Chapter 3

273 24 12
                                    

 You Bet??

Pagkatapos ng saglit na tawanan at pagkukulitan, nag ring na ang bell bilang hudyat ng next class namin.

Sina Ivo, Angelo, Anna at Dulce ay magkaklase kaya naman sabay nilang tinahak ang High School Department. Samantalang ako, sina Sheena, Faith, Erwin at Zeejay ay pawang magkaklase kaya sabay naming tinahak ang daan papuntang room ng Star Class, ang Zeus Class.

Rizal ang subject naming ngayon kaya pumasok na sa silid aralan ang ginang na tinuturi naming presidente ng Rizal Club. Bawat anggulo ng kwento ni Rizal patungkol sa buhay niya, mga akda, mga naabot at kung anu ano pa ay talagang kabisado niya.

“Good afternoon class.” Bati ni Ma’am Francisco na may bahid ng pagiging istrikta ng isang guro.

“Good afternoon Ma’am Francisco.” Bati naming lahat.

“Okay class, if I was not mistaken, last year you have learned about one of the novels of our very own national hero, Dr. Jose P. Rizal, which is Noli Me Tangere.” Panimula niya.

“Yes ma’am.”

“Well, please share to the class just a brief summary about Noli Me Tangere. Anyone?”

Nakita kong itinaas ni Sheena ang kanyang kamay.

“Yes Ms. Albianos.”

“Ma'am Noli Me Tangere, the title, in Latin meaning Touch me not, refers to John 20:17 in the Bible (King James Version) as Mary Magdalene tried to touch the newly risen Jesus, He said "Touch me not; for I am not yet ascended to my Father". It is a novel written by Jose Rizal, the Natinal Hero of the Philippines, during the colonization of the country by Spain to expose the inequities of the Spanish Catholic priests and the ruling government."

“Very good Ms. Albianos so, what else have you learned class?”

Wala naman talaga akong balak mag recite pero shempre wala sa vocabulary ng Barredo ang magpatalo, diba I have to portray a Perfect Daughter Image kaya sige, itaas ang paa, I mean ang kamay.

“Ma’am!” Sabi ko.

“Yes Ms. Barredo.”

“In addition to that Ma'am, Rizal finished the novel in December 1886. At first, according to one of Rizal's biographers, Rizal feared the novel might not be printed, and that it would remain unread. He was actually struggling with financial constraints at the time and thought it would be hard to pursue printing the novel. A financial aid came from a friend named Máximo Viola which helped him print his book at a fine print media in Berlin named Berliner Buchdruckerei-Aktiengesellschaft. Rizal at first, however, hesitated but Viola insisted and ended up lending Rizal PhP300 for 2,000 copies; Noli was eventually printed in Berlin, Germany. The printing was finished earlier than the estimated five months. Viola arrived in Berlin in December 1886, and by March 21, 1887, Rizal had sent a copy of the novel to his friend Blumentritt.

Oh, ano say mo? Memorized ko kahit ang figures noh :D

“Impressive Ms. Barredo.”

Umupo akong nakangiti. Kitams, hindi ko talaga ugali ang maglabas ng baraha ng ganun ganun lang.

Nagpatuloy ang discussion at brainstorming namin sa classroom for the next, next subjects hanggang sa tumunog na ang bell hudyat ng uwian time.

Sabay sabay na kameng lumabas ng silid aralan. At kanya kanya na rin nag paalam ang mga kaibigan namin. Samantala, kami ni Sheena ay naka upo sa may English Kiosk habang hinihintay si Ivo.

“Hi Honey”. Bati ni Angelo.

“Hello.” Bati ko rin.

“Sasabay sa atin si Angelo sa pag uwi.” Sabi naman ni Ivo na mukhang wala sa mood.

“Ahh, tama. Nagpahatid lang kasi ako kanina kay manong.” Dagdag niya.

“Shall we?” Tanong ni Ivo.

Tumango kame bilang pag sang ayon.

Una naming hinatid si sheena, pagkatapos si Angelo. At di nagtagal nakarating na rin kame sa lugar namin. Actually magkaharap lang naman ang bahay naming ni Ivo kaya kadalasan dito siya sa amin tumatambay. Nakahiligan na namin ang kumanta sa may terrace. Kadalasan siya ang tumutugtog ng gitara. Minsan nga napag titripan naming lumikha ng sarili naming kanta. Maraming mga bagay bagay na tiyak kaming magkasundo. Kung ano ang kaya ko, kaya niya pero ako, may isang bagay na hindi ko kayang gawin na nagagawa niya. Ang pagpinta. Para sa kanya, ang pagpinta ay simbolo ng kanyang pagpapahayag ng kanyang damdamin, saloobin o kaisipan na di kayang isiwalat gamit ang mga kataga lamang. Kung tutuosin, ang kanyang kuarto ay puno ng kanyang paintings na nilikha niya mula pa noong pagkabata. Siguro kung pinakita niya sa madlang people ang mga likha niya, sure ball, bebenta. Hindi lang dahil malakas ang dating ng painter kundi pati na rin ng paintings.

Kasalukuyan kameng nasa terrace.

“Couz?” Tawag ko habang tinatanaw ang pictures ni Rina sa isa sa mga sikat na magazine sa bansa ang FINE Mag.

“Hmm.” Sagot niya habang pinapakiramdaman ang pagdampi ng hangin sa kanyang balat.

“About Rina----”

“What about her?” Matamlay niyang putol.

“I think bagay kayo. Try to see her pictures here. She’s damn sexy and beautiful.”

“Wala naman akong sinabi na hindi siya maganda, I just don’t like her couz.”

“Talaga? I don’t think you will not fall for her, unless.” Medyo binitin ko ang sasabihin ko ng sa ganoon makuha ko ang atensyon niya.

Tumingin siya sa akin na may bahid ng pagtataka. Yun oh!! Kitams, I got him. :D

“Well, unless kung kaisang partido kayo ni Zeejay.” Sabi ko sabay pigil na tumawa. Nakita kong pumula ang kanyang pisngi. Nakakatawa itchura niya. Kamatis boy lang ang peg :D

“WHATTT??? Never will be Anime!!!!” Sigaw niya.

“Ahhh, anime!! Ganyan ka na pala ngayon IVOng lubot itum??!!! HAHAHA. Ewan ko sayo couz. Nagbibiro lang naman ako.” Sabay akbay ko sa kanya.

“That’s not a good joke.” Sabi niya sabay halukipkip.

Anime ang pang aasar niya sa akin kasi kasing tunong raw ng pangalan kong Honey Mae. Ang pangganti ko naman sa  kanya, IVOng lubot itum. HAHA.

“Sorry couz, di mo naman kasi ako na abisuhan na bawal ka sa joke ngayon.” Dagdag ko sabay tawa.

“Seriously couz, I guess you both look good together. Diba classmate kayo? I’m sure marami nagkakagusto sa kanya, eh kasi hindi lang siya sikat, maganda pa. Hindi ka ba nanghihinayang?” Panunuyo ko.

Wala pa rin siyang kibo. “What if we make a bet?? You promise not to fall in love with her, BUT if you do, you have to say yes to the consequences.”

“And if I win?” Interesado niyang tanong.

“Com’on couz, wag mo ng alamin ang reward mo. You know me. Never akong natalo sa kahit anong pustahan. You bet??” Sabi ko with confidence.

“Sure.” Sagot niyang may boses ng pagkapanalo.

“Then let’s start the ball rolling!”

BitterSweet by: XeltrahbladeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon