Transferee
“Wake up Miel.”
Inaantok pa ako pero unti unti kong minulat ang mga mata ko. Katabi ko ngayon si Ivo. Nakatulog pala ako sa buong byahe namin.
“We’re here.”
Masigla niyang saad sa akin. Sa wakas nasa Pilipinas na kami ulit. Naghitad muna ako saka tumayo at bumaba ng sasakyan. Sinalubong kami nina manang. Kinuha na nila isa isa ang bagahe namin.
Pinag masdan ko ang kapaligiran at nang umihip ang hangin suminghap ako at ngumiti. Tama pala ang kasabihan na There's no beautiful place like home
Yumakap ako sa aming mga kasambahay. Namiss ko lang talaga sila. Tapos binigay na namin ang mga pasalubong nila. Yes, they deserved it.
“Naku salamat po talaga ma’am at sir.”
Sabi ni Manang Linda.
Ngumiti kami sa kanya, sa kanilang lahat.
Umuwi muna sina Ivo para ibigay din ang mga pasalubong sa mga kasambahay at guard nila at para makapag pahinga na rin. Tapos ako naman dumiretso ako ng kwarto. Hindi pa naman ako gutom. Gusto ko lang matulog ulit. Mamaya na ako mag upload ng pictures naming lahat para isahan na lang.
Goodnight muna para sa akin.
“Honey wake up. Dinner time na anak”
Ginising ako ni Mama. Tinignan ko siya na ngayon ay palabas na ng kwarto ko. Tinignan ko ang relo. It’s already 7:20 in the evening. Grabe, ang haba naman ng tulog ko. Around 2 in the afternoon akong natulog, so more or less 5 hours akong tulog.
Tinatamad akong umupo sa may table namin. Hindi pa pala ako nakakapagpalit. Pagod na pagod man talaaga ako.
“Oh hindi ka pa pala nag palit.”
Sabi ni Papa na natatawa sa itsura ko.
Nag peace sign na lang ako sa kanila at umiling iling na lang sila sabay tawa.
“Nga pala bukas kukunin niyo na ba grades niyo?”
Tanong ni Mama. Tumango lang ako. Nilalantakan ko na ang pagkain. Gutom na ako. I’m damn starving.
“Tapos mag eenrol na kayo?”
“Depende Ma’ I guess so. Kami lang naman ang hinihintay ng barkadahan.” Ani ko.
“H-indi na ba ako sasama sa inyo?”
Sa tono ng boses ni Mama alam ko na agad kung ano ang gusto niyang iparating sa akin. Ngumiti ako at umiling.
“I’m with Ivo and the barkadahan, no need to worry.”
Wika ko at nagpatuloy ng kumain.
Tapos na ako mag shower kaya sumalampak na agad ako sa kama saka kinuha ang lappy. Mag facebook muna ako para ma upload ang pictures namin.
Nagulat akong makita ang more than hundred of messages and notifications.
Tinignan ko muna ang messages. Galing sa mga kaibigan at nakakailala sa amin ni Cy at ang barkadahan. At lahat ng mensahe nila ay ang tungkol sa main ni Cy. Tinignan ko ang notifications. Ang iba bout sa mga post pics ni Ivo ang iba naman ay tungkol pa rin sa amin ni Cy. Nagkibit balikat na lang ako saka inupload ang pictures namin. May mga nakakatawa kaming post at meron naman nakakaloka. Ngumingiti ako nang mag isa.
May nag memessage sa akin, hinahayaan ko na lang. Magkikita naman din kami bukas. At saka kung isa isa ako mag kwento, nakakapagod kaya. Maganda kung irecord ko na lang at iparinig sa kanila, for free pa pero shempre walang thrill doon kaya maghintay sila bukas at kung kelan nila akong makita.