Chapter 12

55 2 0
                                    

Hello! I'm Fuji at your service. I'm just starting to purse my passion on writing. As you can see this is my first published story and I really need a support right now. A simple appreciation will do. Interact with me in the comment section, and please vote. Thank you so much (⁠≧⁠▽⁠≦⁠) !

Khione's POV

Revenge

Nagising nalang ako dahil ginigising na ako ni Tita. "Bangon na, Lester. Babyahe ka pa. Bilisan mo kung ayaw mong maubusan ng masasakyan. Naghanda na rin ako ng pagkain mo para diretsyo alis kana." Mahinahong sabi niya. Tsaka umalis.

Bumangon na ako para maligo at mag ayos. Binuhat ko na rin ang mga bagaheng dala ko pababa. Nakita naman ako ni Tito Erick at tinulugan akong buhatin 'to.

Pagkatapos ay sabay sabay na kaming kumain ngunit puro katahimikan. Nakakapanibago sila, hindi ako sanay.

Natapos na kaming kumain at nag offer sila na ihahatid na raw nila ako sa bus stop.

"Ingat ka doon sa Manila, hindi mo alam ang buhay do'n." Habilin nila.

"Opo, thankyou po." Nag bow lang ako at umalis na rin sila.

Walang nag open ng usapan sa nangyari kagabi, pero okay na rin siguro 'yon. Dahil kahit ako ay ayokong maalala.

Dumating na rin ang bus at agad akong sumakay dahil ayoko naman na hindi ako ang mauupo sa window seat.

Sinuot ko lang ang earphone ko at nakinig lang ng music. Hindi ko namalayan na may naki upo na sa tabi ko. Tinapik ako nito kaya napalingon ako.

"Hi, gusto mo?" Nakangiting alok niya sa kinakain niya.

Who would accept a food from stranger? "No, thanks." Pag decline ko.

"I'm Minerva, Nice to meet you!" Masiglang alok niya ng kamay sa'kin para makipag shake hands.

Wala na akong choice kaya tinanggap ko nalang 'to dahil ayaw ko naman maging rude. "Khione Lester, you can call me anything."

"Okay, hi anything."

Sikreto naman akong napatawa dahil may humor din pala ang isang ito.

"How old are you?" Na curious lang ako.

"20 na ako. Mag a-aral ako sa Manila. Ikaw ba?" Sagot niya at tinanong din ako pabalik.

"Also 20, going to Manila to study."

"Oh parehas pala tayo, edi sabay nalang tayo. Gusto mo ba? Saan ba school na papasukan mo?" Sunod suod na tanong niya.

"Pwede naman. Sa St. Louisian Ville Academy ako nag apply ng scholarship." Sagot ko rito.

"Gano'n ba? Magkatabi lang pala tayo ng school. Gusto mo maging roomate ko apartment ko?"

Apartment? Tamang tama naghahanap ako ng mauupahan. Tatangapin ko nalang 'to kaysa nahirapan kakahanap.

Tinake ko ang offer niya, nakipag usap lang ako rito habang nasa byahe dahil napaka daldal at energetic niya. Namamangha talaga ako sa ganitong tao.

At nang makababa na kami ng bus ay dumiretsyo agad kami sa sinasabi niyang apartment dahil ginabi na kami sa byahe, maganda dito maluwag at may garden, ang comforting.

Nakausap na ni Minerva ang Landlord kaya naman umakyat na kami. Malaki ang kwarto at maganda, malawak, at halatang alaga ng linis.

"Dyan ka, ako rito." Turo niya sa dalawang kwarto.

"Okay." Sagot ko at pupunta na sana sa kwarto para makapag pahinga.

"Nakabili ka na ba ng school supplies?"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: 2 days ago ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Behind The Bars #1Where stories live. Discover now