Nagising ako nang may sumisipa saakin at alangan namang multo ’to eh si Ace lang naman ang katabi ko sa pagtulog ko ngayon. Tinignan ko ito at mali pala ang akala ko kasi sadiyang ginagamit niya ang kaniyang mga kamay to wake me up.
“ What's your problem?“ Tanong ko sa kaniya habang kinukuso ko ng kaliwa kong kamay ang aking mga mata.
“ Someone is waiting for you.“ Sambit nito. I got curious because of what he said, waiting for me to wake up sa ganitong oras? Masiyado pang maaga para may gustong maka kita ng maganda kong pagmumukha.
“ At sino naman ang magtatangkang gigising sa isang Lion?“ Tanong ko sa kaniya at tumayo na.
“ Of course, your one and only enemy.“ Sambit nito na ikinagulat ko, what? Sino ang tinutukoy niya? Ang dami ko kayang kaaway, but the worst one is Alvrighte. Ikaw nanaman bungadan ng pamimikon, imbis na e-welcome ako sa classroom, tarantado din kasi ’yun. Ayst, bakit ko ba siya iniisip? Nasisira tuloy ang umaga ko.
“ Tsk, you’re just joking. And why is he going to be here?“ Tanong ko saaking kapatid.
“ Kasi may pasok daw kayo at groupings.“ Duh, can't he see that I am not feeling well? Tyaka tita also said that bibigay nalang siya ng excuse letter sa adviser ko.
“ Tita said that—“ Hindi ko na natapos ang sasabihin ko when Ace cut it off.
“ Tita Shantel said that the family reunion was postponed, may biglang pupuntahan sila lola.“ Sambit nito saakin na ikinataka ko, at saan naman pupunta sina Lola? Ayst.
“ But I am still not feeling well.“ Reklamo ko. “ And bakit naman pa siya pumonta dito if he can message me through facebook? Ang Arte niya.“ Walang gana kong tanong.
“ Ask him.“ Mabaha niyang sagot— as in mahaba pa sa pasensya ko.
“ Fine, I am going to take a bath. Umalis kana dito kasi para kang baliw.“ Sambit ko sa lalaki habang naka ngiti ito, pinipikon ko talaga kasi siya. Hindi na ito nag salita at sa halip ay umalis na ito saaking kwarto.
Nakita ko ang last na ngiti ng bruha kong kapatid na halos umabot sa langit. Anong ngiti ’yun? Ngiti ng naka received ng good morning galing sa crush niya? Charot.
Kinuha ko ang aking white t-shirt and black pants para maka ligo na’t nakakainis ang taong iyon, bakit may groupings? Tyaka hindi niya ba maintindihan ang not feeling well? Umuwi nalang siya kasi hindi ako sasama sa kaniya, dahil hindi din ako interesadong makita siya. At bakit din nandito siya? Hindi ko naman kaylangan ng concern niya.
Nakakalimutan niya atang pinagsalitaan niya ako ng masama sa tenga ko. Kapal din ng peslak mo, Albay.
Pumasok na ako sa cr at mabilis akong naligo, hindi mo na kailangang malaman kung paano ako naligo dahil hindi na kailangan pa ng explanation (alam mo naman ata kung paano ka maligo) lumabas ako sa cr ng naka uniform na, bukas nalang ako mag papa-ID, ayukong hintayin ’yung free dahil mas gusto kong mag bayad nalang, tagal pa kaya non, tapos baka dugyot pa ’ko sa pagkakakuha, no thanks.
Binuksan ko ang cellphone ko dahil kanina ay nairita talaga ako sa ingay nito (I hope you already read the main reason) Ikaw ba naman kasi maka rinig ng rock songs pero bago ka matulog mala lullabies ang naririnig mo, tsk.
Bumaba na ako habang hawak hawak ko ang aking bag sa kaliwa kong braso, alangan namang sa kanan eh ang sakit na nga tapos mabigat pa ’yung bag ko.
“ How's your sleep, sweetie?“ Bungad na tanong ni tita.
“ I don't have a good sleep po.“ Sambit ko nang makita ang lalaking naka upo at akala mo ay napaka Inosenteng estudyante dahil sa kaniyang pagkakaupo at inosenteng mukha.

YOU ARE READING
MEMORIES WE CAN'T FORGET
Teen FictionAni nga nila'y ang sarap ng buhay estudyante. Masarap nga talaga ang buhay estudyante at hindi ko iyon itatanggi, lalo na't may tao kang hinahangaan na iyong kaklase. dalawang mag-aaral na isa lamang ang pinapasukang paaralan, mag-aaral na hindi mo...