Chapter 14

156 17 5
                                    

I WANT YOU BACK AGAIN!

I’m on my room. Almost mid night but I can’t sleep. Dilat na dilat pa rin ako. Parang kakalaya ko lang mula sa pagkabilanggo. Pagkabilanggo mula sa mapait na nakaraan.

Umupo ako. Kinuha ko ang gitara ko na may tweety bird designs.

I started strumming.

Magsisimula pa lang sana ako sa intro nang biglang tumunog ang phone ko. Kinuha ko naman yun at tinignan kung sino ang nagtext.

Couz Ivo:

Can’t sleep.

Nagreply ako agad.

Ako:

Same here.

Red cups and sweaty bodies everywhere.

Hands in the air like we don't care.

Biglang tumunog ang phone ko. We can’t stop originally by Miley Cyrus pero mas gusto ko lang talaga pakinggan ang version ng Boyce Avenue. Alam na alam ko rin kung sino ang tumatawag, yan kasi ang naka assigned na ringtone ko sa kanya. Why we can’t stop? Ewan. Maybe I am what I am if I am with him. And nothing can stop us.

“Hello couz?” Panimula ko.

“Bat hindi ka pa natutulog?”

“Hindi lang talaga ako dinadalaw ng antok.”

“Mind to share?”

Kinuwento ko na rin sa kanya ang nangyari sa paghaharap naming ni Nash. Ang dami niyang pagmumura sinabi dahil sa mga nalaman niya kay Nash.

Gaya ko nagulat din siya sa mga ibinulalas nitong si Nash. Sa tagal naming magkausap hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

At hindi ko na rin alam kung paano natapos ang uasapan naming dalawa dahil pagkagising ko hawak hawak ko pa rin ang phone ko at naka connect pa rin ito kay Ivo. Dali dali kong nilagay agad sa tenga ko.

“Couz?”

“Hmm.”

OMG. Baliw talaga ang kumag na ito. Ni hindi man lang talaga niyang naisipan idisconnect.

Kaya naman tinadtaran ko siya ng pagmumura. Kaloka. At pinaulanan ko rin siya agad ng sapak ng Makita ko siya. Hay naku.

Kahit medyo antok pa ako maaga pa rin kami pumasok ni Ivo. Nakita kong matamlay ang mga mata niya. I guess hindi nga rin talaga makatulog ito kagabi. Pero mukhang antok man siya, nagniningning pa rin ang kagwapuhan niya.

“Don’t drool over me couz, nakakahiya.” Sabi niya sabay smirk.

“Yucks.” Sigaw ko agad sa kanya sabay batok. Lang hiya talaga ito kahit kelan. Pero bakit feeling ko namumula ako. Hay naku Honey. Ikaw na. Ikaw na talaga ang FeelAm. Feelingera at ambisyosa!

Halos lahat ng mag aaral na nadadaan at nakakasalubong sa amin ay ngumingiti at kumakaway sa akin.

“Ate Honey.” Tawag sa akin ng babaeng medyo payat, mahaba ang buhok at mala snow white ang kutis.

Ngumiti ako sa kanya at hinarap ko naman siya. At lumapit din siya sa akin sabay hawak sa kamay ko.

“Ako po pala si Ayaa Piad Wee. Sobrang iniidolo ko po kayo. Masaya po ako sa wakas nalaman na ng lahat kung ano yung totoo.” Ang lawak nang kanyang ngiti.

Teka. Ayaah Piad Wee? Kaano ano naman niya si Doralyn Wee? Hindi kaya. Well never mind. Wait ano sabi niya? Nalaman na nang lahat kung ano ang totoo? Gusto ko mangiyak sa nalaman ko kaya naman niyakap ko itong cute na si Ayaa. At niyakap niya rin ako.

BitterSweet by: XeltrahbladeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon