Hello! I'm Fuji at your service. I'm just starting to purse my passion on writing. As you can see this is my first published story and I really need a support right now. A simple appreciation will do. Interact with me in the comment section, and please vote. Thank you so much (≧▽≦) !
Khione's POV
Bitter Past
"Anak, Khione. Dito ka muna kina tita mo ah. Babalik din si Daddy." My Dad calming me down .
Ngunit umiling lang ako at yumakap sa kanya. "No, Daddy. You can't iwan me here."
Inaalis niya ang pag kakayakap ko sa kanya at hinihila na ako nila Tita Hera.
"Khione, makinig ka. Hahanapin ko ang Mommy mo. 'Di ba ang wish mo ay makasama siya?"
I just nodded, "Yeah....I want to meet Mommy. But I want to go with you. Daddy, please don't leave without me." I started crying and begging for him not to leave.
Yet, he still leaved. I was just six years old that time. Naiwan ako kina Tita Hera and Tito Erick.
My life in their house wasn't good, they're giving me a hardtime. They treated me like I'm not belong in this family.
"Lester! Anong paglilinis ang ginawa mo ha? Marami pa akong nakikitang kalat at natatapakan na kung ano ano. Linisin mo dalian mo!" Masakit sa tenga na sigaw niya.
Napayuko na lamang ako dahil alam ko sa sarili ko na maayos ang paglilinis ko, "Opo." Mahinang sagot ko.
At kapag nasa hapag kainan naman ay hindi nila ako pinapasabay sa kanila. Kailangan ay nakatayo muna ako sa tabi nila habang hinintay sila matapos.
"Khione, huwag kang gagaya sa Nanay mo. Akalain mo ba naman pagkatapos kang ipanganak at makahuthot ng pera diyan sa Tatay mo ay bigla nalang kayong iniwan."
"Oo nga, mukhang pera talaga 'yan si Kionna. Hindi ko alam kung anong nagustuhan sa kanya ng kapatid ko." Dugtong naman ni Tito Erick.
Kahit naman hindi ko pa nakikilala o nakikita si Mommy ay alam kong hindi siya katulad ng pinagsasabi nila. Dahil kahit wala siya sa tabi ko ay nararamdaman kong mabuting tao si mama at mahal niya ako.
"Tita, Tito. Huwag niyo naman pong pag salitaan ng ganyan ang Mommy ko. Kahit na hindi ko pa siya nakikita ay alam kong hindi siya gano'n." Mahinang sabi ko.
Napatigil sila sa pagkain at bahagyang natawa. "Aba, magaling ka rin palang mag joke, ano?" Walang tigil na pagtawa ni Tito.
"Wala ka talagang kwenta, Lester. Iyon nga ang punto eh. Hindi mo pa siya nakikita kaha wala kang alam. Bweno, tapos na kami ayusin mo ang paglilinis ah." Naiinis na sabi sa akin ni Tita.
Nang maka alis na sila ay umupo na ako para kumain, pero wala ng kahit anong nasa lamesa. Inubos na pala nila. Dibale mag luluto nalang ako.
Ganyan lagi ang ginagawa nila sa akin, kung merong tira ay literal na kakaunti lamang 'to.
Pinag a-aral naman nila ako dahil sa padala ni Daddy. Pero alam kong binabawasan nila 'yon para sa sarili nilang luho at wala ng natitira minsan.
I'm grade 4th this time, first day of school. Malapit lang ang school at nilalakad ko 'to kahit may kalayuan. Kailangan kong mag tipid dahil kulang ang binibigay ni Tita na allowance.
Pero may isa akong mayaman na kaklase na binibigyan lagi ako ng baon niya. Mabait siya dahil minsan ay ihinahatid pa ako ng kotse nila sa bahay namin. Yelo ang tawag ko sa kanya dahil katunog ito ng name niya na hindi ko alam kung paano i-pronounce.
"Hi, Les." Bati niya sa'kin nang makaupo na ako sa tabi. Hindi siya pala ngiti pero mabait siya. Masungit din siya minsan kaya nga ako lang ang friend niya eh.
YOU ARE READING
Behind The Bars #1
RomanceWhat will happen if the greatest manipulator of technologies, a stalker found his prey?