Chapter 2

150 6 4
                                    

First Meet

I'm already in the class waiting for the professor and others. Out of boredom I just watched reels on instagram when someone just sat behind me.

Kaya nga dito na ako sa dulo umupo para wala ng tumabi.

"Miss, pwede bang lumipat ka nalang ng up-" Naputol ang dapat na sasabihin ko ng makita ko na si Khione ang katabi ko. Napatitig na lang ako sa ganda niya, I mean ang ganda niya talaga. Could I just offered my heart to him?

"What?" Masungit nitong tanong in his angelic voice.

Fuck, Lord. Ilayo niyo ako sa tukso maawa na kayo oh.

"Nothing, I said it's nice to sit here isn't?" I smiled at him. Of course, papa cute muna ako.

"It is." Sabi niya lang. May binubulong pa siya pero hindi ko na 'yon narinig.

The class started already but I can't focus! I want to devour this cutie pie beside me. Tinititigan ko lang siya at kapag lilingon na siya ay nag i-iwas agad ako ng tingin.

The professor gave us already a by pair activity. Gumawa raw kami ng presentation ng natutunan namin last school year na pwedeng connected sa magiging lesson namin.

Halos lahat ay walang kakilala kaya 'yung mga katabi nalang nila ang tinatanong nila. Haysss.

"Can you be my partner?" He suddenly asked.

Tangina naman, napahawak tuloy ako sa dibdib ko kasi ang lakas ng tibok nito.

"Ah eh, oo naman, sige, sure ahhh haha."

Naka kunot lang ito ng noo, malamang no choice siya kaya ako nalang ang pinili. Mga second option nga naman.

"Great then, let's exchange account? So we could talk about the presentation?"

Ano raw? Exchange? Gago, naka follow ako sa account niya. Paano 'yon?

I just agreed at napansin niya ngang naka follow agad ako sa kanya. Sinabi ko lang na hindi ko alam, marami kaming mutuals kaya finollow ko na rin siya. Hindi na siya nag tanong at umayos nalang ulit ng upo.

Habang nag no-notes ako ay parang may nakatingin sa'kin. Para siyang naka tingin sa'kin. Tinititigan niya ako. Pogi things.

"May kasama ka bang mag lunch?"

"Oo, boyfriend ko." He simply answered.

"Wow, ilang months na kayo?"

Napansin niya yatang parang ini-interview ko na siya, ang tagal sumagot eh.

"Weeks palang." Sabi niya sabay tayo. Tapos na pala 'yung klase pero wala akong naintindihan. Paano kasi kung ano ano inaatupag.

Weeks palang naman, kung 'yung kasal nga na aagaw pa ito pa kayang weeks palang? Siyempre basic na 'to.

The first day went smooth. Okay lang naman, nakasama ko pa sa klase si Khione.

I sat in my chair, with the computers. Marami akong monitor and screen, puro muka niya lang ang nandoon. It was my stolen videos and pictures I took while in the class kanina.

Khione message popped up on the screen of my phone. Kaya kinuha ko 'to agad binasa.

Khioneyy

Hi, I'm Khione. I'm wondering when can we start our presentation? Thankyou.

Jhelogggs

Goodevening, you decide. I'm free naman anytime. (For you) Siyempre hindi ko 'to sinama.

Khioneyy

I'm thinking this Wednesday? I know a chocolate cafe's near the school.

Jhelogggs

Sure, let's do it.

Seen.


Chocolate cafe? Does he likes cafe too? As far as I know he's more into matchas. Whatever, pabor naman ako rito kasi favorite ko 'to.

I'm in a good mood tonight not until na alala kong may bf na pala siya. I grabbed my cellphone and open my Instagram, I just clicked his profile picture and started the mission.

Mission # 1 : Make him break up with his bf.

Gladly we're already mutuals on Instagram I can do the work easily.

His Instagram profile is his picture with a cat, fucking cute. But I'm allergic to cats.

I scrolled down to his post at bumungad agad 'yung picture nilang dalawa. Naka hawak 'to sa bewang ng Khione ko at naka halik sa pisngi nito. And Khione just looking at him happily.

Fawk them, I faced my computer and opened the Spotify. I played Jealous By Nick Jonas. I can't stand them kaya fi-neel ko muna 'yung music at bumuntong hininga bago bumalik sa ginagawa ko.

Pinindot ko lang ang naka tag na user sa caption niya na "Loml, @yurilovekhion." Gago talaga oh.

Yuri Yu, half japalengke, half pipino. Nice may lahi pala gusto niya. May lahi rin ako 'no. Lahing I can treat you better. Nadiri ako bigla sa mga pinagsasabi ko.

Architecture rin siya, gwapo pero mas gwapo ako. Okay, si Revon na bahala rito.

I called him immediately. "Hello, bro? Bakit? Gusto mo babae? Nako wala ako niyan. Ako nga rin wala eh." That fucker said.

Napahimas nalang ako sa sintido ko, "You dumbass, may papagawa lang sana ako sayo. Can you give me Yuri Yu, information? I heard na architecture din siya."

"Maka utos eh, nanay ba kita ha? Tsaka sino ba 'yan? Type mo 'no? Kala ko ba ako lang?"
Wala na talagang sinabing maganda 'tong hayop na 'to.

"Umayos ka nga, lalaki 'yon. May gagawin lang ako. Dali na, sagot kona drinks sa susunod na hangout natin." Nagtitimpi kong sagot.

Kung pwede lang tumagos ang kamao sa screen kanina pa may bangas muka nito.

Narinig kong may tina type siya sa keyboard, "Nahanap kona, tsaka na familiar na rin ako sa muka niya. Bukas ng gabi ko na ibibigay sayo 'yung info. Bye." Bago pinatay ang tawag.

Kapag nakuha ko na lahat ng kailangan ko ay sisimulan ko na ang mission number 1. I just can't get him out of my sight. Ang dapat na sa'kin ay sa akin lang.

The tomorrow comes at ang apat na unggoy na naman ang kasama ko.

"Jhelo, 'yung dare namin sayo ah." Bungad ni Vincent.

Kumunot ang noo ko dahil wala akong maalalang dare. "Anong dare?" I curiously asked.

Binatukan ako ni Seb, "Bobito, 'yung about kay Xynn." Bulong niya dahil nasa harap lang namin ito.

I almost forgot meron pa nga pala akong dare na kailangang gawin. Kundi dahil sa palaro nila Seb ay sana ma papriority ko agad si Khione.

"I heard single daw 'yan." Singit ni Liam.

"Can't I just decline your dare?"

Inakbayan ako ni Vincent, "Come on, Jhelo dude. Xynn is all package. Maganda, may status sa buhay, matalino, lahat na." Pang ga-gaslight nito.

"Oo nga, tsaka kapag hindi mo 'yan ginawa babayaran mo kami ng tag 5k, kaming apat." Natatawang gatong ni Liam.

Naknampucha, may utang pa akong hangout drinks kay Revon oh. Wala na akong allowance kapag sumunod pa ako sa gusto nia. I guess I don't have a choice.

Liligawan ko lang siya because of the dare, one week ay okay na. Pwede nang tigilan. Pagkatapos no'n mag fo-focus na ako sa one and only ko.

Then Khione pass in front of me......while laughing. And all I can hear is his angelic voice.

Goodness, he's my everything.

Behind The Bars #1Where stories live. Discover now