Blood
Hindi ko alam kung bakit ako hinahabol ng mga ganitong pangyayari. Wala naman akong interest na makialam tungkol sa mga fraternity at sorority na yan.
“Ahm, I’m sorry pero I am not interested. Sa iba na lang. And thank you for the invitation.” Sagot ko sa kanya.
Unti unting nawawala ang ngiti niya kanina. Medyo nakikita ko na ang dark brown eyes niya.
“Sige, pero if you ever change your mind, feel free to inform us.” Aniya.
“Thanks.” Sabi ko saka ko sila tinalikuran.
Masaya ako ngayong naglalakad papunta sa parking area ng school namin. Si Angelo kasi ang maghahatid sa akin.
“Nga pala nabalitaan ko sa barkadahan na magkakilala kayo ni Nash. Totoo ba?” Tanong ni Angelo na medyo hindi niya nagustuhan ang kanyang nalaman.
“Nope. Nabangga ko lang sila actually when I was on my way to the comfort room.” Paliwanag ko sa kanya ng walang interest na pag usapan naming yun.
Bigla niyang hininto ang sasakyan saka tumingin sa akin ng seryoso.
“Be careful next time. You don’t know what they can do to trash people. And don’t ever trust them.”
Paulit ulit kong naririnig sa isip ko ang sinabi ni Angelo. Hindi ko alam kung dapat ba akong matakot o matawa sa sinabi niya. Hindi ko alam kung babala ba yun o sinasabi lang niya kung ano ang nalalaman niya tungkol kay Nash at sa mga kasamahan niya.
Umalis din agad si Angelo pagkatapos niya akong hinatid. Kailangan niya rin magpahinga kasi bukas may practice na naman sila. Nangako naman siya na babawi sa special day namin ulit. Shempre dahil understanding girl friend ako, sinabi ko sa kanya na okay lang yun at naiintindihan ko.
At dahil sa hindi pa rin ako mapakali, tinext ko si Ivo para makakalap pa ng additional information patungkol kay Nash. It’s not that I am interested I just have to know him better for me stay alert and ready for what ever he is planning to do to me. After that incident, alam kong hindi niya ako tatantanan.
Ako:
Couz? You busy?
Mabilis naman nag reply itong si Ivo. I guess hawak niya ang phone niya ngayon at ka text siguro itong si Rina.
Couz Ivo:
Nope. Why?
Ako:
Pwede ako punta dyan? J
Couz Ivo:
Sure.
Agad agad naman ako nag palit ng damit at kumaripas ng takbo papunta sa bahay nina Ivo na nasa harap lang naman ng aming bahay.
Wala siya sa may sala kaya I’m sure nasa kwarto siya.
Tumakbo ako agad at dali daling tinahak ang hagdanan. Pagkarating ko sa harapan ng pintuan ng room ni Ivo, hindi na ako nag abalang kumatok. Binuksan ko agad ang pinto na hindi naman naka lock.
Bigla akong nanigas sa kinatatayuan ko. Nagulat din siya na makita akong nakatayo sa may pintuan.
He was just wearing boxer short standing in front of me.
He is still young pero bakit meron na siyang abs? Ang hugis ng bawat muscles niya ay halatang pinag pawisan. Nag wowork out ba siya sa gym? Hindi ko alam yun huh!
“Hey, close the door.” Sigaw niya.
Agad agad ko namang sinara ang pintuan. That was yummy I mean a mess!