Chapter 11

151 15 2
                                    

GIVING UP

Lumipas na ang mga araw ng puso pero walang Angelo na bumati sa akin. Walang Angelo na nag surprise sa akin. Walang Angelo nag pakita sa akin. I stayed home the whole day. Si Ivo naman visited me bringing 14 red roses. I don’t know how this guy can manage to make me smile. But I am glad that amidst the pain, I can still whole heartedly smile.

Nasa may sala ako ngayon katabi si Papa.

“Honey, why are you not going out with Angelo? Do you have any problem?” Tanong ni Papa.

Nanonood kami ngayon ng UFC, ayoko kasi manood ng kahit anong palabas na may love chuvanes. Bitter na kung bitter, wala akong paki alam.

“Sometimes there are things that meant to be kept in silent. I don’t wanna comment on it, I might regret my words Pa.” Sabi ko kay Papa habang ngumunguya ng Popcorn.

“Anak, whatever it is, face it. If it is meant to be broken, it is but if it is meant to worked out, it will.”

Tama si Papa. Kailangan lang naming ng time ni Angelo. Masyado pa kaming bata para sa mga ganitong pagsubok. Naniniwala ako na makakayanan naming itong lagpasan. Pero if we’re not meant to be, I’ll face it, kahit mahirap. Kahit masakit.

Wala pa rin nag bago sa pakikitungo ng karamihan sa akin. Hindi pa rin sila napapagod na ipagkalat ang tungkol sa akin. Okay lang sana kung totoo kaso hindi naman. Ganyan naman talaga ang buhay, may magawa ka lang isang pagkakamali, matatabunan ang lahat lahat ng ginawa mong tama. Ano ba ang naging pagkakamali ko sa nangyari? Yun ay ang masyado lang talaga ako nag tiwala.

Araw araw pakiramdam ko isa akong bihag na itinali sa gitna nang kagubatan. Na kahit anong pilit kong makawala ay hindi ko magagawa at kahit anong dasal ko ay hahantong at hahantong pa rin ako sa kamatayan.

Hindi pa rin ako nagpapatinag. Sinusubukan kong makausap si Nash. He needs to explain. He needs to clear out things. Wala na kong pakialam sa nangyari sa amin ang gusto ko lang sabihin niya kung ano ang totoo. Kaso lang naman everytime na mkita ko siya ay tinatago agad siya ng mga galamay niya. Tinataboy nila ako agad.

“Susugurin ko na lang sila para matapos na to.” Saad ni Ivo.

Kasalukuyan kameng nasa may terrace ngayon kasama ang barkadahan well of course except for Angelo.

“Alam niyo mas gusto kong sugurin si Angelo.” Naka pameywang na saad nitong si Erwin.

Marinig ko pa lang ang pangalan niya parang tinutusok na naman ang puso ko.

“Hindi natin kailangang sumugod o mag eskandalo sa kahit na kanino sa kanila dahil mas lalala lang ang sitwasyon.” Sabi ko. Saka bumuntong hininga.

“Of all the people, hindi ko talaga lubusang aakalain na Angelo will do this to you, to us.” Seryoso ding pahayag ni Zeejay.

Kahit paminsan minsan marunong din pala magseryoso ang igat na to. Bumaling ako kina Anna, Dulce at Faith. Parang may ibang agenda ang tatlo. Parang nagtutulakan sila.

“Girls---”

Biglang naputol ang sasabihin ko nang biglang nabitawan ni Anna ang kanyang cell phone. Ano ba ang nakakagulat sa sasabihin ko. Feeling ko may gusto silang sabihin na parang ayaw naman nila.

“Ano bang problema niyo?” Nakataas ni kilay na tanong ni Sheena sa kanila.

“Kasi, ano, ano, kasi.” Panimula nitong si Dulce saka naman niya hinihila si Anna.

Nagtataka na talaga ako sa kinikilos nila.

Biglang tumayo si Rina na kinagulat din naming lahat.

BitterSweet by: XeltrahbladeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon