARS LATER
"Ate Red! Congratulations po!" Masiglang sigaw ni Loela habang patakbong sinalubong si Red sa labas ng istasyon. Hawak ng bata ang isang maliit na bouquet ng wildflowers, nakangiti habang inaabot ito sa kanya.
Ngayon, si Red ay ganap ng pulis.
Limang taon ang lumipas mula nang magsimula siyang magbago—mula sa pagiging isang taong walang awa patungo sa isang taong handang ipagtanggol ang iba. At ngayon, isa na siyang alagad ng batas.
"Is this for me?" Tanong ni Red, may bahagyang ngiti sa kanyang labi. "Thank you." Kinuha niya ang bulaklak at saglit itong pinagmasdan. Simpleng bagay, pero para sa kanya, simbolo ito ng lahat ng kanyang pinagdaanan.
Sa loob ng limang taon, unti-unting natupad nila ni Rhea ang pangarap nila. Mula sa madilim na nakaraan patungo sa isang kinabukasang puno ng pag-asa. Sa araw na ito, hindi lang si Red ang nagtagumpay. Pareho nilang napatunayan ni Rhea na ang pagbabago ay posible—na ang hinaharap ay hindi kailangang diktahan ng nakaraan.
At sa mahigpit na yakap ni Loela at sa init ng pagbati ng mga taong sumuporta sa kanya, alam niyang sa wakas, natagpuan na niya ang sarili niyang lugar sa mundo.
"Congratulations, anak." Ang matanda ay nagsalita, puno ng pagmamalaki at pagmamahal. Sa limang taon ay itinuturing na ni Rhea bilang pamilya ang mga taong nakapaligid sa kanya.
"Thank you po," sagot ni Red, ang mga mata ay kumikislap ng kaligayahan. Ang matamis na ngiti na bumangon sa kanyang labi ay tila nagsasabing nasa tamang landas na siya.
Ang araw na ito ay espesyal sa kanya, hindi lamang dahil sa promotion na natanggap niya, kundi dahil sa mga hakbang na nagdala sa kanya mula sa isang madilim na nakaraan patungo sa isang mas maliwanag na bukas. Isa na siyang Police Staff Sergeant.
Hindi pa natatapos ang dalawang taon sa serbisyo, ngunit mabilis ang pag-angat ni Red sa kanyang mga posisyon. Sunod-sunod ang mga achievements na naabot niya, mga misyon na natapos, mga kaso na naharap at nalutas, at mga hakbang na nagpabago sa buhay ng ibang tao.
Dahil sa kanyang dedikasyon at pagsusumikap, hindi lang siya naging isang pulis na may pangalan sa komunidad, kundi isang simbolo ng pagbabago. Para sa bayan, para sa mga tao, at higit sa lahat ay para sa sarili niyang paglalakbay.
Habang nakatayo siya roon, sa harap ng mag-lola, ramdam ni Red na lahat ng sakripisyo ay may dahilan, at ang lahat ng pagsubok ay nagbigay sa kanya ng lakas upang makamit ang tagumpay.
"Salamat po sa lahat ng sumuporta sa akin," wika ni Red, ang mga salitang ito ay mula sa puso. "Wala ako dito kung hindi dahil sa inyo."
At sa mga sandaling ‘yun, sa ilalim ng liwanag ng araw na iyon, si Red—ang dating nagtatago, ang dating sugatang kaluluwa ay natutunan ng tanggapin ang sarili, at higit sa lahat, natutunan niyang yakapin ang pag-asa ng bagong buhay.
Akala nila ni Rhea, hindi na nila kayang makabalik sa pag-aaral. Pero hindi nagpatinag ang pamilya ng matanda. Binigyan nila ng pagkakataon si Red, at tinulungan siya sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga kagamitan at suporta. Hindi lang ito ang tulong na ibinigay nila, ipinakita nila sa kanya na may pag-asa pa siya, kaya’t nagsikap siya at naging working student. Hindi siya umasa sa pera ng iba at mas pinili niyang magsumikap at magtrabaho para sa sarili niyang ambisyon.

YOU ARE READING
ᴘᴏʟʏᴀᴍᴏʀʏ (ꜱꜱ) : ꜰᴏᴜʀ ᴡɪᴠᴇꜱ | ʀʜᴇᴀ ᴡʀᴇɴ ᴀᴍʙʀᴏꜱɪᴏ (ɪɴᴛᴇʀꜱᴇx)
Художественная прозаUD : WEEKDAYS