Hello! I'm Fuji at your service. I'm just starting to purse my passion on writing. As you can see this is my first published story and I really need a support right now. A simple appreciation will do. Interact with me in the comment section, and please vote. Thank you so much (≧▽≦) !
Hunting Or Loving
Hindi ko alam pero may something sa tingin ni Jerome. I really don't know kung galit ba 'yon o ano. Basta ang uncomfortable.
Napatigil ang pakikipag laban ko ng talas ng tingin dito nang mabulunan si Khione. Wala ng tubig ang baso nito kaya naman tumakbo si Jerome para kumuha ng tubig.
But I couldn't just watch him. Kaya tumayo ako at ibinigay ang bagong bukas lang ng bottled water ko.
Walang pag a-alinlangan niya 'yung kinuha at tinungga.
May luha na rin akong nakitang namumuo sa gilid ng mata niya kaya nakaka worry."Masakit ba?"
Tumango lang ito, dahil alam kong hindi pa siya makakapag salita basta basta dahil sa kati ng lalamunan.
Napansin ko naman ang tingin nung apat galing sa table namin dahil nanahimik sila. Nakita ko pang kinurot ni Yva ang braso ni Revon dahil hinila niya ang buhok nito.
"O-okay, na 'ko. Ang s-sakit lang sa lalamunan..."
"It's okay. Baka bago pa makabalik si Jerome rito ay baka kung ano nang mangyari sayo.... mahirap na."
"Paano? Babalik na ako sa table ko. Kapag kailangan mo ng tulong alam mong nandito lang ako." Sabi ko sa mahina at banayad na boses.
Tinuro ko rin ang table namin at nang makitang napatingin kami doon ay biglang umiwas nang tingin ang apat na kanina pa kami pinagmamasdan.
A-alis na sana ako pero hinawakan niya ang dulo ng t-shirt ko.
"Uhmmm...ano kasi.... thankyou." Nahihiya siyang nag pasalamat.
Walang ano ano ay kumabog ng malakas ang puso ko. Tumango nalang ako dahil walang lumalabas na salita o ano sa bibig ko.
Bumalik na ako sa table namin at inulan naman agad ng tukso.
"Oyyy hala namumula!" Turo ni Seb sa muka ko.
"Prince charming ang atake na mukang palaka ang atake mo mars." Sino pa ba, edi ang masakit na panunukso ni Yva.
Parang may dalawang Revon na kaming kasama.
"Nabulunan din naman ako no'n pero hindi mo ako binigyan ng tubig. Binigay mo sakin isang bilog na kanin lunukin ko raw. E puta, hindi naman ako natinik. Bobo!" Pambubuking sa'kin ni Revon.
Napatigil pa sila saglit at pinoproseso pa ang narinig pagkatapos ay sabay sabay na tumawa ng malakas.
Ayan, ako na naman ang nakita.
Wala akong nagawa kaya pinag patuloy ko nalang ang pagkain ko dahil gutom na gutom na ako.
Pero ilang minuto na ang nakalipas ay natatawa pa rin sila.
Natigil naman pero kapag may nakaka eye contact ang isa sa kanila ay matatawa na naman sila bigla. Lalo na kapag may sinasabi si Yva at Revon ay talagang napapahawak na sila sa tyan sa sobrang pagtawa.
Tangina, hindi ako maka relate. Ikaw ba naman ang pinag tatawanan e.
"Mga frontsabber!" Sigaw ko sa kanila at nagtatampo na dahil sila lang ang natutuwa.
"Gusto mo bilog na kanin?" Sabi ni Yva at nagtawanan na naman sila.
"Gago mo, Yva! Tama na." Si Seb na namumula na sa sobrang pagtawa.
YOU ARE READING
Behind The Bars #1
RomanceWhat will happen if the greatest manipulator of technologies, a stalker found his prey?