Chapter 30

239 4 1
                                        

Hello! I'm Fuji at your service. I'm just starting to purse my passion on writing. As you can see this is my first published story and I really need a support right now. A simple appreciation will do. Interact with me in the comment section, and please vote. Thank you so much (⁠≧⁠▽⁠≦⁠) !

New life

Khione's Pov

"Lester, hindi mo ba talaga kakausapin ang Mommy mo?"

Tsk, ayan na naman sila.

One month na akong sa nasa London, sa hometown ng nanay ko 'daw.' Hindi ko sure baka nanay 'to ng iba e.

Pasalamat sila ayaw kong makita si Jhelo kaya ako sumama sa kanila. Pero feeling nila forgiven na sila? Hell no. Wala lang akong choice.

Tapos hindi ko alam may kapatid na pala ako? Matagal na pala silang buo tapos noong time lang na 'yon ako kukuhanin kung hindi pa nila nalaman na nasa ganoong kalagayan ako.

Bahala sila, buuin nila ng kanila ang sinasabi nilang 'family.'

"Look, Lester. We're sorry kasi natagalan bago ka namin kinuha. Pero babawi naman kami, anak." Sabi niya pa ulit matapos ko siyang hindi pansinin.

I just looked at him na parang wala lang sa'kin ang mga sinasabi niya. Well after all what I've been through sa tingin ba nila magagawa ko agad silang patawarin?

I know they're still my parents after all, but, this? It's fuckin' awkward. Nasanay ako sa hirap, na wala sila. Ano kayang ine-expect nila sa'kin? Na mapapa "I miss you Mom and Dad." With matching iyak pa ako? Asa.

"Okay."

Yan nalang ang nasabi ko, nagtitimpi lang ako dahil ayokong may masabi pa.

Pagkatapos no'n ay pumunta na kami sa dining area para kumain. Doon, nakita ko si 'Mommy" ko daw at ang anak nilang si Zadiah na nakangiti sa'kin, inaabangan akong umupo sa tabi niya.

11 years old lang siya, cute at mabait na bata. Nung dumating ako sa bahay na 'to ay dinaldal agad ako, lagi niya pang sinasabi na matagal na raw niya akong hinihintay.

"Come sit with me, Kuya. Mommy prepared your favorite, Chicken curry, look!" She enthusiastically said at binigyan ako ng plato na may pagkain na.

Ganito pala ako kamahal ng kapatid ko, nakawin ko kaya 'to sa nanay at tatay niya tapos dalhin ko sa pinas.

"Lester, I hope you will like it. It's my first time cooking chicken curry. My apologies in advance, sweetheart if it's not the version you like." She looked at me, and smile, a warm smile.

Ngumiti lang ako pabalik dahil hindi ko alam ang sasabihin. Sa isang buwan ko dito ay hindi ko siya kinakausap, or let's just say, I purposely avoid having alone time with her, hindi sa ayaw ko siya kausap basta ewan. Wala lang siguro akong baong english spokening dahil englishera si mader.

"We're planning to live in the Philippines. After two months of preparation aalis na tayo." Pag open ni Dad sa topic.

Pilipinas na naman? Ayoko na nga doon e! Bukod sa....basta ayoko! Baka makita ko pa si Jhelo mag init dugo ko't may magawa pa ako sa bwisit na 'yon.

Hindi ko alam kung baliw ba 'yon o may amnesia talaga.

Sus, parang hindi minahal.

Hindi naman talaga!

Miss mo?

Yes, of course.

Arrghh! Bwisit na utak 'to.

Napailing nalang ako sa iniisip ng utak ko. Ano naman kung na fall ako, dati ko pa naman 'yon crush, tapos nag move on, tapos nakita ulit, ayon hulog ulit. Tapos hindi niya pala ako naalala ang kapal ng apogs. Edi diyan siya.

Kala niya naman mamimiss ko siya, sino bang hindi? Jokez!

Pasalamat siya mabango siya at higit sa lahat pogi. Pero minsan nakaka inis kaya naman wala akong ibang ginawa kundi mag sungit.

Binigyan ko naman ng chance manligaw, pero masakit kasi. Bakit hindi niya ako maalala? I mean, oo dapat narinig ko muna 'yung side niya pero...basta! Wala na rin naman, hayaan na.

"Lester."

"Kuya?"

"Lester, dear."

Pagtawag nila sa atensyon ko. Bakit ba Lester sila nang Lester?

"Yes?" Balik ko sa huwisyo.

"I'm asking if you're agree?" Sabi ni Mom, iniintay ang sagot ko.

"Well, it doesn't matter. Whether you like it or not we will go there since I started already the papers and the preparation." Putol ni Dad sa mahaba kong pag iisip nang hindi ako naka sagot.

Oh edi sana hindi nalang ako tinanong? Wala naman pala akong choice. Kaloka.

Matapos ang hapunan ay bumalik agad ako sa kwarto ko since hindi ko naman 'yon pamilya, strangers lang sila.

Jokessssss!

Namimiss ko na tuloy mga friends kong noypi. Kamusta na kaya 'yung mga 'yon?

Kinuha ko agad ang Iphone 16 fully paid na regalo ng mother earth ko. Ganito talaga kapag nakaka angat.

Inopen ko agad ang Instagram ko para putulin ang ghosting phase ko.

Pinindot ko agad 'yung message. Maraming chats pero may nakapukaw ng atensyon ko kaya ayon muna ang inopen ko. Hindi kasi familiar ang username niyang "MulawinVs.Revona." sino bang bobo gumawa ng username na 'to? Unang basa palang alam ng walang gagawing tama.

MulawinVs.Ravena

High lodz, sana mizz muh na rin cya. :(

Chat niya na ikina kunot ng noo ko. Sino ba 'to? Tsk.

Khioneyyy

Tf?

I replied. Mumurahin ko pa sana kaso nawalan pa ng kuryente kaya wala ding internet. Bwisit na buhay 'di ba?

Uso rin pala black out dito?

"Kuya!!!!!!!" Zadia ran to my room, dala ang lightsticks at mga laruan niyang nailaw sa kwarto ko.

"I brought them to you, so you won't feel lonely anymore. Let's sleep together please? I don't want to be with Mom and Dad. They're so malikot in bed." She pouted. Ang conyo niya mag salita, cute cute. Pinanggigilan ko tuloy ang mataba nitong pisngi.

Bakit ba kamuka ko 'to? Girl version ko ba 'to? Jusmeyo, ang gandang bata.

"Okay, let's sleep na."

Hindi niya pinansin ang sinabi ko, umupo lang siya at tiningnan ako. May iniisip siguro.

"You're from Philippines, right? I want to learn some Filipino words, Kuya! Dad taught me some but he's too busy. And I have a friend a half Filipina too! She's from Philippines they just moved to live here and she taught me some words. She said I love you is Pu thang in a mu?" Sunod sunod niyang salita.

"Who taught you that, huh?" Natatawa kong tanong.

"Hmmm her name is Jhela."


Behind The Bars #1Where stories live. Discover now