Getting to know US
Masyado akong tamad sa maraming bagay pero hindi sa pag aaral. Ako ang nangunguna sa batch ko. Kailangan kong galingan araw araw sa lahat ng bagay. Sa maniwala man kayo o hindi, ako lang naman ang nag iisang anak at tagapagmana ng Barredo Group of Company. Ang kompanyang namamahala ng mga produktong gawang Pilipino na inaangkat ng mga dayuhan. Kami rin ang nagmamay ari ng pinaka sikat na 8 Stars Hotel sa buong bansa na matatagpuan sa San Francisco, California USA at sa eleganteng restaurant sa buong mundo na matatagpuan naman sa Hong Kong China.
Lumaki mula sa isang marangyang pamilya si Papa. Kababata niya ang kanyang pinsang si Tito Bernard. Pero ang lahat ng masayang samahan ng magkakapamilya ay biglang naglaho dahil sa isang car accident na pinaniniwalaan nina Papa at Tito na hindi naman totoong aksidente kundi pinagplanuhan. Pagkatapos ng trahedyang iyon, ni isa sa kanilang kapamilya ay walang gustong kumupkop sa kanila and worst, lahat ng ari arian nila ay napunta sa mga kapamilya nilang lahat.
Napunta sila sa bahay ampunan, dito rin nila nakilala sina Mama at Tita Nadizkha. Nung inampon sila hindi nawala ang komunikasyon nila sa isa’t isa. Nag aral silang mabuti at nangakong tutuparin nila ang lahat nang kanilang pinangarap ng mag kasama. Hanggang sa bumuo sila ng kanilang pamilya at nagtatag ng kani kanilang negosyo at iningatan nila ang kanilang mga pangalan.
Nagbunga ang pamilyang binuo nila.
Ako, Honey Mae Gonzales Barredo at ang nag iisang pinsan kong si Justin Ivo Cruz Santiago.
Pumapasok kami sa iisang paaralan. Ang International University. May tatlong Department ang IU. Elementary, High School at shempre College Department. Ito ang nag iisang paaralan na matatagpuan sa bawat sulok ng mundo. Kaya nga International ibig sabihin, kung ang isang Canadian student na nag aaral sa International University – Canada ay maaari rin magpatuloy ng kanyang pag aaral sa International University dito sa Pilipinas. Ito rin ang paaralan ng mga mayayaman, mga sikat sa ibat ibang larangan at aspeto.
At ang International University ay matatagpuan lamang sa aming lalawigan, ang Amando Community. At hindi naman ito kalayuan sa aming tahanan. Kaya naman si Ivo ay malayang nakakapag maneho nang sarili niyang sasakyan sa aming community. At ang Elementary at High school level ay nasa iisang lugar at isang building lang ang pagitan. Samantalang ang College Department ay may layong limang kilometro mula sa pinapasukan namin.
Kahit sabihin nating, ako ang unica hija ng Barredo Family, hindi ko nakukuha lahat ng gusto ko in terms of material matters. Ang gusto kasi ni Papa, kagaya nila matuto akong pamahalaan ang kung ano ang meron ako. Para kay Papa ang lahat ng bagay ay may limitasyon. Pero ganoon pa man, I’m still glad to be their daughter. Never silang nagkulang sa pagmamahal, pag aaruga, pag gagabay at kung anu ano pa.
Marami kaming magkakaibigan na halos lahat kami ay sabay sabay nang lumaki. Kasosyo rin nina Papa at Tito ang mga magulang ng mga kaibigan namin.
Straight brown hair with brown eyes, fair complexion, medyo skinny at sexy, matangkad, mabait, matalino, singer, dancer, hindi singkit pero mala magnet kung makatitig, ano pa nga ba? Well, yan ay ilan lamang sa mga katotohanang patungkol sa akin na nasa vocabulary na ng karamihan kapag ako ang topic.
*****
Kasalukuyan kameng nasa Cafeteria ng IU – Elementary Department.
“Uy mga friendship. Yung bang sikat na Teen Model ngayon, si Rina I guess, balita ko magkakaroon siya ng photo shoot dito sa school e feature din daw kasi ang school natin.” Pagbabalita ni Anna.
“And so?” Tanong naman ni Ivo sabay nguya ng Nova.
“Bitter ka man couz, anyare?” Sabat ko.
“Anong bitter doon? Ang akin lang, di natin kailangan ipasok sa usapan ang mga taong di naman natin kaano ano.” Sagot niya sabay ismid.
Ngumiti si Angelo. Isang ngiting makahulugan.
“Oh, I see. I smell something fishy HUH.” Sabi ko ng naka smirk.
Kaya naman mukhang Thirst itong si Ivo kay Rina kasi itong si Rina ay may gusto kay Ivo.
“Alam niyo mga bekikang, tama naman yung sinabi ni Fafa Ivo.” Pag sang ayon ng baklang si Zeejay sabay pa cute kay Ivo.
Natatawa na lang ako sa mga pinagsasabi nila. Well, if tama nga ang hinala ko hindi na ako magtataka pa. I guess Rina is just one of those who drool over my cousin. I’m not bragging but I’m just proud to say, kung ang “Crush ng Bayan” sa Female Category ay ako, shempre si couz ang nagmamay ari sa Male Division ng titulong yun.
Pagkatapos ng saglit na tawanan at pagkukulitan, nag ring na ang bell bilang hudyat ng next class namin.
***********
AN: Medyo bitin, bawi sa next :)
New A/N: May nagtanong po kasi kung legal bang makapag drive si Ivo with his age, Yes po kasi nasa lalawigan lang nila ang school nila at since galing sila sa kilalang pamilya ay nabibigyan sila ng karapatang magmaneho as long as hindi sila lalabag o gagawa ng mga bagay bagay na makakapahamak sa kapwa nila. And anyway :)) General Fiction ito :)) I guess I can go beyond my imaginations chuvanes. HAHAHHAHHA. Thanks anyway :))