Hello! I'm Fuji at your service. I'm just starting to purse my passion on writing. As you can see this is my first published story and I really need a support right now. A simple appreciation will do. Interact with me in the comment section, and please vote. Thank you so much (≧▽≦) !
Confusion
Pagkagising kinaumagahan, naramdaman ko agad ang malamig na pakiramdam ng hindi pagkakaintindihan. Habang naamoy ko ang nilulutong almusal ni Lola, nararamdaman pa rin ang kabigatan sa puso. Si Khione, hindi pa rin siya pinapansin simula kagabi.
Si Khione, na laging matigas at hindi nagpapakita ng emosyon, ngayon ay parang hindi na makayang lumapit. Pumunta siya sa pinto, naka-back turn kay Jhelo, parang wala lang.
"Khione..." tawag ko rito.
Hindi tumingin si Khione. Hindi niya ako pinansin, nanatiling nakatayo sa may pinto. "Ano yun, Jhelo" sabi ni Khione, medyo malamig ang tono.
"Yung kagabi…" I started, "May sinabi kang hindi ko narinig. May nagawa ba ako?"
Tahimik lang siya. Walang sagot. Para bang hindi ako narinig, pero pagkatapos ng ilang segundo, nagsalita siya. "Just don't talk to me, okay na ba 'yon?"
Don't talk to him? As if I could do that. "I really don't understand...was it because of the work?" I softly asked.
"Sana nga 'yon nalang ang dahilan,"sagot ni Khione, pero parang malayo ang tingin niya. "Umalis ka na nga sa harapan ko. Nakakasira ka ng umaga, alam mo 'yon?"
"I won't, unless you tell me what's wrong." Pagmamatigas ko.
"Ano bang dapat kong sabihin?" Naka kunot na ang noo nito, halatang iritado na.
I held his hand, "kung bakit ka galit, bakit hindi mo ako pinapansin?"
"Wala lang 'yon, gutom lang ako." Pagtataboy niya sa'kin.
Hanggang sa limang araw na ang nakalipas hindi pa rin ako pinapansin ng isang 'to. Napakatigas talaga.
Habang nag pa-pack kami ng mga gamit dahil ngayon na kami susunduin ni madam ay ginugulo ko siya at sinusubukang kausapin.
"Kapag hindi ka tumigil mawawalan ka ng kasama umalis." Nagbabanta niyang sabi dahil nilalabas ko sa bag niya ang mga nilalagay niya do'n kanina pa. Nawalan na yata ng pasensya.
"Pansinin mo na ako, libre kita! Buko juice at kwek kwek? Masarap 'yung tinda nila Aling Mirna. Samahan mo na ako!"
Yet he still did not care. Prente lang siyang nakaupong nag a-ayos na parang walang kumakausap sa kanya.
"Khione." I pouted. "Libre kita kahit anong gusto mo."
At doon siya natigilan sa ginagawa niya. Ngumisi siya sa'kin na parang may masamang balak.
Mukang mapapagastos ako ah.
"Ang gusto ko ay bumili ka ng kausap mo para hindi kana rito nang gugulo." He sarcastically said and rolled his eyes.
Napaka talaga.
Nung natapos kami mag impake ay napapayag ko siya dahil na rin siguro sa gutom. Street foods ang request niya.
At first hindi ko talaga gusto 'yung pagkain na gano'n, lalo na 'yung isaw and dugo. I hesitate na kumain ng gano'n but eventually nagustuhan ko na rin naman since sina Lola Perla at Bunsoy ay pinapa meryenda 'to sa'min.
My favorite was kwek kwek, the orange one! Dito pa lang ako nakatikim niyan. The egg coated with an orange color. Masarap siya kung masarap ang sawsawan.
"Bati na tayo?" sabi ko habang kumakain kami sa may tulay banda rito.
Tiningnan niya lang ako ng masama. "Sinong may sabi?"
"Ako."
"Wala akong pake."
That word again.
Nanahimik ako saglit at inenjoy saglit ang view rito. Unlike sa Manila mas sariwa talafa ang hangin dito, pati na ang view maganda. Puro blue ang nakikita dahil sa langit at dagat na nakapaligid dito. Siyempre ay nasa Isla kami.
"Ano nga pala 'yung sinabi mo sa'kin? Tsaka bakit bigla bigla ka nalang nagagalit sa'kin. Wala naman akong ginagawa ah." sabi ko at tinapon ang plastik na baso sa basurahan.
"Wala ka naman palang ginawa, e bakit muka kang guilty? Dahil diyan parang may ginawa ka talaga." ngisi niya.
I'm confused, Khione! Fudge.
"I can't fathom what you're trying to say. Just tell me nalang directly."
Magsasalita na sana siya pero may batang pa epal.
"Kuya Pogi, Kuya Khione! Nandyan na po sina Madam at Ma'am Fritz!" tawag nito.
Nung tiningnan ko si Khione ay nawala na ang ngisi niya ng marinig niya palang si Fritz.
Crush niya ba 'yon? Nananahimik at sumeseryoso lagi kapat nandyan na 'yung babae na 'yon.
Sana sabihin niya nalang sa'kin direkta kung tahong ba ang gusto niya at hindi talong para naman makapag back out pa ako.
Kidding.
"Goodmorning po." sabay naming bati ni Khione.
"Goodmorning," ngiti nito. "Lola Pearl, kukunin ko na ang cute mong mga alaga ah?" sabi niya kay Lola.
"Ay naku! Sige lang Ma'am. Kailangan na kailangan nila ng pera kaya salamat po sa alok at konting tulong niyo." Lola Pearl thanked.
Kotse ang dala nila, naka upo sa back seat si Fritz kaya hindi namin alam kung saan u-upo dahil sa driver seat si Madam.
"Khione hijo, dito kana sa front seat." tawag ni Madam sa kanya kaya naman umupo agad siya.
Dahil doon ay alam kona kung saan ako u-upo, sa tabi ni Fritz.
"Hello," she greeted me with a smile so I do the same.
After that we went silent. Ang awkward, gusto ko lang naman katabi 'yung isa diyan e. Hindi pa kasi umupo sa tabi ng Nanay niya 'tong isa.
"How are you?" biglaan niyang tanong dahil hindi ko siya kinakausap unless kausapin niya ako.
"Ok lang naman," I said flatly. At tiningnan ang direksyon ni Khione.
Naka upo lang siya at nakatingin sa bintana. Ine-enjoy niya rin siguro 'yung view.
Maganda kasi, same as me. I'm looking at the view. Sobrang ganda kasi.
"Are you guys friends?" nguso niya kay Khione.
Bakit? Aagawin mo sa'kin? "Yes, super friends." I said with a snuggling face.
"What?"
"I said yes, we're friends."
She just nodded and start staring at me. What the?
"Pogi ka pala 'no?" pagsasalita niya na naman.
Naiirita na ako, please lang. Matagal pa ba?
Mas lalo akong nairita dahil sa may salamin sa unahan. Doon kami nag katinginan, masama lang ang tingin niya saming dalawa at tinarayan na naman ako.
Gusto niya ba 'tong babae na 'to? Kung oo ay hindi ko siya aagawan dahil siya naman ang gusto ko! Psh.
Pagkatapos ng mahabang byahe ay sawakas ay nakarating na rin kami. Masasabi kong malaki ang bahay nila pero malaki pa rin 'yung bahay namin sa Manila. Fuck! I miss being home.
"Dito ang bahay namin, dito ka lang naman mag lilinis Khione...hindi naman laging makakat dito kaya sa tingin ko ay hindi ka naman mahihirapan. Tsaka kung kaya mong mag luto ay dadagdagan ko ang sahod mo kapag gusto mo lang din. Ikaw naman Jhelo, iyong kotse na 'yon ang ida-drive mo. Hindi naman kami o ako araw araw lumalabas ng bahay dahil work from home naman ako." mahabang salaysay ni Madam habang sinusundan namin siyang tatlo.
Mukang busy pa nga si Fritz at Khione dahil sila namang dalawa ang nag u-usap.
Sabi ko na nga ba.
![](https://img.wattpad.com/cover/378518368-288-k556078.jpg)
YOU ARE READING
Behind The Bars #1
RomanceWhat will happen if the greatest manipulator of technologies, a stalker found his prey?