Chapter 8

170 7 1
                                    

Hello! I'm Fuji at your service. I'm just starting to purse my passion on writing. As you can see this is my first published story and I really need a support right now. A simple appreciation will do. Interact with me in the comment section, and please vote. Thank you so much (⁠≧⁠▽⁠≦⁠) !

Bye, Liam.

Humikbi lang siya sa mga bisig ko habang sinusubukan ko itong pakalmahin.

"Shhhh, it's okay na." Pag a-alo ko.

Oo, gusto kong malapit kami sa isa't isa, pero hindi sa ganitong sitwasyon na malungkot siya. Parang hindi ko yata kayang makitang umiiyak 'to eh.

Ilang minuto pa nang pag iyak niya ay kumawala na siya. Namamaga ang mga mata kaiiyak kaya yumuko ako at pinunasan ito gamit ang panyong kanina ko pa gustong i-alok.

"Thankyou...." Mahinang sabi niya. At tiningnan ang polo ko kaya napatingin na rin ako. Basa na pala dahil sa luha niya.

"Okay lang, matutuyo rin naman 'yan. Saan ba ang susunod mong klase? Ihahatid na kita." Pag aya ko kahit late na ako sa next sub ko.

"Hindi na, wala na naman akong susunod na klase. Kailangan ko na rin umuwi eh. Na istorbo ba kita? Sorry talaga." Nahihiya siyang nag sorry.

"Hindi ka istorbo, para sayo free ako. Pero kung ayaw mo namang mag pa hatid mauuna na ako."

He just nodded kaya I patted his head before leaving in the bathroom, hindi ko kaya ang presensya niya. Kinikilig ako.

Nang makapasok ako sa classroom ay lumulutang lang ang isip ko, nakikinig naman ako pero wala talagang pumapasok sa utak ko. Kasalanan mo 'to Khione, ikaw laging laman.

Pati pag uwi ko ay naka ngiti lang ako dahil hindi 'yon mawala wala sa utak ko. Pero naalala ko na naman 'yung dahilan kung bakit.

Nang makarating ba ako ay nakita ko silang apat na nandito na, kanina pa raw ako iniintay. Gusto nilang sulitin ang gabing ito dahil mamayang madaling araw ay a-alis na 'to.

Nakaupo lang kami sa sofa at nag mo-movie marathon. Mag i-inom sana kami kaso hindi pwede kay Liam.

"Sure na ba 'yan, Liam? Iiwan mo na ako? Kami ng mga anak mo rito?" Barumbadong basag ni Revon sa katahimikan.

"Loko, gusto niyo sumama nalang kayo sa'kin?" Niyaya pa talaga kami.

"Ayaw namin, baka mabawasan ang pogi sa pilipinas." Seb frankly decline.

"Free kang umalis, wala naman kaming pake sayo." Pambabara pa ni Vincent dito.

"Bakit ba ang epal mo? Gusto mo ba ng atensyon ko, Bro?" Seb smirked.

"Lah, doon nalang kayo sa labas mag lambinga huwag dito." Singit ni Seb at tinapunan sila ng popcorn na kinakain niya.

"Hoy, Revobo. Huwag ka ngang mag kalat."

"Nag sasayang ng pagkain. Ikaw mag linis niyan ah."

"Ayoko."

"Sumbong kita sa Mama mo."

"Wala akong Mama." Kunwaring malungkot na sabi ni Revon.

Napaka gago talaga mag bardagulan ng mga 'to. Hindi ko nalang sila pinansin at kinausap si Liam.

"Ingat ka do'n, huwag mo kaming kakalimutan."

"Hindi naman talaga, kayo ang orig na mga unggoy sa buhay ko." Natatawang sagot ni Liam.

"Sabagay, Five monkeys can't be separated, right?" I winked.

We just laughed to our nonsense. "So you admitted na monkey kana rin?"

Behind The Bars #1Where stories live. Discover now