Chapter 21

163 13 7
                                    

The Game

We kissed slowly but with love.

After sharing those unforgettable kisses, we looked at each other’s eyes and smiled. I’m glad, she’s not crying anymore and I’m glad I made her smile.

Pagkalingon namin sa loob ng kwarto ay nakatayo naman dun si Ivo na nakahalukipkip. Seryoso ang kanyang mukha.

“Congrats to the both of you.”

Akala ko magagalit siya. Ngumiti ako sa kanya. At nakita kong ngiting ngiti naman si Honey kay Ivo. We both happy at masaya rin kami dahil hindi tutol si Ivo.

Nang nakababa na kami. Sinabi na rin ni Honey na sinagot na nga niya ako. At gaya ni Ivo masaya rin sila para sa amin.

“Basta ang pag aaral niyo huwag niyong kalimutan pati tandaan ang mga di dapat gawin, iwasan. Alam niyo kung ano ang tinutukoy ko.”

Sabi ni Tita. At nakita kong tumango pa si Tito. At tumango rin kami bilang pag sang ayon. Kahit naman na hindi kami pagsabihan ay hindi pa rin namin yun gagawin. Masyado pa kaming bata para sa mga ganoong bagay. Sapat na ang napatunayan namin na mahal namin ang isa’t isa para alagaan ang meron kami ngayon.

Nalaman na rin ng barkadahan ang tungkol sa amin ni Honey. Lahat sila nag congratulates sa amin. Pati mga kaibigan ko alam na rin nila. Alam na ng lahat ng nakakakilala sa amin. Pero may isang tumututol pero wala akong paki alam.

“Hindi tama ang ginawa mo.”

Galit niyang saad sa akin.

“Bakit ano ba sa tingin mo ang tama? Ang itago ang nararamdaman ko para sa kanya?” Sagot ko sa sinabi niya.

“Wala kang alam kaya manahimik ka.”

Galit niya pa ring saad. Nakita ko pang naka kuyom ang mga kamay niya.

“Alin dun ang walang alam? Hindi ako kagaya mo na duwag.” Sabi ko.

“Kung hindi mo kayang a----”

Bigla akong napa higa sa sahig dahil sa malakas na pagkasuntok niya. Lang hiya hindi ko man lang siya napigilan at hindi ko man lang napag handaan. Takte!

“Sa oras nang saktan mo siya, sisiguraduhin ko, wala ka ng mukha pang maihaharap!”

Nakita kong nag igting ang panga niya. Saka ako tinalikuran. Hinawakan ko ang mukha. Masakit siya. Ang lakas nga talaga ng pagkasuntok niya. TSS. Anong magagawa ng suntok at pagmumura niya sa akin kung ang taong mahal niya ay hindi siya mahal at ako ang pinili. TSS. Hindi naman kasi ako duwag kagaya niya.

“Anong nagyari sayo?”

Nag aalala niyang tanong sa akin nang makita niya ang pasa sa mukha ko.

“Wala yan. Nagkasakitan lang ni utol sa sobra naming pag lalaro ng karatedo. Hindi naman niya yan sinasadya.”

Pagsisinungaling ko. Nakita kong kumunot ang noo niya. Ngumuso na lang ako para hindi mahalata na nagsisinungaling nga ako. Pinisil ko na rin ang pisngi niya para maibaling lang sa iba yang pagtataka niya.

Naiinis na naman niyang pinagsusuntok ang tagiliran ko.

“Agay.” Pagrereklamo  ko. “Tama na baby, pease.”

“Anong tama na. Tignan mo oh namumula pisngi ko sa ginawa mo.” Sabi niya at patuloy pa rin sa ginagawa niya.

“I’m sorry na baby. I love you.” Paglalambing ko sa kanya.

At itinigil naman niya ang pagsusuntok sa tagiliran ko at nakita kong namumula na siya.

“Okay lang naman sa akin na sabihin mong kinikilig ka.” Dagdag ko kaya ayun sinapak naman niya ako ngayon.

BitterSweet by: XeltrahbladeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon