Chapter 11

30 2 0
                                    

Hello! I'm Fuji at your service. I'm just starting to purse my passion on writing. As you can see this is my first published story and I really need a support right now. A simple appreciation will do. Interact with me in the comment section, and please vote. Thank you so much (⁠≧⁠▽⁠≦⁠) !

Khione's POV

Anger

Ang nasa isip ko lang ay ang pag amin sa bestfriend ko.
Hindi ko alam kung paano ko 'to masisimulan.

Habang nag i-isip ay biglang may bumusina sa may labas. Buti nalang at wala sila Tito sa bahay kundi malalagot talaga ako.

Si Manong Alfred lang pala 'yung palaging kasamang driver ni Yelo.

"Lester hijo, pinapasundo ka ni Madame Carter." Nakangiting bungad nito sa'kin. Pag ka labas ko ng bahay.

"Okay po, papasok na po ako." Nakating sabi ko at pumasok na.

Hindi naman ganoon kalayo ang bahay nila kaya ilang minuto lang ay nakarating na kami.

"Thankyou po, Manong Alfred." Paalam ko bago bumaba.

Napanganga nalang ako ng makita ko ang bahay nila na mala mansion. Napaka yaman pala talaga nila.

Marami ang naka park na kotse sa labas ng bahay nila at mula dito sa labas ay rinig ang kanilang maiingay na pagsasaya.

Pumasok nalang ako sa loob at pinag masdan ang may magandang desinyong bahay nila. Napaka raming tao kaya hindi ko alam kung saan pupunta.

Naliligaw na yata ako, pero buti nalang ay nakita ako ng Mommy ni Yelo. "Hi, Les! Kanina ka pa hinahanap ng anak ko." Bungad ni Tita hindi ko pa alam ang name niya kaya Tita Carter nalang.

"Goodevening po, nasaan na po ba siya?"

"Nasa pool area siya." Turo niya sa direksyon no'n. "Puntahan mo nalang una na ako marami pa akong bisita." Ngiti niya tsaka umalis.

Sinundan ko nalang ang direksyon na 'yon pero bigla akong naihi kaya pumasok agad ako sa nakita kong cr. 'Yung cr banda rito sa pool area ay parang 'yung makikita sa mga mall pang maramihan at may cubicle rin.

Tahimik akong nagbawas at nang matapos ay akmang a-alis na sana ako pero may narinig akong pumasok at narinig ko ang boses niya na may kausap.

"Bakit ininvite mo pa rin siya?"

"Sino?"

"Yung Lester na 'yon." Banggit ng kausap niya sa pangalan ko kaya bigla akong napatahimik at taimtim na nakinig.

"Yeah, Henry. What about it?" Sagot niya.

"Muka namang pineperahan kalang no'n, mahirap yata kaya sayo umaasa. Eh 'di ba sabi mo rin na ikaw pa ang sumasagot sa mga pagkain at lunch niyo noon? Hinahatid mo rin siya gamit kotse niyo?"

"Mukang pera? Siguro nga. Kinaibigan ko lang din naman 'yon dahil matalino siya at tinutulungan ako sa mga assignments ko. Parehas lang naman kaming nakikinabang sa isa't isa, ano naman ang meron doon?" Sagot niya, bawat salita yata na binibitawan niya ay ang ikakadurog ko.

Pero kahit na sobrang sakit na at nanginginig na ako kaka pigil ng iyak ay nakinig pa rin ako, pinipigilan ang mga hikbi ko.

"Wow, so you guys has benefits for each others? That's cool."

"Pero feeling ko rin bakla 'yon. Hindi kaba nadidiri?" Sabat ng isang lalaki na kakapasok lang ng CR.

"Ay oo Jef, mukang babae talaga siya tsaka ang hinhin."

"Can you guys please shut up? I just used him to help me improve my grades that's why I became friends with him. And that's all. Hindi ko na rin naman siya makikita na." Sagot niya sa mga kaibigan niya.

Behind The Bars #1Where stories live. Discover now