Chapter 1

446 30 17
                                    

 Wedding Day

Kasalukuyan akong inaayos ng Beki kong artist na kung tititigan mo lang at hindi kakausapin, iisipin mo talagang babae siya. Sa haba ba naman ng hair at ng magandang hubog ng kanyang pangangatawan. Halatang inaalagaan.

Napapangiti ako sa salamin everytime matanaw ko kung gaano ako kaganda. Ang make up ko hindi man ganoon ka dark pero sakto naman ang templa nito na sumasang ayon sa suot ko. Tapos ang hair kong straight na straight ay kinulot na ang sa may dulo.

“Oh yan, ang ganda mo talaga Honey. I’m sure mas lalong mahuhulog sayo ang ‘yong prinsipe”. Nakangiti niyang wika.

Ngumiti ako bilang pag sang ayon at tumayo sa harapan ng salamin. Doon ko lang napagtanto kung gaano kaganda ang wedding gown ko, halatang pinaghandaan. Eh paano naman, 2 months itong itinahi ng pinaka sikat na designer sa Paris, at totoong diamond ang kumikinang na designs sa may unahan nito. Dagdag pa niya, ito na raw ang pinakamaganda, pinakamahal at magastos na wedding gown na nagawa niya sa buong buhay niya.

Sa di kalayuan, nakita kong pumasok si Sheena at naka ngiti ito na malapad sabay takbo patungo sa kinatatayuan ko. “Besty, sa wakas, matutupad na talaga ang pangarap mo.”

“Tama ka Besty. Hindi ko nga aakalain na hahantong ang lahat sa kasalan.” Ngumiti ako at niyakap siya. “Ang ganda mo Besty”

“Sus, alam ko nayan, pero shempre mas maganda ka.” Wika niya.

Sabay kameng tumawa.

Excited akong lumabas ng kwarto at nang makababa na kame, sinundo agad kame ng white limousine with printed images naming dalawa ng mahal ko na siyang maghahatid sa amin sa simbahan. Muli akong kinilig dahil doon. Kasabay ko sina Besty at ang make up artist ko at ang kanyang mga alipores.

Bumukas ang pintuan ng Simbahan. Dahan – dahan akong naglakad. Sinalubong ako nina Mama at Papa at nakikita kong kumakanta si Zeejay ng aming theme song, pero ang weird lang hindi ko marinig ang golden voice ng igat kong friendship. At nakakapagtaka rin ay binabati nila ako ng “congratulations”, “ang ganda mo talaga”, “hanep ang gown”’ at kung anu ano pa pero hindi ko rin naririnig ang boses nila nababasa ko lang ang mga bibig nila sa pagbigkas ng mga salitang papuri sa akin.

Well, hindi ko na lang yun inintindi. Inisip ko na lang kaya siguro ganoon ako, nabibingi kasi tanging pintig lang ng puso ko ang naririnig ko na sinisigaw ang pangalan na mahal ko, CHOS, bumabanat pa. Ayee. Kinikilig tuloy ang pwet ko. HEHEHE

At sa malayo, natatanaw ko kung gaano ka kisig ang taong makakasama ko pang habang buhay. Ang taong kailanman hindi sumuko sa lahat ng bagay at lahat ginawa niya para lang ipagtanggol ang pag iibigan naming dalawa. Sa sobrang saya di ko tuloy namalayan ang pagpatak ng maliliit na butil ng luha mula sa aking chinitang mata.

Ngunit ….. Habang naglalakad ako papalapit sa kanya nararamdaman ko na mas lalong humahaba ang distansya namin sa isa’t isa hanggang sa unti – unti siyang nawawala sa paningin ko pati na rin ang mga tao na kanina lang ay masayang nakatanaw sa amin. At bigla ko na lang narinig ang pag tawag sa akin ng isang napaka pamilyar na boses.

Honey.. Honey.. Honey.. HOOOONNNNNNNEEEEEYYYYY!!

Shit! Napatayo ako bigla at pakurap kurap kong tinitigan si Mama. Okay wait!!!

LOAAAAADDDDDIIINNNGGGG!!!!

“Honey, wake up. Oras na para mag ayos. It is school days again my dear.”

School days? As in pasukan? Diba ikakasal ako dapat? Shit!! Dun ko lang napagtanto, I’m having the same dream over and over again. Hayy!! Ano ba yan. Hanggang doon na lang parati ang panaginip ko. Wala man lang next level and worst ni hindi ko matandaan ang mukha ng aking groom. Like duhhh!!

Hihiga pa sana ako nang muling sumigaw si Mama.

“Honey!! Oh com’on. First day of school don’t tell me ma lalate ka na naman. NAKU.”

Henebeyen si Mama. TSK.

“Alright Ma. Babangon na po.” Sabay ismid.

“Good, maya maya andito na yun si Ivo.”

“Okay Ma.”

Tumayo na ako at saka dali daling nag ayos. Pagkababa ko nakahanda na ang pagkain ko sa hapag kainan. Just for five minutes narinig ko na ang pagpita ni Ivo.

“Hayy! Hindi ko man lang naenjoy ang pagkain. TSK. “ pumita ulit si Ivo sabay tawag naman ni Mama. “I’m coming.” Sigaw ko.

“Be good okay. Listen to your teachers and go home after class.” Saka ako hinalikan ni Mama sa pisngi.

“Bye Ma.”

Tumakbo ako papunta sa green Mercedes Benz ni Ivo. “Hello couz. Goodmorning. Daanan na natin si Sheena.” Sabi ko nang naka ngiti.

“Goodmorning couz, sure.” Sinuklian niya rin ang ngiti ko ng pag ngiti niya.

BitterSweet by: XeltrahbladeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon