Hello! I'm Fuji at your service. I'm just starting to purse my passion on writing. As you can see this is my first published story and I really need a support right now. A simple appreciation will do. Interact with me in the comment section, and please vote. Thank you so much (≧▽≦) !
Motivated na motivated ako sa sinasabi ni Khione dalawang araw na ang nakalipas kaya I was eagerly working. Kahit na nangingilabot pa rin ako sa hasang ng isda tuwing tinatanggal ko iyon ay hindi ko na lang pinansin, masasanay din naman siguro ako. Ako lang, dahil si Khione ay literal na sanay na.
Minsan pa nga ay kahit pagtulong sa mga nangingisda ay sumasama na kami dahil dagdag kita.
Lahat ng sinasahod namin ay nilalagay namin sa kawayang alkansya na binigay ni Lola. Pero nagtitira rin kami dahil panggastos din sa pang araw araw.
Sa totoo lang ay hindi ako sanay sa ganitong environment. Kaya lahat ng ginagawa ko ay bago sa'kin, nasanay akong pa chill chill lang at baka nga spoiled pa ang tingin sa'kin.
Nasanay ako puro computers and monitor ang kaharap at kausap. Ugh! I miss manipulating them with Khione's faces everywhere.
Hindi ko rin alam kung bakit hindi pa ako o kami nahahanap ni Kuya knowing naman na magaling 'yon mang track. Siguro ay pagod na sila sa akin at hinayaan nalang ako kung na saan man ako.
Pero dahil nandito rin si Khione ay gustong gusto ko matuto kasama niya. Gusto kong tinuturuan niya ako, gusto ko rin 'yung konting atensyon niya habang tinuturuan niya ako tuwing nagtitinda at naglilinis kami tuwing nasa palengke.
Hindi na rin naman siguro masama 'yon.
Pero si Khione, hindi pa rin lumalambot sa'kin. Ayaw pansinin ang mga panliligaw ko at pag porma ko sa kanya.
Tinutulungan na nga ako ni Bunsoy kahit wala siyang ideya kung bakit ko ginagawa 'yon para kay Khione.
"May dosena daw na nag order ng bangus, dalian mo diyan mag linis at ibigay mo kay Bunsoy pagkatapos." Masungit na sabi ni Khione habang kumukuha ng orders.
Sobrang ganda talaga, pogi pa.
Naglinis lang ako nang nag linis hanggang sa matapos na ang letcheng dosena na 'yan!
"Nandyan si Madam!" Gulat na sabi ni Bunsoy at napatingin naman kami.
Dalawang babae ang nakita ko doon. 'Yung isa ay mukang kasing edaran lang namin na mukang galing din sa mayaman na environment dahil sa kutis at muka nito. Samantalang ang isa naman ay sure akong boss namin.
"Ang ganda talaga ng anak ni Madam."
"Oo, si Ma'am Fritz! Naku ang gandang bata."
Naririnig kong bulungan nila habang kausap ng boss namin ang tagapamahala rito.
"Bagay sila ni Jhelo." Sabi ni Lola dahilan para mapatingin kami ni Khione.
"Lola naman!"
"Oh bakit? Tingnan mo nga at nakatingin sayo. Type ka no'n." Nanunuyang sabi pa nito.
"Oo nga Kuya. Pogi ka, maganda siya." Sabi pa ni Bunsyo na parang hindi niya alam 'yung pag porma ko sa isa diyan.
May mas maganda pa diyan.
Nang tingnan ko si Khione ay hindi niya na ako pinapansin. Nagpatuloy lang siya sa ginagawa niya na parang hindi kami nag e-exist.
Lalapitan ko sana 'to para kausapin ay bigla akong tinawag ni boss.
"Ito po si Jhelo, Madam." Lola Perla introduced me.
"Hello po, Madam." Magalang na bati ko. Of course, kailangan mag pa sipsip.
YOU ARE READING
Behind The Bars #1
RomanceWhat will happen if the greatest manipulator of technologies, a stalker found his prey?