Chapter 27

123 10 4
                                    

Reborn

Hindi ko alam kung paano kami nakauwi ang tanging matandaan ko lang ay wala akong tigil sa pag iyak kanina. Ni hindi nga ako makalakad dahil pakiramdam ko para akong lantang gulay, na para bang ilang beses ako binugbog at wala nang natitira pang lakas na gumalaw bukod sa huminga na lang. Binuhat lang ako ni Ivo at nauna kaming umuwi kina Tito at Tita.

Ni hindi nga ako nakapagpalit ng damit. Napagtanto ko rin na napunit ang kabilang dulo ng gown ko at hindi ko alam kung paano nangyari yun. Nakahiga ako ngayon sa kama. Nakatulog ako sa kakaiyak. Mabuti na rin yun kesa naman magmukha akong parang engot na hindi tumigil sa pagtangis.

Wala akong kasama sa kama. Nahagip ng mga mata ko ang lalaking nakaupo sa may silya. Si Ivo na ngayon ay tulog. Kanina pa kaya siya tulog? Kawawa naman itong pinsan ko. Lagi ko siyang kasama sa bawat laban ko. Ilang beses niya na akong sinagip, ilang beses pinatahan, ilang beses sinamahan at sa lahat lahat ng nangyayari sa buhay ko, kailan man ay hindi ako nawalan ng Ivo sa tabi ko. Ilang beses na ba niya akong nakitang umiyak? Tumawa? Nadapa? At higit sa lahat bumangon. Tandang tanda ko pa nuon nung mga limang taon pa lang ako at anim na taon naman siya ng may nang away sa akin na grupo ng mga kalalakihan at kahit na malalaki yun sila kesa sa kanya hinding hindi niya ako pinabayan, ipinagtanggol niya ako. Nagpapasalamat ako na kahit wala akong kapatid ay may pinsan naman akong kagaya niya.

Pinagmasdan ko ang kanyang mukha. Mukhang pagod na pagod siya at naka kunot pa ang kanyang noo. Siguro hanggang sa pagtulog niya naiisip pa rin niya ang lahat ng nangyari sa akin.

Dahan dahan akong tumayo. Kumuha muna ako ng damit saka dumerecho sa banyo. Kailangan kong magpalit. Hindi tama na ganito ang itsura ko hanggang bukas. Pagkalabas ko ng banyo. Kumuha naman ako ng damit ni Ivo. Saka ako lumapit sa kanya. Hinalikan ko siya sa kanyang noo, unti unti naman niyang minulat ang kanyang mga mata. Ngumiti ako sa kanya.

“You have to change.” Wika ko.

Tinignan niya ang damit na nasa kamay ko saka tumingin sa akin na para bang sinusuri niya at binabasa ang nilalaman ng utak ko.

“I’m fine, you don’t have to worry.” Sabi ko ulit sa kanya at muling binigay ang damit niya at tinanggap naman niya ito.

Tatalikuran ko na sana siya pero bigla niyang hinigat ang braso ko dahilan para muli akong makaharap sa kanya. Unti unti siyang lumapit sa akin, at unti unti niya akong niyakap.

“I’m sorry.” Aniya.

Sorry? Bakit siya nag sosorry sa akin. Wala naman siyang ginagawa kung tutuosin dapat ako ang mag sorry sa kanya dahil ilang beses ko na siyang binigyan ng sakit sa ulo.

“Sorry for what?”

Tanong ko sa mahinang boses dahil namamaos na ako siguro dahil ito sa sunud sunod na akong umiyak.

“Sorry dahil hindi kita naprotektahan.”

Simpleng salita lamang pero pakiramdam ko gusto ng sumabog ang puso ko. This can’t be, this is forbidden. Kaya kumalas ako sa pagkakayakap niya sa akin.

“Magpalit ka na para makatulog na tayo.”

Sabi ko at humiga na sa kama.

Bumuntong hininga siya saka naglakad papuntang banyo. Pinagmasdan ko ang bawat hakbang niya, nararamdaman ko na ang bigat bigat ng bawat hakbang na ginagawa niya at kinukurot nito ang puso ko.

Tumabi na rin siya sa akin, agad akong lumapit sa kanya at yumakap. Kailangan ko nang yakap, kailangan ko ng taong maiintindihan ako sa kahit anong anggulo at alam kong si Ivo lang ang makakaintindi sa akin.

BitterSweet by: XeltrahbladeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon