I Wish
Nagsipalakpakan silang lahat at meron pa ngang naki pag shake hands sa akin at naki picture. Nahihiya akong tumingin ng diretso sa camera nila feeling ko nga artista ako. Artistang ewan.
“Wow naman. Artista na ang Honey ko.”
Nakangiting salubong sa akin ni Ivo sabay yakap. Natawa ako sa pagkabanggit niya ng pangalan ko. Kailan pa nagkaroon ng “ko” sa Honey? Assuming na naman ehh.
“Ang ganda mo habang kumakanta. Bagay na bagay sayo ang new look mo. Alam mo bang sumasabay sa sayaw mo ang pag gayaw ng buhok mo? Damn hot. Witweew.”
Sabi ni Ivo na mas lalo pang nag painit sa pisngi ko.
“So can we go? Or baka gusto mong maki picture din ako sayo?”
Saka ngumisi na naman ang kumag. Umiling iling na lang ako saka tumayo. Hindi ko na rin liningon ang table nina Cy. Bahala na sila sa buhay nila. Wala na akong karapatan pang maki pag mabutihan sa kanya.
Magkahawak pa rin ang kamay naming ni Ivo. Okay lang sa akin, hindi naman awkward. Feeling ko nga ang ganda ganda ko dahil kahit anong gawin ko hindi talaga nawawala ang mga babaeng kung maka tingin kay Ivo ay parang lagpas na isang balde ang laway. Damn this guy. Wala naman siyang ginagawa pero napapansin siya.
May mga guys din nagpapapansin sa akin pero hindi lang umaangal dahil tinitignan agad ng masama ni Ivo na para bang kahit anong oras kaya niyang pumatay. Damn cous!!
“Dito muna tayo.”
Aniya. Saka ako kinaladkad papunta sa isang Souvenir shop.
Wow. Ang dami nilang binebenta na magagandang bagay na pwede talaga iregalo.
“Ano kaya maganda bilhin para sa mga barkadahan?”
Tanong ni Ivo. Ang barkadahan naiisip niya si Rina hindi. Or baka naman may nabili na siya. Ano naman kaya yun? Anu ano naman kaya ang naibigay na niya kay Rina. Ang swerte talaga ni Rina. Hayyy. Andyan na naman ako sa salitang swerte na yan. Sige Honey saktan mo pa ang sarili mo.
So yun na nga bumili kami ng t-shirts na may print na Las Vegas plus its beautiful sceneries.
“Ano bibilhin mo para kay Rina?”
Kanina ko pa ito gustong tanungin sa kanya. Kanina pa kating kati ang dila ko na usisahin silang dalawa ni Rina. Hindi naman yun big deal sa akin. Curious lang ako. Yun lang. At wala naman masama kung gusto kong malaman kasi pinsan ko naman siya. Diba? Hayy. Hindi ko alam sa sarili ko. Parang nagiging abnormal na naman ako ehh. Damn.
Teka nakailang damn na ba ako?
“T shirt din.”
Maiksi niyang sagot. Laglag ang panga ko dun. Ano? T-shirt lang? Hindi ko naman sinasabi na materialistic girl si Rina ang akin lang girlfriend niya ang plastic I mean si Rina. Wala bang something special?
“Yun lang?”
Tanong ko pa rin sa kanya. Imposible naman yata na wala ng iba pa. Pwede may t shirt tapos meron pa something na talagang magpapasaya sa plastic na yun. Pasensya na. Hindi na talaga maalis sa sistema ko ang pagiging plastic ni Rina.
“Bakit ano ba iniisip mo?”
Seryoso niyang tanong sa akin. Minsan ang kumag na ito hindi ko maintindihan. Bigla biglang naglalambing, biglang nagagalit, biglang tatawa, biglang seseryoso. Ang hirap niya talaga basahin. Samantalanag ako kahit anong gawin kong pagtago nababasa niya ako well except for one thing I guess so.
“W-ala. Ang akin lang, girlfriend mo ang tao, she deserves something special.”
Pagpapaliwanag ko.