Chapter 31

109 8 3
                                    

Painting Lines

Tapos na ako magbihis at hinihintay ko na lang dumating si Rimz. Yes, si Rimz ang susundo sa akin ngayon, yun kasi ang napag usapan naming kagabi nung tumawag siya. Napag kasunduan namin na simula sa araw na ito, susunduin at ihahatid niya ako pauwi. At kung may lakad ako dapat kasama siya. Yun daw ang magiging bayad ko sa pagtatakpan niya sa akin sa barkadahan nung araw na nalaman niya kung saan ako. Wala naman ako ibang choice kaya I agreed with him.

Umiinom ako ng gatas nang nag vibrate ang phone ko. Tinignan ko ito agad at nakita kong isang mensahe galing kay Rimz.

Rimz:

I’m outside waiting.

Hindi na ako nag atubiling mag reply at agad kong nilapitan sina Mama at Papa saka nag beso at nagpaalam sa kanila. Bago pa man ako tuluyang maka alis tinawag ako ni Papa at lumingon ako agad sa kanya.

“Be careful anak.” Aniya.

I just nodded kahit hindi ko alam kung he was trying to remind me or trying to warn me.

Pagkalabas ko sa may pinto nakatayo si Rimz sa gilid ng kanyang sasakyan at nakangiti siyang nakatingin sa akin.

Lumapit ako sa kanya ng nakangiti rin. Binuksan niya ang kabilang pinto sa may front seat at minuwestra ito sa akin para pumasok na ako.

Agad siyang umupo sa driver’s seat at inaayos ang kanyang seat belt.

“Don’t stare at me.”

Nagulat ako sa sinabi niya. Masyado bang halata? Umiling iling na lang ako saka ngumiti ng patago.

Pagkalabas namin sa gate nagulat akong nasa labas din si Ivo. Nakahilig sa kanyang sasakyan at nakatitig sa amin. Nasa loob ako nang sasakyan pero ang mga titig niya tagos pa rin hanggang kaluluwa ko. Tumingin ako kay Rimz para sabihin sana na huminto muna pero laking gulat ko nang pinaharurot niya ito at hindi man lang bumaling kay Ivo. Nilagpasan namin siya nang ganun ganun lang.

Nakatingin ako sa side mirror at nakita kong hindi pa rin tinatanggal ni Ivo ang titig niya sa amin hanggang sa unti unti siyang nag laho sa aking paningin. Bumaling ako kay Rimz na ngayon ay may malaking ngisi sa kanyang labi at saka sumipol.

“What the HELL do you think you are doing?”

Tanong ko sa kanya sabay diin sa salitang Hell. Hindi pa rin niya ako tinitignan. Patuloy pa rin siya sa pagsisipol.

“Anong nakakatawa sa ginawa mo?”

Pasigaw kong tanong sa kanya. Tumigil siya sa kanyang ginagawa at tumitig sa akin.

“I just want him to be true.” Aniya.

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Anong connect nang tanong ko sa sagot niya.

“Just let me do it. Balang araw magpapasalamat ka rin sa akin.” Dagdag niya.

“Paano ako makakasiguro na darating nga ang araw na yan kung hindi mo naman pinapaliwanag sa akin ngayon kung bakit mo yun ginawa.”

Sabi ko sabay taas ng kilay.

“Dahil may mga bagay na mas magandang gawin kesa sabihin.”

What an answer! Magsasalita pa sana ako nang bigla niyang tinanggal ang seat belt niya kaya tumingin ako sa labas, nasa may parking area na pala kami ng school. Pag kalingon ko wala na siya sa tabi ko lumabas na siya at naglalakad na papunta sa room namin.

Damn this guy! Ang hirap niyang ispelingin. Kaya mabilis akong lumabas at tumakbo para maabutan siya.

Nang maabutan ko siya agad ko hinawakan ang braso niya at hinila yun para humarap siya sa akin.

BitterSweet by: XeltrahbladeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon