Chapter 13

159 16 4
                                    

CONFESSIONS

Natapos na rin ang mahaba habang bakasyon. I enjoyed a lot. Ang dami ko actually natutunan. At di tulad noon, hinahayaan na ako nina Papa at Mama na puntahan ang gusto kong puntahan as long as I asked permission and go home early.

Pabalik na kami ngayon sa Amando Community. Nag text ang barkadahan na enrollment na at sabay sabay na kaming magpa enroll.

I texted them all right away.

Ako:

Hi barkadahan. I can’t be with you. I’m still at Tagaytay helping Papa at his office. Si Mama ang mag aasikaso nang enrollment ko. Imissyou all :*

Almost all sa kanila nadismaya. First time kasi ito na hindi ako sasabay sa kanila sa tagal na naming magkakaibigan. Kinausap ko na rin si Mama tungkol doon at pumayag naman siya. Sinabi ko lang na pagod pa ako at ayoko rin mahuli sa enrollment.

But the truth is, I want them to see the new me sa first day of school na lang.

Thak God, umayon naman ang lahat sa naging plano ko.

“Anak, may bisita ka. Wake up.”

Saka niya binuksan ang window na tumambad naman sa akin ang reflection ng sun light sa sliding window ng room ko going sa terrace na tambayan naming ni Ivo.

Naghitad hitad muna ako sabay hikab saka ako bumaling kay Mama na abala naman sa pag aayos ng mga nakakalat kong gamit sa sahig.

“Sino Ma?”

“Your cousin of course. By the way anak andyan na ang bagong uniform mo.”

Hindi na ako magtataka kung alam na ni Ivo na nakauwi na kami. Sa iba pwedeng pwede ako magpanggap na wala pa ako dito pero sa kanya hindi. Malamang magkaharap lang ang bahay namin. Ang nakakapagtaka lang ay hindi niya ako inusisa o kinulit man lang sa kwarto ko. Ano kaya ang drama nun.

Yes I have new uniforms eh kasi po pumayat ako di tulad ng dati pati tumangkad din kasi ako medyo naging maiksi ang palda ko which is I’m not comfortable.

Dali dali akong naligo at nagbihis saka bumaba. Naabutan ko siya sa may sala nanonood ng Kuroko No Basuke. Tetsuya my love na naman.

Tinignan niya ako agad ng up and down. Mapanuring tingin. Ano peg nito, Matang Lawin?

“What’s with that look?” Tanong ko sa kanya saka ako nagmamadaling humakbang para mayakap siya. I just missed him. I missed him a lot.

Nagulat ako dahil bigla niya akong binuhat.

“Ilang kilo ang nabawas sayo?” Tanong niya saka ako binaba.

Humarap ako sa kanya. “Konti lang naman.” And I smiled.

Marami akong ikinuwento sa kanya. Lahat lahat ng kalokohan na pinag gagawa ko doon. Buong araw kaming mag kausap. We don’t bother to think about time, we’re just having fun.

Namiss ko nga talaga ang kumag nato, I mean we both missed each other.

Pasukan na naman.

Maaga kaming pumasok ni Ivo. Sabay pa rin kami pero yun nga lang I’m using my own car. Same with Ivo but with Tweety Bird cover. Obsessed na kung obsessed, I just love it.

Nagulat ang barkadahan ng makita nila ako with my new look. Pinaulanan nila ako ng papuri. Natuwa naman ako kasi they liked it. May mga gustong bumati sa akin, meron naman cold pa rin ang treatment sa akin pero hindi ko na lang pinapansin. Ang mahalaga tanggap ako ng mga taong kilala ang totoong ako.

Gaya kahapon, ikinuwento ko rin sa kanila ang lahat lahat ng pinaggagawa ko sa Tagaytay. Lahat sila nakatutok at nakikinig sa akin. Tapos ikinuwento din nila isa’t isa ang mga ginawa nila nung vacation.

BitterSweet by: XeltrahbladeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon