Just tell me
Tapos na kami mag enroll kahapon. At nasa bahay lang ako ngayon, boring pero ayoko rin mag lakwatsa. Kaya naisipan ko na lang ayusin ang mga gamit ko, samakalawa pa naman ang pasukan.
Kinuha ko muna ang boxes na kung saan nakalagay ang mga gamit ko sa school. Naka upo ako sa may gilid ng kama nang biglang may kumatok sa pintuan.
“Pasok.”
Nakita kong dahan dahang bumukas ang pinto at nakatayo ang pinsan kong naka jersey short with white shirt and nikee shoes.
“Oh ano nakain mo at naka ganyang bihis ka?”
Nagulat ako sa suot niya ngayon. I mean it is normal and the usual na makita ko siyang naka jersey short but not with shoes and take note, with sport bag. Kung mag gygym man siya, I am very confidence to say na that will not be his attire.
“You wanna join?”
Tanong niya sabay kamot sa ulo niya. Tinaasan ko siya ng kilay.
“Maglalaro ako ng basketball.”
Napa O shape ang bibig ko. Hindi ko kasi sukat na akalain na magkakaroon siya ng interest na maglaro ng basketball. Yes he is sporty but not with the idea of playing basketball. He is tall, with perfect body posture like an athlete but he doesn’t really play basketball and the reason why, well, ayaw lang naman niya makadikit sa mga pinagpapawisang players. So dirty DAW kasi. Parang daig pa kasi niyan ang babae kung mag alaga ng kutis niya. He is not feminine but it’s just his way on taking care of his skin.
“Himala cous, yan ba ang naging epekto ng bakasyon natin sayo?”
Natatawa kong tanong sa kanya.
“Damn you cous. Why? Don’t I have the right to explore?”
Tanong niya sabay halukipkip.
“Oh I see. Explore. Big word huh?”
Saad ko sabay smirk. Seryoso lang siyang tumingin sa akin at saka umalis ng kwarto ko. Nagulat ako sa ginawa niya. Damn! His mad!! Dali dali ko siyang hinabol na ngayon ay nasa may sala na namin at palabas na ng bahay. Grabe naman ito. Laki kasi ng hakbang. Lakad niya, ay takbo na man para sa akin.
“Hey cous.”
Sigaw ko sa likod niya na bahagyang nabuksan na niya ang pinto ng sasakyan niya. Damn! Hiningal ako dun huh. I think I should have my work out once more. Nagiging weak na yata ang body system ko.
Hindi pa rin siya nagsasalita and worst hindi man lang lumingon sa akin. Damn this guy!
Lumapit ako sa kanya at mula sa likod yumakap ako sa kanya.
“I’m sorry.”
Naramdaman kong bumuntong hininga siya saka hinawakan ang mga kamay kong nakapulupot sa may beywang niya.
“I just want you to go with me. If you can’t, okay lang naman.”
Mahinahon niyang saad sa akin. Base sa tono ng boses niya, hindi naman siya galit. Masyado lang yata abnormal ang naging reaction ko.
“I’m sorry also.”
Sabi niya saka humarap sa akin. Nakatingala na ako sa kanya ngayon.
Hinalikan niya ako sa noo.
“Sige alis na ako, baka malate pa ako.”
Ngumiti ako sa kanya at hinayan siyang pumasok sa kanyang sasakyan. Pumita muna siya saka niya ito pinaandar. Kumaway ako kahit na palabas na siya ng gate namin.