On My Own
We kissed slowly but with love.
After sharing those unforgettable kisses, we looked at each other’s eyes and smiled. I’m glad, I am not crying anymore and I’m glad he made me smile.
Lumingon kami sa may kwarto at nagulat akong andoon si Ivo na nakahalukipkip. Magagalit kaya siya? Ang seryoso kasi ng pagmumukha niya.
“Congrats to the both of you.”
Sabi niya. AWH. Hindi siya galit. Masaya rin yata siya para sa amin at saka dapat lang naman na maging masaya siya dahil sa ganitong paraan ay hindi naming masasaktan ang isa’t isa at hindi naming masasaktan ang mga mahal namin.
Nang makababa na kami sinabi ko na rin kina Papa at Mama.
“Basta ang pag aaral niyo huwag kalimutan pati tandaan ang mga di dapat gawin, iwasan. Alam niyo kung ano ang tinutukoy ko.”
Naku. Ayan na naman sila. Tumango si Papa. Well, nakita ko namang tumango rin si Cyril. Hindi naman sa hindi ako pumapayag, nakakahiya lang kasi as if naman gagawin namin yun. Ang bata pa namin para sa mga ganyan at saka hindi naman yun ang basehan ng pagmamahal. Diba?
Sinabi ko na rin sa barkadahan ang tungkol sa amin ni Cyril at masaya ako kasi sabi nila sa wakas binuksan ko na raw muli ang puso ko. Hindi ko naman isinara ang puso ko dahil kahit natatakot ako muling sumubok nandoon pa rin ang kagustuhan kong magmahal at mahalin. Diba may kasabihan na, you can’t choose the one to love but you can choose to open your heart.
“Masaya ako para sayo Honey.”
Sabi ni Angelo ngayon sa harapan ng barkadahan. Bahagyang natahimik ang lahat. Yung tipong mananahimik sila hindi dahil gusto namin kundi dahil gusto nila marinig kung ano man ang sasabihin ni Angelo.
“Salamat Angelo.” Sabi ko sa kanya sabay ngiti.
“Tama ang naging desisyon mo. I’m proud of you.”
Na touched ako sa sinabi niya, ganoon din ang barkadahan. Bahagya pang napaluha si Sheena. I’m sure lahat sila ay masaya na rin para sa amin ni Angelo. Nakaraan na yun hindi na kailangan ungkatin at di na rin yun makakaapekto sa kung ano man ang meron kami sa ngayon. Ika nga, hindi ka makakapag move on kapag hindi mo pakakawalan ang nakaraan. Para makarating ka sa next destination mo, it is a must na kailangan mong pakawalang ang mga excess baggage.
Sabay kami uuwi ngayon ni Cyril kaya hindi ko na dinadala ang sasakyan ko. Nasa labas ako ng gate ng school namin ngayon habang hinihintay siya. Maya maya nakita ko na ang sasakyan niya at huminto naman ito sa harapan ko. Sumakay na ako agad hindi ko na siya hinintay pang bumaba para pag buksan ako.
“Anong nangyari sayo?”
Tanong ko agad sa kanya. May pasa kasi siya sa mukha. Naku naman. Ano kaya pinaggagawa nito kung wala ako. Hayy!!
“Wala yan. Nagkasakitan lang ni utol sa sobra naming paglalaro ng karatedo. Hindi naman niya yan sinasadya.”
Sagot niya. Pero bakit parang pakiramdam ko hindi siya nagsasabi nang totoo. May tinatago ba siya? Kung meron man, bakit hindi niya sabihin sa akin? Or baka naman napapa paranoid lang ako kasi sobrang mahal ko siya? Kaya naiisip kong naglilihim siya.
Shit! Bigla ba namang pinisil ang pisngi ko. Ano ba yan. Kaya tinadtaran ko agad siya ng suntok sa tagiliran niya. Nakakabanas naman ito.
“Aray. Tama na Baby, please.”
Sabi niya sa akin sabay pa cute. Ehhh, ang puso ko ang lakas makatibok. Shemay!
“Anong tama na. Tignan mo oh namumula pisngi ko sa ginawa mo.” Pagrereklamo ko nang hindi niya mahalata na kinikilig ako sa pag papa cute niya sa akin.