Chapter 32

94 7 1
                                    

A beginning of war

Pagkatapos nang araw na iyon, hindi ko na inatupag ang kausapin siya. Hindi dahil ayoko siyang kausapin kundi ayokong may masabi ako na alam kong makakasira sa lahat ng ano mang may roon ako sa mga oras na ito.

Mahal ko ang pamilya ko. Ang pamilyang pinaghirapang buuin nina Papa at Mama at nina Tito at Tita.

Mahal ko rin ang mga kaibigan ko. Hindi ko kayang talikuran ang lahat ng mahal ko para sa sarili kong kaligayahan. Hindi ko kaya dahil ayokong may masaktan pero sa lahat ng ginagawa kong pag iwas at para maprotektahan ang lahat ng mahal ko, may dalawang tao akong nasasaktan.

Una, ang sarili ko. Nasasaktan ako dahil hindi ko alam kung darating ang oras na kinailangan kong mag desisyon, wala akong ideya kung ano ang gagawin ko. Hindi ko alam kung tama bang piliin ko ang isa kesa sa isa, and vice versa.

Pangalawa, ang taong walang ibang ginawa kundi ang mahalin ako pero iniiwasan ko at sinasaktan kahit hindi ko man sinasadya dahil wala naman siyang kasalanan. Ako ang may problema at hindi siya, kaya naguguilty ako.

Ang hirap mapunta sa ganitong sitwasyon pero sa mga oras na ito ang tanging alam ko ay ang umiwas habang wala pang nakakahalata at wala pang nakakaalam dahil kahit ako mismo ay nababaliw nang isipin kung ano ba talaga itong nararamdaman ko. Masyado ba akong paranoid dahil may hindi kami pagkakaunawaan o masyado ko lang namimiss ang mga panahon na para kaming kambal at hindi na mapaghiwalay.

Alin man sa dalawa na yan ay hindi ko alam ang tunay na kasagutan at kung may iba pa ngang dahilan, ay hindi ako tiyak kung ano man yun.

Ayokong isipin siguro dahil ayoko ngang tanggapin.

Hindi ako ang sisira sa kung ano man ang may roon ako. That’s totally insane!

Lumipas na ang isang linggo at nasimulan ko na ngang iukit ang linyang mag papaalala na sa akin na sa buhay, may mga bagay na hindi para sa atin kahit na gusto natin.

Ngayon ko lang naintindihan ang sinabi sa akin nuon ni Rina, na hindi lahat ng gusto ko ay makukuha ko. Pero teka, may alam ba siya. Bahagya akong kinabahan sa naiisip ko pero napaka imposible naman.

Never mind Honey, just think positive. Walang makaalam kung pipiliin ko ang manahimik.

“Anak may problema ba?”

Tanong ni Mama habang nakatitig sa akin na nakapangalumbaba sa harapan ng TV namin sa may sala.

Umayos ako ng upo at bumaling kay Mama nang nakangiti kahit na trying hard akong ngumiti para makumbinsi ko na wala nga akong problema.

“Opo naman Ma, boring lang po ako.”

Ani ko. Saka bumaling ulit sa palabas kahit hindi ko maintindihan ang takbo ng kwento.

“By the way anak mamayang gabi, sa bahay nina Mare tayo mag didinner.”

Tumingin agad ako kay Mama. Ang tinutukoy niyang Mare ay ang Mama ni Ivo, si Tita Nadz.

“Ano po meron Ma?”

Alam kong hindi tama ang naging tanong ko dahil madalas naming ginagawa ang mag dinner ng magkasama. Kung hindi sa bahay nila ay sa bahay namin o di kaya sa labas. Naniniwala kasi sina Papa at Tito na nagpapatibay sa relasyon ng magkapamilya ang kumakain ng sabay sabay. Mas napag uusapan raw kasi ang mga bagay bagay kapag nasa hapag kainan.

Napansin ko ang pag kunot ng noo ni Mama kaya naisipan ko na lang mag paalam para lumabas kahit na wala naman akong lakad.

“Alis muna ako Ma. Puntahan ko muna si Sheena.”

BitterSweet by: XeltrahbladeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon