MEETING HIM
Hindi ko alam kung paano ako napatahan ni Ivo basta ang alam ko nagkaayos na kami. At ang gaan gaan lang talaga sa pakiramdam na ang taong iniingatan mo na minsan nang nagtampo sayo ay sa ngayon kasama mo na, kakwentuhan mo na at kasabay mo sa tawanan.
Tama nga talaga ang kasabihan na, mahirap mamiss ang taong nawala na pero mas mahirap mamiss ang taong andyan lang pero hindi mo pwedeng makasama.
Kaya sisiguraduhin ko na ito na ang una at huling pagkakataon na magtatampo o mawawala siya sa tabi ko. Araw araw, sisiguraduhin ko na ako ay magiging parte ng bawat ngiti niya at kailanman ay hindi magiging parte ng bawat pagluha niya.
Sabay kaming nag breakfast at ang chocolate cake ang naging food of the morning namin. After that nag shower na rin siya samantalang ako, nasa kwarto niya pa rin. Hinihintay ko siyang matapos dahil manunuod kami ng Starting Over Again. Dahil kasi sa nangyari sa amin ay hindi na kami nakapanuod niyan. Hindi na rin ako nag change pa ng attire comfortable naman kasi ako sa suot ko at ayaw na rin ni Ivo. Waste of time pa daw. Kumag talaga to.
Ikinuwento ko na rin ang lahat lahat tungkol sa notes na yun tapos pati na rin ang naging plano ng barkadahan at ang sabi pa niya sali daw siya sa game namin.
"Basta cous sali ako huh?"
Pa uwi na kami ngayon galing sinehan.
"Oo nga." Pag sang ayon ko sa kanya.
Ngumiti siya sa akin saka muling bumaling sa daan.
"Gusto ko, ako ang right hand mo." Dagdag niya.
Lumingon ako sa kanya at sinulyapan naman niya ako.
"Dahil gusto ko, sa pagkakataong ito, masisigurado kong mapunta ka sa kung hindi pa man tama atleast sa nararapat."
Ngumiti ako sa kanya. Hayy. Ang sarap lang talaga sa pakiramdam na, maaari mo nang katakutan ang lahat pero dahil sa mga taong patuloy na nagmamahal sayo, ay nagiging matapang ka at mas pipiliin mo na lang ang lumaban kesa sa sumuko na lamang. Gusto ko siyang yakapin pero alam kong hindi pwede sapat na ang manahimik na lamang ako dahil kahit sa titig at ngiti lamang naiintindihan na namin ang isa't isa.
"Ano ba yan. Araw araw na lang tayo may guiz huh?" Nagrereklamo na itong si Erwin. Kulang daw kasi siya sa tulog.
"Teka, sunday naman kahapon huh. Saan ka ba kasi nagpunta?" Pagtatanong nitong si Anna sabay palinga linga kina Erwin at Dulce na ngayon ay magkatabing umupo.
Napansin namin ang pamumula ni Dulce kaya ayun pinaulanan namin sila ng kantyawan. Naku naman oh. Ang King and Queen of Denial ay nasa stage of Acceptance na. HAHA.
Tawa kami ng tawa nang bigla na lang sumulpot sa harapan namin itong si Zeejay na tulala.
"Oh igat, saan ka galing? And what's with that face?"
Tanong ni Angelo sa kanya. Kami naman seryosong naghihintay sa isasagot niya.
"KYAAAHHHHHHH!" Tili nitong si Zeejay sabay talon talon pa. Tapos namumula na rin siya tapos ayun ang kumag parang loka loka umiling iling tapos kumembot kembot pa.
"Yucks Zeejay, can you please stop it. So annoying." Maarteng sigaw ni Rina. Tinignan ko agad siya ng masama sabay taas kilay. Magsasalit pa sana siya binaling ko agad ang titig ko kay Zeejay.
"Ano bang meron igat?" Tanong ko sa kanya nang nakangisi. Eh paano naman kasi naisahan ko na naman ang plastic na Rina. Maitapon nga yan sa dagat ng lumutang at malaman na ng iba ang masangsang niyang pagkatao. Nakakabanas lang talaga.