FAIRYTALES
Desidido akong makilala si Mr. Locker dahil kagaya ng barkadahan, nagbabasakali ako na sana nga siya si Mav. Ang taong matagal ko ng gusto pero hindi ko naman maaaring ipagsigawan. Siguro pwede kong ihalintulad ang sarili ko sa isang pasyente na may taling na ang buhay, ngunit sinusubukan pa ring lumaban para sa taong mahal nila.
Sa kalagitnaan ng pag mumuni muni ko, ay may biglang nagsalita mula sa likuran ko at dahil sa gulat ay napatayo agad ako at saka ako tumingin sa kanya.
"Hi Ms. Barredo."
Pormal niyang bati sa akin.
Teka nga lang parang kilala ko siya. Oh yes, siya na nga talaga.
"Ikaw?"
Tanong ko at ngumiti naman siya sa akin and he nodded.
"Paano naging ikaw? I mean, why you? Why you even did that?"
Tanong ko sa kanya. Hindi lang talaga kasi ako makapaniwala. Masyado naman kasing imposible na siya nga si Mr. Locker. Of all the guys na nakilala ko, bakit siya? He's charming but hindi naman kami nakapag usap kahit once except na lang that day.
"Wala man lang hello?" Saka siya nag smirk.
"Oh di kaya mag offer man lang na umupo?" At muli siyang nag smirk.
Wow lang huh? Lakas ng hanging dala nito. Kailangan yata sabihan ang PAG ASA nang makapaghanda ang sambayanan sa malakas na bagyong dala nito.
"Okay, hello and have a seat." Sabi ko sa kanya kahit na labag yun sa kagustuhan ng katawang dyosa ko.
"Yun oh. Salamat." Nag smirk na naman siya.
Mr. Smirk yata dapat ang itawag sa kanya at hindi Mr. Locker.
"Kamusta? Ang tagal na natin hindi nagkita. I mean kahit naman nagkikita tayo eh ang taray taray mo."
Sinapak ko agad siya.
"Agay naman. Ganyan ka ba talaga mag welcome sa gwapo?" Panunuyo niya.
Kapal lang talaga. Sarap lang tadyakan sa ngala ngala.
"Okay lang naman eh kaso ang layo naman sa katotohanan yang pinag sasabi mo." Sabi ko naman.
At ayun ang kumag nag smirk ulit.
"Kung wala ka namang magandang sasabihin aalis na lang ako." Sabi ko saka akmang tatayo nang bigla naman niyang hinigit ang kamay ko kayo napa upo ako ulit.
"I'm sorry, I just don't know how to talk to you." Sabi niya na ngayon naman ay seryoso na siya.
Tinignan niya ako ng mabuti. Tingin na akala mong wala nang bukas.
"You don't have to be formal, you just have to be true and I just wanna know you better."
Sabi ko sa kanya. At ngumiti naman siya sa akin.
Ikinuwento niya sa akin kung paano nagsimula ang lahat ng notes na yun. Nagkakilala kami nung araw na nakilala ko si Maverick. Siya ang lalaking lumapit sa akin at humingi na paumanhin. Siya yung lalaking napagkamalan kong spokeperson ni Mav. Gaya ng dati, moreno pa rin siya. Natural color nga talaga niya yan. At mas tumangkad siya. Shempre naman. Mas magugulat ako kung hindi siya tatangkad, diba? Siya yata ang tamang example ng tagline na "Tall, Dark and Handsome."
Ang tanging alam ko tungkol sa kanya, siya ang goal keeper ng International University Azkals. Magaling siya sa pagdedepensa ng goal nila. Kaya naman walang nakakapasok na bola at maging ang sa mga free kick ay hindi talaga nakakadaan. Talagang mahusay ang team nila.