Chapter 38

23 2 0
                                    

Remembering


Tatlong taon nang nakalipas pagkatapos nang naging mabigat kong desisyon. Kailanman hindi ko yun pinagsisisihan dahil alam kong sa sarili ko na kahit masakit yun ang tama. Yun ang nararapat. Marahil nung panahon na yun hindi ko pa masaydong tanggap na ako mismo ang tuluyang bumitaw sa pinaglalaban naming pagmamahalan, masyadong mabigat at masakit pero kinakailangan gawin. Isa lamang ang hangad ko sa mga oras na ito, na sana ay kagaya ko ay tanggap na ni Ivo na hanggang duon na lang ang katagang 'kame.' Tanggap ko kung di niya ako mapapatawad. Ang mahalaga ginawa ko kung ano ang mas makakabuti sa kanya. Mahal ko siya, wala yung duda at kailanman di yun magbabago. Dumaan man ang ilang libong taon, kung nabubuhay pa rin ako sa panahon na yan, siya at siya pa rin ang mamahalin ko. Titigilan ko lang itong pagmamahal ko para sa kanya kung magmamahal na rin siya nang iba, pero yun ay kung kaya ko ngang kalimutan at bigyan nang tuldok ang pagmamahal ko para sa kanya.


"How are you my dear?" Tanong ni Mama sa kabilang linya.

"I am fine Ma, nothing to worry." Sagot ko sa kanya.


Narinig ko ang pagbuntong hininga niya ngunit hindi ako umimik at hinayaan siyang ipagpatuloy ang kanyang pagsasalita.

"I hope anak makakabisita ka na dito sa atin, namimiss ka na namin anak."

Gusto kong sumang ayon sa sinasabi ni Mama ngunit alam nang utak ko hindi pa to ang tamang oras. Hindi ko pa kaya.

"Sige po Ma, marami pa po akong kailangan gawin at tapusin. Bye."


Agad kong binaba ang telepono. Isipin na ni Mama na bastos ako, okay lang yun. Hindi naman yun ang totoo. Ayoko lang na baka maungkat na naman ang nakaraan kagaya nang nangyayari nung una. Laging bukambibig niya ang nangyari sa pagitan naming dalawa ni Ivo.


Umalis ako sa amin dalawang araw pagkatapos kong bitawan siya at di tumupad sa pangako naming sa isa't isa. Ang pagkakaalam ko, umalis din sila nung araw na iyon patungong Los Angeles upang pagamutin si Tita at after six months bumalik din sila agad dahil naging successful ang operasyon ni Tita. Isa yan sa mga dahilan kung bakit hindi ako nagsisising bumitaw. Alam kong nakaraos si Tita dahil ang kanyang lakas ay nasa kanyang tabi. At hindi ko ipagkakait sa kanya ang maging matapang at ipagpatuloy ang buhay para sa kanyang natatanging tunay na yaman. Hanggang duon lang ang alam ko. After that, wala na akong balita sa kanya. Wala nang nababanggit si Mama bukod sa maayos naman silang lahat. Walang nagbago, pamilya pa rin turing nila sa amin at ganun din ang pamilya ko. Minsan naman si Papa ang nakakausap ko kagaya ni Mama gusto niya na rin ako umuwi at bumalik sa amin. Gustuhin ko man ngunit may parang humahadlang sa akin. Hindi ko alam kung ano yun. Parang may isang bagay akong kailangang gawin o di kaya kailangang simulan. O sadyang hindi ko pa rin kayang bumalik dun sa takot na kung Makita ko siya ulit, baka, baka nga, baka sa pagkakataon na yun, hindi ko na magagagawa pang talikuran siya.


Pinagpatuloy ko ang pag aaral ko sa isa sa mga University dito sa lungsod nang Mariwata. Bakit ako napunta sa lugar no ito? Marahil sa dito sa lugar na ito kame ni Ivo unang nagkakilala at nagkasama bago kame lumipat sa Amando Community. Sa lugar na to nakilala ko ang taong hindi ko inakalang mamahalin ko nang higit pa sa isang Pinsan. Isang taong di ako binigo, di ako iniwan, at isang taong pinaglaban ako at minahal ang bawat parte nang pagkatao ko. Isang taong walang ibang ginawa kundi ang mahalin ako ngunit sinaktan ko. Ganun pa man, nagpapasalamat ako sa Poong Maykapal, dahil kahit minsan hindi nag krus ang landas naming dalawa, to think dito kame unang nagkita at nagkakilala. Maybe inisip niya since hindi to pangkaraniwang lugar para sa amin, marahil iniisip niya na hindi ako mapapadpad sa lugar na ito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 20, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

BitterSweet by: XeltrahbladeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon